CHAPTER 30

9.2K 150 3
                                    

nang makababa kami sa sasakyan ay agad na namangha ang mga anak ko sa bahay nila mommy kung saan may sarili akong bahay sa ilalim pero binigay ko na yun sa isa pang kapatid ko na agent din 

Pumasok kami sa bahay sinalubong ako nang napakarami kong kapatid

"Atee hinahanap ka ni daddy punta ka doon ngayon " sabi nang kapatid kong babae

" oo iiwanan ko lang yung mga bata dito bantayan nyo ahh " pagsabi ko nun ay kinuha ko mga gamit namin at agad na inakyat umakyat nang makababa ako nakita ko kung paano dinumog nang mga kapatid ko si anton

Agad na ako bumaba para rescue han si Anton haha di sya tatantanan nang mga yan hanggat walang nakukuhang interesadong sagot mula sa kanya

"Hep hep hep layo layo " nagtatawanan pa ang iba kong mga kapatid na lalaki dahil sa pagpapalayo ko sa kanila

Mukha man ako ang pinakabata pero ang ang panganay at masasabi kong lahat sila'y takot sakin

"tara na mga anak umakyat muna tayo kailangan nyo magpahinga pupuntahan lang ni moma ang lolo pagkatapos ay babalik na ako " hinila ko na silang apat paakyat sa kwarto namin di maiwasang maiwan nanaman si  anton kaya tinignan ko nang masama ang mga kapatid ko para balaan sila

Nang makapasok kami sa kwarto ay inayusan ko sila
"behave kayo dito ahh hindi ko kayo pwede isama doon kasi hospital yun maraming bacteria baka magkasakit kayo ashton ashley bantayan nyo yung dalawa nyong kapatid habang wala ako "

Nang makahiga na sila ay ako naman ang nagaayus nang makontento ako Sa itsura ko ay agad na ako bumaba nakita kong puro lalaki na lang ang naiwan wala na ang ibang kapatid ko

"halika-"

Kriiiiiiing
Kriiiiiiing
Kriiiiiiing

Napahinto ako sasabihin ko nang magring ang cellphone ko

Mommy calling

Nakaramdam ako nang kaba sa tawag ni mommy

"hello mommy andito na po ako sa bahay actually papunta na talaga kami jan sa hospital may nangyare po bang hindi maganda " kinakabahan ako dahil sa katahimikang sinusukli sakin ni mommy

"nope baby nandito yung ex husband mo kaya maigi na wag ka na muna pumunta kahit hinahanap ka nang daddy mo " saglit na namintig ang tenga ko sa sinabi nya at agad ako napatingin kay anton na nagaalala ang tingin sakin

"Anjan po si Grey? " halos di ko mabanggit ang pangalan nya agad na naalarma si anton sa sinabi ko

Kaya ko na ba? Kaya ko na ba syang pakiharapan

Lumapit sakin si anton at hinagod ang likod ko nginitian nya ako na parang hindi namin yun magiging problema

Ang sarap sa pakiramdam na may nasasandalan ka agad ko naman sya nginitian pabalik

"ano naman yun mommy,? Nakamoved on na ako at magkikita din naman kami kasi mag fifile ako nang annulment " lakas loob kong sagot sa kanya

"ikaw bahala anak basta nandito lang kami " isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni mommy kaya nahalata kong nagaalala talaga sya sakin at sa EX husband ko

"oo ako pa ba mommy paounta na kami jan ni Anton bye my love you "
Agad ko na ring pinutol ang linya at humarap sa kanya

Napansin ko ring nawala lahat nang kapatid ko at nang hinanap ko kung nasaan sila kita kong nagkumpol kumpol sila sa pinto nang kwarto nang mga bata

"mahal nagaalala ka ba? Di nya naman malalaman ang tungkol sa mga bata ako naman ang kilala nilang ama wag ka na malungkot gusto mo ba kumain muna tayo bago tayo pumunta sa hospital? " alam ko pinagagaan nya lang yung loob ko pero kahit wala syang gawin kahit na titigan nya lang ako at tanguhan ay nawawala na ang problema ko at laging nasa isip ko na di ako nagiisa anjan silang lima

"Wag na tara na paguwi magtake out na lang tayo baka dito ko maubos ang pera mo hahaha tara na " hinila ko na sya palabas pero bago kami lumabas ay niyakap nya ako mula sa likod

"andito lang ako mahal kahit anong mangyare kahit na magpakatanga ka uli haha susupportahan lang kita aalagaan at mamahalin sa lahat nang oras tara na bago pa ako maiyak dito nakakahiya naman sayo hahaha "

Sabay kami nagtawanan at lumabas nang makapasok kami sa sasakyan ay huminga ako nang malalim at pinakawalan yun na kasa ang kaba ko

The Chef's Wife (COMPLETE)Där berättelser lever. Upptäck nu