CHAPTER 5

16.5K 355 6
                                    


"Meron pa kaming Dalawang kapatid na nasa russia nagaaral sila doon "

"Ang sisipag nila gumawa hahah "

Napalingon sya sa akin

"Mali ka mga tamad sila kita mo puro kambal na ang ginawa nila. "

Napaisip ako sa sinabi nya tama nga naman halos di ko na namalayan na nakatali pa rin pala ako rito

"Kalagan mo na ako dito pumayag ka na rin naman di ko na kailangan pang ganito, "

Para syang natigilan nawala nanaman ang emosyon nya sa mukha bakit ganun bilis nya magbago nang timpla

" nasan ba tayo bakit pakiramdam ko sobrang lamig dito "
Nagtatakang tanong nya

Malamig talaga sobrang Lamig

"Nasa ilalim tayo nang lupa dito kasi ng Bahay ko "  nakangiti kong sagot pero di ako nakatingin sa kanya

"Ano?  Sa ilalim nang lupa itong boung bahay mo nasa ilalim nang lupa?  "

May pagkamangha pero mukha di talaga sya naniniwala. 

"kalagan mo ako at ililibot kita sa bahay ko. ' boung kumpyansa akong tumango. 

Tinitigan nya man ako nang may pagaalinlangan ay kinalagan nya pa rin ako

Dahan dahan nyang tinatanggal ang tali sa mga kamay ko at parang bawat dikit nang balat nya sa balat ko ay parang may kuryente umaabot sa kaiboturan ko

Nang maalis nya ang tali ay tumayo agad ako at nilagpasan sya

"Ang bahay na to ay may lawak na dalawang ektarya . At nasa 10 feet ang lalim nang lupa bago mo marating ang bahay kong ito "

Tinulungan ko sya sa mga pasikot sikot sa bahay ko

"Dito ako nakatira simula mag 13 years old ako sa taas nang bahay na to ay may isang simpleng bahay "

Tumango tango pa sya

"Sandali kala ko ba may nasa dalawang ektarya to bakit ang ikli nang nilalakad natin?  " nagtatakang tanong nya

Napahinto ako sa sinabi nya sa bagay kung mapapangasawa ko sya dapat ay may alam din sya
Kaya naglakad na ako nang deretso sumunod lang sya sakin

"Kaya kita kailangan dahil sa trabaho ko isa akong agent nasa ilalim ako nang organisasyong inaasahan nang gobyerno para sa malalaking tao ako si Agent X96 anak ako ni AgentX69 at dati kong ama ay si AgentX71 nang magkapamilya sila ay inalis na sila nang organisasyong kinabibilangan nam in n kaya kailangn kita "

Nilingon ko syang seryoso ang tingin sa akin na parang hinahalukay nya ang kahit na anong pwedeng impormasyong makukuha nya 

"ibibigay ko sayo lahat nang impormasyong tungkol sakin para di tayo mahirapan kailangan kita para alisin nila ako gusto ko na lang gumawa nang mga baril para sa kanila ayoko na gumawa nang misyon dahil gusto ko na magkaanak "

Nang mapatapat kami sa banyo ay hinila nya ako

"Bakit tayo papasok jan! "

Nagtaka ako sa sinabi nya

"Kailangan natin pumasok jan "
Naiinis na sinabi ko bakit ba mas marunong pa sya? 

"Hindi tayo papasok jan ms kidnaper "
Nandilim ang mata nya na para bang malaking kasalanan Ng gagawin ko pag pumasok ako sa banyo

"Kailangan natin Mr Hostage "

Naiinis na agad ako bakit ba di na lang sya sumunod ako ang may ari nang bahay na to

"Kanina pa ako nagtitimpi at sinisiguro ko di mo gugustohin na magalit ang isang Hernandez! " at talagang galit na sy sumisigaw na eii

"Ako ang may ari nang bahay na to kaya ako nakakaalam kung saan kita dadalhin bakit ka ba nangingialam! "
Aba isa akong Fuentes at hindi kami nagpapatalo pag nasa tama kami 
Viva Fuentes!  VIVA!! 

"Makinig ka Lalake ako at babae ka magisip ka gamitin mo ang utak mo parang awa mo na wag mo ko pahirapan nang ganito! " ngayon naman ay para na syang nahihirapan ano ba talaga ang problema nya nasisisraan na ba sya

"Kung nababaliw ka na tigila mo malayo ang mental dito maigi pa sumunod ka sakin at dadalhin kita sa langit! " nakangiti ko pang sinabi para maging magaan ang awra nang pinaguusapan diba

"Langit?  What the fuck nagmamadali ka ba?  Hindi ka ba makakapaghintay na ikasal tayo? "
ano kasal?  Ano ba pinagsasabi nang kulokoy na to

"Mr.  Hernandez lilinawin ko lang nasa loob ang daan papunta sa isang parte nang bahay ko kaya kung gusto mo pa tumuloy tayo sa isa pang ektarya ay sumunod ka nang walang angal at pagaalinlangan dahil pag napuno ako sayo jan mismo sa kinatatayuaan mo papatayin na lang kitang baliw ka! "

Nagbago nanaman ang ekspresyon nya wala bang permanente? 

"Ahh may daan sa loob ganun ba? "

Hay naku baliw pa ata itong mapapangaasawa ko

The Chef's Wife (COMPLETE)On viuen les histories. Descobreix ara