CHAPTER 20

10.7K 229 4
                                    

Nang matapos ako maligo ay Dumeretsyo agad ako sa walk in closet di ko akalain na ganito sya pumili nang damit

Maninipis ang iba kadalasan na pang bahay ay daster na maninipis nakakaloka baka nga mabuntis ako nang maaga nyan

At dahil sa naisip ko bumalik sakin ang nangyare kanina alam ko di ako inosenste pero di rin naman ako kagalingan sa ganitong bagay
Nakuha nya na ba ang virginity ko nun?  Hindi ko alam na ganun ko lang maisusuko ang pagkabirhen ko sa bagay sya rin naman ang magiging asawa ko given na yun

Pero naisip kong nagpapanggap lang kami at maghihiwalay din naman talaga kami. Para akong nakaramdam nang tusok nang karayom sa puso ko mejo nahirapan akong huminga

Nang masatisfied ako sa itsura ko tyaka ako lumabas

Nakita ko syang nakikipag usap sa telepono alam kong mali pero hindi ko mapigilan

"yes jenny tama na okay itigil mo na yan. "

Napakagat sya nang labi habang nakikinig sa kausap nya

"Sinabi nang itigil mo na yan papupuntahin ko jan si Red tumigil ka na "

Mas tumaas ang tono nang pananalita nya

"Fine stay there okay! Papunta na ako please tumigil ka na sa paginom jenny please lang "

Pakiramdam ko mas lalong bumaon ang karayom na nasa puso ko kanina lang

Umatras ako at naglakad na parang walang narinig

"Hey baby alis lang ako ahh kumain ka na di na kita masasamahan "

Nagmamadali na sya sa pagaayus

"Saan ka pupunta pwede bang sumama?"

Kailangan ko to kasi baka pag pumayag na lang ako makahalata sya na nakinig ako kanina

"Business Emergency may meeting ang board of directors nang hotel kailangan nandun ako "

Hinalikan nya ako sa noo at patuloy na sa paglabas

Napangiti ako nang mapait sa narinig ko hindi pa kami magasawa nagsisinungaling na sya

Pero anong karapatan ko ako ang unang pumasok dito ang kailangan ko lang ay ang panindigan ang kailangan ko at controlin ang sarili ko

Pero bakit pakiramdam ko nahulog na ako kailangan ko limitahan ang sarili ko bago pa mahuli ang lahat
May mahuhuli pa ba pakiramdam ko huli na

Naglakad ako nang parang walang buhay patungo sa lamesang punong puno nang paborito kong pagkain kahit gaano sila kasarap sa paningin ko ay nawalan na ako nang gana

Akmang tatalikod ako pero naisip kong hindi nya magugustohan pag naabutan nya pa ang mga pagkain dito

Umupo ako at kinain ang hinanda nya
Habang nilalasahan at nginunguya ko ang pagkaing niluto nya nakaramdam ako nang mainit na likidong dumadaloy sa mga pisngi ko

Mabilis kong pinahid ang mga tanda nang sakit sa mukha ko at nakarinig ako nang pagiingay na nang gagaling sa telepono

Aga akong tumayo para sagutin yun nang matalisod ako sa isang kahon na nakalawit galing sa ilalim nang sopa

Ano to bat pakalat kalat nasaktan na nga yung tao gusto mo pa dagdagan sapakan na lang tayo para may laban naman ako

Nakaramdam ako nang panggigil sa kahon kaya dinampot ko at binalibag sa basurahan nang hindi sumakto ay nagkalat ang laman neto

Kitang kita ko ang mga picture na nahulog doon

Sobrang curios ko ay nilapitan ko agad ang picture

Tyaka ko lang napagtantong lumang litrato ito nila grey

Pinakatitigan kong maigi ang litrato tatlong lalaki at isang babae

Ang lalaki sa gitna ay ang pinabatang grey at ang katabi nya yung babaeng humila sakin kanina yung isang lalaki ay hindi pamilyar pero yung isa sya din yung kausap ni grey kanina

Nakangiti at parang ang saya saya nila sa pictures napansin ko ring pare pareho sila nang relo maliban sa relo nang babae

Ang mga sumunod ang litrato ay silang tatlo na lang tinignan ko pa ang ibang litrato pero nakita ko ang isang basag na relo na katulad nang suot nila sa litrato ano to? 

Tyaka bakit kaya sila nagkagalit galit naaalala ko pa ang tensyon kanina sa store bakit umiiwas yung babae sa kanila? 

Nakabalik ako sa ulirat nang tumunog nanaman ang telepono

Mabilis ko niligpit ang mga picture at nalik ko sa ayus tyaka ko sinagot ang telepono

Hindi pa ako nakakapagsalita ay agad na nagsalita ang babae sa telepono

"So nakauwi ka na hindi mo man lang sinasagot tawag ko sa telepono mo ano ba grey wag ka na umuwi sa mapapangasawa mo kaya ko naman ibigay ang lahat sayo! "

Sa sobrang taranta ko binagsakan ko nang telepono ang babae
Ang sakit kasabay nun ang patuloy na pag agos nang luha sa mata ko

The Chef's Wife (COMPLETE)Where stories live. Discover now