CHAPTER 18

11K 216 1
                                    

Tahimik ang naging beyahe namin at nang makarating na kami sa condo ay tahimik pa din ako  pakiramdam ko nalunok ko ata yung dila ko kasabay nung melona

Nakakainis naman kasi bakit ba ayaw kumalma nang puso ko nakakainis naman eii

Derederetso lang ako nauna ako sa kanya naiinis kasi ako ang bagal bagal nya pa maglakad nakakainis talaga

Asa 15th floor na kami at nauuna pa din ako maglakad sa kanya isa pa tong hallway dito bakit ba ang haba neto bakit di nila iniklian diba nang walang nahihirapan

Sa lalim nang hanash ko sa buhay di ko namalayan na nahinto na pala ako sa harap nang malaanghel na lalaki na to

"Hi miss pwede makiraan " nakangiti pa nyang sabi

Hala grabe may mga ganito pala kaamo ang mukha ang puti nang balat nya kulay gatas at ang kinis kaloka mas makinis pa sakin to noong nagpasabog nang pores ang dyos nakapayong siguro sya grabe

"Bakit ka nakaharang jan padaanin mo yung tao! " bulyaw naman ni Grey na nagpabalik sakin sa katotohanang di na ako single para lumandi

"Ahh ah ehh da-daan na " pota ano yun nauutal ako?  Dahil sa cute na lalaking to

"Haha ayus lang pre wag mong pagalitan ang kapatid mo di naman sya abala ei bye miss Rude " yung ngiti nang mata nya ganun pa din anyare teh bakit naghuhugis puso ang mata ko

" ahh bakit rude? " nagtataka ko wala naman akong ginawa ahh

"Haha starring is rude hahah " grabe tawa nya parang nagjoke ako

"Tara na irah and bata di ko sya kapatid asawa ko yang kausap mo " may halong pagkapikon ang boses ni grey kaya sumunod na ako

At ang lalaki kanina ay napalabi sa narinig nya
Nauna na naglakad si Grey kaya sumunod na ako grabe sobrang nakakainis sya bakit ba ang sungit nya kahit si kuyang cute sinungitan nya

Nang makapasok kami sa unit nya pinapasok nya ako tyaka nya padabog na sinarado ang pinto ano ba problema nya? 

"Ano bang problema mo? " naiinis na talaga ako sa kanya

"Wala magpahinga ka na " ang lamig nang pagkakasabi nya kesa ikatuwa ko yun lalo lang akong naiinis

"Hindi eii parang laki nang issue mo! " tinaasan ko ang boses ko para dama diba beh haha

"Wala akong issue o kung ano man baka ikaw meron?  Meron ba,?  Anong problema mo?  Bakit kailangan mo magpacute doon sa bata? " i knew it may issues nanaman sya

" hindi ako nagpapacute ano bang sinasabi mo! " lalo kong tinaasan

"Hindi ka nagpapacute huh? Bakit mo tinitigan bakit nagkagat labi ka sa harap nya napatingin tuloy sya sa labi mo bwesit naman oh! " padabog nya sinarado ang kwarto nya

Nakakainis ano bang problema kung tumingin ako?  May mali ba doon? 
Wala naman diba

Naglakad na ako papunta sa kwarto nya para makipag talo isa to sa mga nakakainis yung galit ka na tapos iiwasan ka nang kaaway mo o kasagutan mo ito yung tinatawag na bitin hindi ka satisfied o kaya hindi ka lang talaga mapakali

Nang makapasok ako sa kwarto nya ay wala naman sya doon
Asan na ang kulokoy na yun

Nang isarado ko ang pinto tyaka ko sya nakita sa likod neto

Great naipit ko sya at ngayon nakakagat labi sya bakit ngayon ko lang naisip na sobrang seksi nya nakagat labi pa sya

Ang pupula nang mga labi nya parang yung kunting diin na lang dudugo na kulay dugo yung labi nya at totoong nakakaakit

Nagalala ako kaya nilapitan ko sya agad pero nang makalapit ako ay lalo ata akong naakit sa labi nyang hanggang ngayon ay kinakagat nya pa din

"Masakit ba? " mahinahon naman ang pagkakasabi ko pero bakit parang di ko nakilala ang boses ko at nahihirapan ako huminga

Kitang kita ko pa din sa mata nya na nasasaktan sya at madilim ang tingin nya sakin pero pota yung kamanyakan ko wala atang balak humupa

Isa lang
Isa lang

Wow grabe kahit kamanyakan ko may boses na pero di naman siguro masama diba

Mabilis kong hinalikan ang mga labi nyang sobrang pula diniinan ko para masmaramdaman ko naramdaman ko ang pagbitaw nang ipin nya sa labi nya at ngayoy nakaawang ang labi nya sa gulat

Grabe ang lambot. ..  T_T
ISA PA!!! 

at di ako nagalinlangang halikan sya uli ang tamis nagulat pa ako nang gumalaw rin ang labi nya at marahang sinasakop nang kamay nya ang beywang ko

The Chef's Wife (COMPLETE)Where stories live. Discover now