Confession 35: Twisted Chains

Start from the beginning
                                    

“Kasama pala si Aoi na representative nila? At least nakagamit siya ng phone para maipaalam sayo na ayos lang siya.” Tinapik pa ni Spade ang balikat ko. “Sige na, hatiran mo na ng damit ‘yon.”

I nodded. “Alis muna ako.”

Isinuksok ko na sa bulsa ang phone at muling binitbit ang bag. Tumayo ako at tinalikuran ang dalawang lalaki. Pareho nga silang gustong sumama sakin pero hindi ko pinayagan. May kakaiba kasi at ayokong may makahalata sakin na may kinakalkula ako sa isip ko. Siguro ganito talaga kapag may dugo ka ng gangster, kahit mga simpleng bagay ay mahahalata mo ng hindi sinasadya. Katulad kanina habang nasa loob kami ng room, nahalata ko ang isang bagay na biglang nagpagulo sa isip ko.

Ang biglaang pagbabago ng reaksyon ni Oz.

I shook my head with my thoughts. Baka sobra lang akong mag-isip. Binilisan ko na ang lakad palabas ng Steins para maghanap ng damit at pagkain ni Aldous. Geez. Ginawa pa akong utusan ng lalaking ‘yon.

Aoi’s POV

 

“Aoi, salamat.” Tumango ako rito saka kinuha ang cellphone na inaabot niya.

“Bakit naman kasi hindi ka umuwi sainyo eh. Nag-alala tuloy ang ate mo.” Binato ko ito ng face towel na agad naman niyang nasalo at mabilis na ginamit pamunas ng pawis nito. Inabutan ko rin ito ng mineral water dahil humahangos pa ito sa sobrang pagod sa tuluy-tuloy na practice.

Nagsimula itong maglakad sa isang sulok ng practice room saka sumalampak sa sahig. Sinundan ko naman ito at tinabihan. “Uuwi rin naman ako mamaya. Susulitin ko lang ang last practice.” Sagot nito bago lagukin ang tubig ng walang hinto. Halatang uhaw na uhaw.

“Pasaway ka ring kapatid ‘no?” natatawa kong sabi rito. Nginitian lang naman ako nito at pagkatapos ay pareho na kaming nanahimik.

Pinagmasdan ko lang ang iba pa naming kagrupo na pinupulido ang mga moves nila. Puspusan na talaga ang practice ng mga class representatives para sa mini-concert dahil ilang araw na lang bago ang event. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na isasama nila ako sa grupo as their singer habang sina Colix naman ang sasayaw and of course, himself as the leader. Grabe pala sumayaw itong lalaking ‘to, sobrang sexy. Akala ko wala ng ibubuga ‘to pero mas grabe pala ang impact niya kapag sayaw na ang pinag-uusapan. Kung titingnan siya base sa obserbasyon ko, pakiramdam ko, sayaw ang mahal niya at hindi babae.

Napangisi ako noong bigla akong may naalala. Katabi ko nga pala ang kapatid ni Alice na walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya.

“Colix, ate mo!” Sabay kaming napaharap sa pinto noong sumigaw ang isa sa mga kasamahan namin dito sa practice room. Muli akong napangiti noong makita ko ito sa mismong harapan ko.

“Oh!” Sabay abot nito sa katabi ko ng mga dala niyang plastic.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now