"Iha ayos ka lang ba pasensya na kung ito lang ang nakuha ko, ginagamit kasi ang ibang mga cart sa party kaya tiis ka muna" Sabi nito.

"Ayos lang manang ang mahalaga po eh makaalis tayo sa lugar na ito" Tugon ko naman

"O sya sige kumapit ka at paaandarin ko na itong cart tahimik ka lang iha para hind in tayo mahuli"

"Opo manang.. " Kinakabahan kong sabi.

"Wag kang mag-alala iha makakaalis din tayo ng ligtas dito"

Nagsimula ng umandar ang cart. Naging maayos naman ang nangyari pero biglang tumigil ang cart.

"San mo dadalhin yan?" Seryosong tanong ng sa tingin ko ay isa sa mga guard na itinalaga ni Arvie para bantayan ako.

Kinabahan ako baka mahuli kami. Pero lalaban ako.

"Ah sa kusina tapos ko na kasing pakainin yung babae sa silid tyaka nagpapahinga na kaya umalis na din ako"

"Ah ganun ba sige umalis ka na, ayusin mo nang trabaho mo kung ayaw mong mapagalitan"

Imandar ulit ang cart. Nawala ang kaba ko pero bumalik din kaagad ng tumawag na naman yung guard na kausap ni manang kanina.

"Sabihin mo nga sa isang katulong dyan na dalhin kami ng makakain dito sdahil nagugutom na kami"

"Sige sasabihin ko"

"Sige bilisan mo"

Agad namang nawala yung kaba ko. 1st stage complete. Napangiti ako sa naisip ko.

Katulad ng nauna ay maraming nagtanong kay manang tungkol sa cart na nalusutan naman ni manang. Ang galing ni manang infairness.

Makaraan ang ilang minuto ay tumigil ulit ang cart akala ko ay may kumasap na naman kay manang pero hindi pala dahil pinalabas na nya ko.

Agad naman akong umalis sa ilalim ng card. Masakit ang kanyang likod pero di nya na inda ito.

"Iha andito na tayo sa sikretong daan marami ng nakaalis kanina kaya kailangan na nating umalis bago pa mahalata ng ibang guards na wala na ang ibang mga katulong"

Iginaya ako ni manang papunta sa isang tagong lagusan. Hindi kaagad ito makikita dahil kakulay nito ang pader na kulay puti. Agad akong pinapasok ni manang sa loob kaya sumunod ako umusad ako para makapasok din si manang na agad namang nagawa ng matanda dahil na rin sa kapayatang taglay. Ng makapasok ay agad nyang inabot ang isang hindi kalakihang flashlight agad ko itong binuksan matapos maisara ng maayos ni manang ang nagsisilbing harang sa daan namin.

"Manang ayos lang po ba kayo" tanong ko dito habang patuloy sila sa paggapang. Buti na lang at hindi ganung kasikip ang lagusan kung hindi ay baka hindi sya nagkasya lalo at malaki na rin ang tyan nya.

"Oo ayos eh ikaw ayos ka lang ba" Tanong naman nito pabalik na agad ko namang sinagot ng oo.

Makaraan ang halos ay isang oras na paggapang ay nakakakita ako ng liwag kaya pinatay ko na ang flashlight incase na may nagbabantay ay hindi kaagad kami makikita. Ng makarating sa dulo ay hindi muna ako umalis at nagmasid muna ng masigurong walang nakakita samin ay agad akong lumabas saka tinulungan si manang na makalabas ng maayos. Ng makalabas na kami ay tiningnan ko kung asan kami at nakita kong isa itong private Island. Hindi talaga maipagkakaila na mayaman ang angkan ni Arvie kaya hindi nakakapagtaka na may sarili itong isla kung san naroon ang mga ilegal nitong gawain.

Nasa tagong parte kami ng isla kaya hindi ako nangangambang may makakita samin lalo at may party na nagaganap "Manang ayos lang po ba kayo?" tanong ko rito.

Western HighWhere stories live. Discover now