LESSON 1

15.4K 248 12
                                    

Charmaine's POV


Ang sarap! Umuulan ng napakaraming chocolate na iba-iba. Nasa langit na ba ako? Ang sarap ng buhay kung ganito lang. Ano to? Kitkat ? Cadburry? Toblerone?! Oh my gosh.. Teka.. Nasobrahan na ata ako.. Ang bigat ng tyan ko.. Ang bigat..


"Good Morning!"

Alexis?


"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!"

CHAPTER 1


"Grabe naman! Dahil lang sa lalaking yun nagpapakamatay ka kakaiyak jan?" bulyaw ko sa kaibigan kong si Lea. Tinutime siya ng Boyfriend niyang si Alexis Buenaflor na feeling pogi at feeling pinagpala nglahat!

"Mahal ko talaga siya Charm. Hindi ko siya kayang mawala sakin. Baka magpakamatay ako!" hagulgol padin ni Lea.

Kinutusan ko siya ng pagkalutonglutong. "Bruha ka. Anong magpapakamatay yang sinasabi mo jan??"

"Eh hindi ko kasi kayang mabuhay ng wala siya eh!"

"Hoy . Ang OA mo ha! Nineteen ka na! halos wala pang dalawang buwan ung relasyon mo jan sa Alexis na yan, kung makasabi kang di ka mabubuhay ng wala siya, ang OA!"

"Di ka pa kasi naiinlove!"

"Kung maiinlove man ako, hindi ako magpapakamatay para sa kanya nu!" Tumayo ako at kinuha ang bagpack ko.

"San ka pupunta?" Lea said in between her sobs.

"Sa lalaking hindi ka mabubuhay pag wala siya!" sigaw ko habang naglalakad.

That Alexis Buenaflor. Sa tuwing mapapadaan ako ng corridor may babaeng umiiyak dahil sa kanya. How could he be such a playboy? Di naman siya pogi. Ang hina nga ng sex appeal nun. Ayy! Wala pala.

Narinig ko pang sinigaw ni Lea ang pangalan ko. Buong pangalan pa, kasama apelyido. Pero hindi ko na siya nilingon. Tuloy tuloy akong naglakad sa classroom ng mokong na yun. First floor lang ang room nung Alexis. Alam ko kung san ung room nila. Nakukwento kasi sakin ni Lea dati na pupuntahan daw niya si Alexis sa First floor pag after lunch.

Sabi nila, dapat daw ang kinuha kong course Criminology dahil parang lalaki daw akong kumilos. Pero anong gagawin ko? Trip ko ang pagluluto eh. Kaya HRM ang kinuha ko.

Siya nga pala, nakatira ako sa isang apartment di kalayuan dito sa school. Building siya na may apat na floors tapos nandun ako sa second floor. Ang alam ko bawat floor, may limang kwarto. Ewan ko , pero ung kwarto ko nasa kanan na side, at merun akong katabing unit na walang tao. Sayang nga ee . Mas gusto ko un kasi dulo. Pangalawa lang ako sa dulo at ung nasa kaliwang unit ko ay maingay. Pero minsan lang naman.

Pero anyways eto na. Malapit na ako sa classroom ng mokong. Ayun siya ! Aba. Ang ganda pa ng lakad mo ha! At may dala ka pang softdrinks! Mawawala yan sayo mamaya dahil itatapon ko yan sa mukha mo!

"Hoy! Alexis Buenaflor!" sigaw ko.

Napatingin sakin ang ibang estudyante pero hindi si Alexis. Tumigil lang ito sa paglalakad at hindi tinatanggal ang kamay sa bulsa.

"Lumingon ka kapag kinakausap ka!" Sigaw ko pa din. Tumigil na ako sa paglalakad. Kaonti na lang ang distansya namin sa isa't isa. Siguro, mga 15 feet?

Lumingon nga ito. Oh boy.. Parang nagslowmo ang paligid. Pati galaw ng buhok niya. Pati pagpikit niya.

Ano to? Parang may pheromone siya at parang tutumba ako. Hindi ko maipaliwanag.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang