CHAPTER NINETEEN = Revelation =

120 2 0
                                        

ASHLEY'S POV

Wala akong masyadong magawa. Umalis kasi si Camille eh. Kahapon tumawag sya sakin. Nangangamusta lang, nalaman na rin pala nya na si Henry at si Rien ay isa lang. Anyway, andito kami ngayon ni Henry sa isang Resataurant. Pahinga lang kami sa date namin. Sinabi ko naman sa kanya na kahit fishball lang Okay na ko eh.

 Ayaw daw nya ng fishball, allergic daw sya dun. Samantalang nung magkatext kami dati sabi nya favorite daw nya yung fishball. Adik naman nun.

“Hey, still there?” Ay! Tagal ko na palang tulala.

"Y-yes. Bakit?” sagot ko. Bat ang boring kasama nito? Pag katext ko naman sya ang saya. Parang baligtad?

“Busog ka ba?” Teka… Pick-up line ba ‘to?

“Uhm... Bakit?” I smiled.

“Ayaw mo kumain eh.”  Toinks! Disappointed! Kala ko pa naman pick-up line na! Halos malaglag yung balikat ko sa disappointment.

“Oh, why are you frowning?” Nang-aasar lang yata ‘to eh.

“Uhm Henry. Bat hindi mo na ko pinapasahan ng Pick-up line?” tanong ko. Para kasing nakalimutan na nya eh.

“Pick-up line? Tss, san mo naman nakuha yun? Eh ang corny corny nun eh.”  Ano daw? Eh sya nga nagpasimula nun. Ay ha?

“Lagi mo ko pinapasahan nun remember?”

“Ah ano kasi, di na ko mahilig dun.” sagot nya. So, ganun lang porket di na sya mahilig corny na agad?

“Eh kahit isa lang baka may alam ka.” Kulit ko sa kanya.

“Wala na. Nakalimutan ko na.”  Pano naman nya makakalimutan eh yung iba dun sya lang nag-iimbento? Hmm, fishy!

“Tara na.”  Sabay tumayo na sya. Sumunod na lang din ako. Habang naglalakad nakakita ako ng isang shirt. Ang cute nya, color blue sya. May nakasulat na 143.

“Tara, bibilhin ko yun!” tapos hinatak ko si Henry sa store.

“Ang ganda nito noh?” Nag-ewan expression sya. 143! Ayan yung sign na sya ang soulmate ko tapos ewan lang isasagot nya?

Naalala ko si Warren. Hmp, kung ayaw ni Henry kay Warren ko na lang ibibigay to! Binili ko yung shirt.

“Para kanino ba yan?” tanong sakin ni Henry, pauwi na kami nun.

“Basta. Sige na, wag mo na ko ihatid may dadaanan pa ko eh.”  Sabi ko naman, dala nya kasi auto nya.

“Sino dadaanan mo?”

“Si Warren, kukumustahin ko lang.”  Di muna sya agad sumagot. Nag-isip pa...

“Uhm, sige pero wag na mag-pagabe masyado Ok?” Yey! I nodded with matching puppy eyes pa.

“Bye.” 

“Bye, I love you.”  Kiniss nya ko sa lips. Smack lang pero nagulat ako. Hindi ako sanay eh. Muntik na nga ako umilag eh.

“Geh.”  Tapos nagsimula na ko mag-abang ng taxi.

Pagdating ko sa bahay nila Warren. Nag-doorbell ako, nakita ko si Manang Rose.

“Buti napadaan ka?” Tanong nya sakin. Medyo may something sa pagsasalita nya.

“Uhm, Manang may problema po ba?” para kasing natataranta sya eh.

“Naku kasi si Warren naglalasing na naman eh.”  Pumasok na kami sa loob. 'na naman'? Ibig sabihin, ilang beses na syang naglalasing. Baket? Dahil di sya nakasama sa US? Eh sya naman diba yung nagpa-iwan. Ano kayang problema ni Warren?

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Onde histórias criam vida. Descubra agora