CHAPTER SIXTEEN = Signs=

103 4 0
                                        

 WARREN'S POV 

“Ayoko po dun.”  Sabi ko kila Mommy at Daddy. Umuwi kasi sila kinagabihan pagkagaling ko sa Shop kanina. Alam kong darating sila pero di ko alam yung about sa gusto nilang mangyari.

“Please son.”  Pilit pa rin ni Mommy. Si Camille naman tahimik lang, hindi ko alam kung gusto nya bang sumama kila Mommy or hindi. Wala syang reaction eh. 

“Mommy, Daddy I don’t wanna leave this place.”  Ayoko talagang mag-migrate sa US. Ayoko! Pano na lang yung shop ko? Pano ‘tong bahay? Ibebenta? Marami na kong magagandang memeories dito. Ayokong iwan ang Pilipinas. Ayokong…

  Ayokong iwan si Ashley…

“You have to, son. Ikaw Camille? Sasama ka ba samin?” Tumingin si Daddy kay Camille. 

“I dont know. Maybe.”  She smiles. Fake! 

“Kung gusto nyo po si Camille na lang isama nyo pero ako ayoko. And that's final. Sorry po.”  I walked out. Di ko sila gustong bastusin kaya lang mahirap kasi yung gusto nilang mangyari. 

 Umakyat na ko sa kwarto. Sila sila na lang yung nag-usap, I think si Camille sasama sya. Nagbago na talaga kapatid ko. Kasalanan to ni Zayn eh. Manloloko nga talaga sya. 

Saturday, buti na lang hindi na nag-open ng topic sila Mommy about sa pagsunod namin sa kanila. Maba-badtrip lang talaga ako lalo. Badtrip na nga dahil hindi kami magkikita ni Aliya eh. 

Mamaya magpapatanggal ako ng inis sa parade. Siguro naman magkikita kami ni Ashley dun. 

ASHLEY'S POV 

8am in the morning. 

Hay, ngayon na pala kami magkikita ni Rien. Gosh! Ano kayang isusuot ko. Ano ba yan di rin ako prepared. Maya-maya narinig ko yung cellphone ko, may nagtext!

‘Hi? Saan pala ang meeting place?' May napili na kong place eh. Maganda dun. Yun yung favorite kong place. Yung playground sa village namin. 

‘Uhm, familiar ka ba sa BlueVille?’ tanong ko sa kanya. 

‘Ah, yup. Dun ba ang meeting place?' reply nya. 

‘Oo, dun sa playground, favorite place ko kasi yun eh.' 

‘Sige, madalas din kasi ako sa village na yun.' sino kaya pinupuntahan nya? Ayos ah? Siguro nga nakakasalubong ko na sya pero di ko pa rin alam. Di kaya minsan suma-sideline sya bilang delivery boy ng pizza? Sya kaya yung laging nagdedeliver samin? Hays! Kaloka! Bahala na nga si Underdog mamaya sakin. Favorite kong super hero yuuuun.. (*u*)

‘Sige mga 7pm? Hintayin mo ko dun sa swing' May parade kasi mamaya eh. Dun lang yun sa village. Basta mga recycled materials daw yun na mailaw. Parang lantern parade pero hindi kasi di pa naman pasko. 

‘Ok, dadating ako’ Gosh, I'm excited!

I took a shower tapos nagbihis na ko. Dadaan pa kasi ako dun sa fortune teller. Sasabihin ko sa kanya na magkikita na kami ng soulmate ko. hehehe. Pagpasok ko, nakangiti na agad sya. 

“Makikilala mo na sya ngayong gabi?” nakangiti nyang sabi sakin. Magaling nga talaga sya.

“Opo, gusto ko pong malaman kung ano yung pwedeng mangyari. Inabot nya ulit yung palad ko. Tiningnan nya ng mabuti. 

“Jiha, paniwalaan mo lahat ng una mong makikita at maiisip. Dahil dun mo malalaman kung sino talaga sya.”  Ha? Ang lalim na naman. Nakakabaliw yung sinabi nya. 

“Ano pong ibig nyong sabihin?” tanong ko, naguguluhan ako eh. 

“Lahat ng una mong makikita at maiisip.”  she smiled. Nganga pa din ako. Kayo ba na-gets nyo? Ako hindi eh. Bahala na nga. Basta alam ko magkikita na kami mamaya kaya wala na kong iaapela. Nabanggit nya rin yung about kila Camille. Again ang lalilm na naman, magiging magaan daw lahat ng mangyayari sa kanila. Ano daw? Nose bleed akooooo!!! 

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Where stories live. Discover now