ASHLEY'S POV
"Okay ka na ba talaga?” Worried na tanong ni Camille, medyo nilalamig pa ko and parang may magulo sa utak ko. Bakit ako niyakap ni Warren? Hindi sya ganon sakin kahit dati pa, and yung expression pa ng face nya parang nalungkot nung nakita nyang umiiyak ako. He hugged me tightly, pumapalag ako pero. Ewan! Parang may relief akong naramdaman nung niyakap nya ko. Ayaw ko sanang kumalas kaso nakita ko na si Camille. AyOkong makita nya kami sa ganung ayos, nasanay sya na lagi kaming nag-aaway, although alam ko naman na gusto nya ako para sa kapatid nya.” Hey! Ashley, still there?!” Nagulat ako ng magsalita ulit si Camille.
"Ah, y-yeah! I’m Okay. Gusto ko na sanang magpalit, nilalamig na kasi ako Camille.” Sabi ko habang paakyat na kami sa kwarto nya.
“Sige tara na sa kwarto, mag-shower ka na lang ulit, pasensya ka na dun kay Warren ah? Hayaan mo, isusumbong ko sya kay Mommy. Ang bad bad na nya!”
“Naku wag na Camille, nakapag-sorry na naman sya sakin at alam kong hindi naman nya yun ginusto. Wag na lang sana nyang ulitin kasi mumultuhin ko sya pag napatay nya ko.” I weakly smiled.
“You sure?” I nodded. Pinihit nya yung door knob tapos pumasOk na kami. Nakita ko yung dalawang dress na nasa kama nya. Wow! Eto na bay un? Ang ganda naman. Lalo Nilapag na ni Camille yung paper bags na hawak nya. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala sya XD
“What are those stuffs?” Tanong ko sa kanya habang naghahalungkat sya sa cabinet nya.
"Ah. Binili ko sa mall. Para naman bago yung sandals na gagamitin natin. Makikita mo rin pagtapos mong mag-shower. Sige na, oh!” Inabot nya sakin yung twalya.
"Okay, thanks in advance.” I smiled then pumasOk na ko sa CR para saglit na mag-shower.
Habang nasa loob, hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Nakakainis naman kasi eh, bat ka ba kasi naniwala na pinupulikat sya? Ayan tuloy nalunod ka. Ang tanga tanga mo talaga Ashley. Muntik ka na mamatay! Buti na lang niligtas ka ni Wa.. Wait! Eh dapat lang naman talaga, kasi una sa lahat sya ang dahilan kung bakit muntikan na kong paglamayan next week! And ang napakalaking kasalanan nya ay yung paghalik nya sakin! That was my first kiss, yeah! hindi ako pumapayag na mahalikan sa lips kahit ng mga exes ko. Sya pa lang! He stole my first kiss!! Urgh! ( >_< )
"Oh! Excited ka ah? Nakabihis ka na agad.” Pang-aasar ko kay Camille. Hahahaha suot nya na agad yung dress na pinasadya nya.
"I’m not excited! It’s just that your so bagal kasing maligo eh.” Hala conyo! Sobrang tagal ko ba talaga? Nakatingin lang ako sa wall clock ni Camille sa kwarto nang hampasin ako ng gaga pero mahina lang naman.
"Ouch! What the…”Hinagis nya sa mukha ko yung white dress.
"Yan ang isusuot mo ha? Umupo ka na dito para maayusan ka na!” Hinaltak nya ko sa harap ng salamin na punung-puno ng make-up. Duh! I hate make-ups. May allergy ako dyan, remember?
"Bawal sakin yan diba?” Nakataas kilay ko habang nakaharap sa salamin pero nakatingin kay Camille. Hehehe gets nyo na yun, kayo pa XD
“Don’t you worry my dear, hypoallergenic tong mga make-up ko.” Ayun wala na kong naipalag.
"Wag mo masyadong kapalan ah?” Hindi ako sanay ng ganito. Tsk! Baka mangati ako mamaya, nakakainis naman. After mga 30 minutes na ayusan.
"FINISH!!!” Dahan-dahan naman akong dumilat para makita yung kinalabasan nung experiment ni Camille.
Gosh!!! Ang cute. Ayun lang period! Hahahahah jOke! It’s simple, yet fine-loOking. Parang ang baet baet ko tingnan. Hehehe.” Wow ha? May natututunan ka na ngayon ah?” Binatukan naman ako ng magaling kong best friend, im just kidding you know? "Heeesh! Kainis ka naman eh. Anyway, pwede ko na bang isuot tong pinagawa mo para sakin?”
YOU ARE READING
MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)
Teen Fictionpano kung yung taong kinaiinisan mo ng bongga yung taong destined pala sayo .. Sooner, di mo alam na minamahal mo na rin pala sya ? Papayag ka ba na si Mr. Enemy ang makatuluyan mo ?
