CHAPTER TWO = My text mate =

291 5 0
                                        

 ASHLEY'S POV 

Hay! Nakauwi na rin. Humarap ako sa salamin para tingnan ng maigi yung yung mukha ko. I smile because of the result. Wala naming masyadong nagbago pero parang nawala na yung black aura sa paligid ko ngayon  "Bukas sa derma naman!” Maaga akong natulog para bawiin yung tulog ko. Saglit ko lang inisip yung about kay Marvin, may part pa rin na masakit but not too painful anymore. Tama nga yung nabasa ko sa Phsychological Book na ang pain ay magtatagal lang ng isang araw. At pag lumagpas pa doon, tawag dun inarte na. Hahahahaha 3 days ding tumagal yung inarte ko ah? FUNNY!! 

Next morning. Hooaaahhh. I yawned. Ang ganda ng araw ko. Smile agad ( ^_^ )  I took a shower. Pero di ko binasa hair ko. Syempre bawal. Nakakirita nga eh. But it's Ok. 3 days lang naman daw yun. Pagtyagaan na lang. Tss! Bumaba na ko para mag-breakfast. 

"Morning Mom! Morning Dad!” Bati ko sa parents ko tapos umupo na ko. Nakikita ko naman na masaya sila sa recovery ko sa break-up namin ni Marvin after almost one and a half year of relationship. Err, should I say… one year and a half of stupidity? Na ah! No to bittering effect! :D

"Mukhang maganda gising mo ngayon ah?” - Daddy

"Ganon po talaga pag masaya Dad!” I smile.

"Saan lakad nyo ngayon ni Camille?” 

"Ako lang po mag-isa Mom. Pupunta ako sa Derma and sa Dentist.”  

"Bakit may sira na ba ngipin mo?” OA na tanong ni Daddy. 

"Hahahahah sira agad? Di ba pwedeng magpapa-cleaning muna?!” Natatawang sagot ko naman. Ayun natawa rin si Mommy sa sagot ko. Hahaha OA much! :D 

Umakyat ulit ako sa kwarto para magbihis, nagsuot ako ng yellow dress na hanggang taas ng tuhod ko. Masyadong maluwag sa bandang bewang kaya naglagay ako ng belt. Yay! Kahit pano may natutunan na ko sa fAshion adviser ko.

 Wala akong ibang nilagay sa mukha ko kundi lip gloss at powder lang, hindi kasi ako sanay ng naka-make-up tsaka allergic kasi ako dun. Dinala ko yung kotseng pang-dalawang tao lang kasi wala naman akong masyadong dala. 

Nauna muna akong pumunta sa Derma, nagpa-facial lang ako kasi wala naman akong maraming pimples and hindi naman masyadong oily yung face ko. Ganon lang, para bumalik yung freshness sa face ko. Hahaha may ganun?? Saglit lang ako sa Derma tapos pumunta naman ako sa Dentist na recommended ng Mommy ko. Girl yung Dentist kaya nagging komportable naman ako. Nagpa-cleaning lang ako then umuwi na rin ako. Sumaglit din ako sa Resto para i-check yun. Mabuti naman at walang problem. Hindi po ako laging nasa Resto kasi may manager naman na naka-assign dun kaya hindi hassle. Tinatawagan na lang kami kapag may problem.

After 5 days, nag-decide ang parents ko na mag-take muna ako ng 1 month vacation sa Canada, nandun kasi yung kapatid ni Mommy si Tita Amie. Pumayag ako kasi makikita ko na ulit yung mga pinsan ko. I missed them so much. Pero matagal din ang 1 month ah? I’ll surely miss this town, lalo na sila Mommy tsaka ang best friend ko syempre. And? Uhm, mami-miss ko nga ba yung pang-aasar ng enemy ko? I guess… Yes? A little… (_ _)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

     AFTER 1 MONTH 

Nakauwi na rin ako sa Philippines, eto balik sa trabaho. Hehehe masyado akong nag-enjoy sa Canada. Nakakatuwa sila Tita kasi nanibago sila sa ayos ko ngayon. Bagay daw sakin, lalo daw akong nagmukhang babae. Wait! mukha ba kong lalaki dati?? (O_o)? Hmmm.

 Saturday kausap ko si Camille sa phone.

"Sorry pero di ako makakasama sa dinner nyo tonight nila Tita Cristine”Sabi ko kay Camille. 

"It's Ok. Na-miss ka lang talaga namin, tagal mo kasing nawala. almost 1 month? And sabi ni Mommy gusto ka daw nya makita bago sya bumalik ng US”Nobelang respond ni Camille. 

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Where stories live. Discover now