Ate, ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng maiinom, baka na uuhaw ka?

Umiling nalang si Natalia at akmang tatayo na ito ay napahawak ng kamay nya si Abril.

Oh? Saan ka naman pupunta ate? Magagalit si ama.

Pupunta lamang ako sa palikuran kapatid,"sagot ni Natalia kay Abril at ngumiti ng bahagya.

Sasamahan na kita.

Nakikipagsiksikan si Natalia at Abril sa kumpulan ng mga taong nakikisaya sa piyesta para maka punta sa palikuran. Makikita mo naman sa paligid ang napakaraming mesa at silya na inuukupa ng mga ibang panauhing Kastila at mga guardia civil na nag kalat at nag gu grupo grupo habang nag iinuman. Ang iba ay nag kwekwentuhan at nagtatawanan na gamit ang lenggwaheng Espanyol. Habang ang mga Indio naman ay nanunuod at nakatayo sa likod ng mga upuon na nakahilera sa harap ng  entablado. May iba ring mga grupo ng mga pilipino na nag iinuman sa gilid at palibot ng entablado.

Habang naglalakad papalayo sina Natalia at Abril ay unti unti ng humihina ang mga naririnig nilang tunog ng mga instrumento, at ilan pang ingay sa paligid na likha ng piyesta.

Hindi na sila nag pasama sa mga kasambahay nila o guardia pauwi dahil abala din ito sa pakikisaya aa pyesta. Malapit lapit lang naman ang kanilang bahay sa plaza. Mga dalawang daang metro lang at halos walong minuto lang ang paglalakad mula plaza.

Nang makarating sina Natalia at Abril sa kanilang semi mansion ay agad namang itinulak ng marahan ni Natalia ang gate para dali dali ang kanilang pag pasok dahil naiihi na talaga sya.

Wala namang ka tao tao dahil lahat ng kanilang mga trabahador, hardinero, guardia at katulong ay pinayagan lahat ng kanyang inang si Minerva na dumalo sa piyesta dahil kaisa lamang sa isang taon idadaos ang Piyesta ng Bangkero. Kampante naman ang pamilya Bernabe na walang magnanakaw ang magbabalak na akyatin ang kanilang bahay nila dahil alam ng mga tao kung gaano kahigpit si Ginoong Matias lalong lalo na at malapit ito sa mga principales na mga kastila at may katungkulan sa pamahalaan ng Sitio Maligaya.

Pagkatapos gumamit ng palikuran si Natalia ay agad naman siyang pumunta sa loob ng kanyang silid para mag lagay ng kaunting pulbo at pampapula sa labi. Nagpalit na rin ng damit si Abril at pati na rin si Natalia at isinuot ang magarbong baro't saya na pinili pa ng kanyang ina na susuotin nila sa piyesta pero hindi nila nasuot kanina dahil sa costume na sinuot nila sa Itik-itik na sayaw. Isang baro't saya na pinalobo ang saya nito. Kulay bughaw at napaka garbo ng mga batong ruby na disenyo sa damit na kumikinang kinang pa na nakapalibot sa baywang ni Natalia. Nakalugay lang ang kanyang buhok at ma alon at kulot ang ibaba ng buhok nito na lagpas sa balikat at malapit na sa baywang ang haba. Habang si Abril naman ay naka suot ng baro't sayang pulang pula na halos masisilaw ka sa kinang nito na animoy binalot ng pinag didikit na batong ruby na ginawa ring disenyo sa damit. Nakapusod ang buhok nito at nag iwan pa ng ilang hibla ng buhok sa magkabilang tenga nito at kinulot. Idagdag mo pa ang mamahaling hikaw na gawa sa ginto na isinuot ni Abril at Natalia.

Ang ina nilang si Minerva ay may dugong Kastila dahil ang ama nito ay kalahating Pinoy at kalahating Espanyol at ang ina naman ni Minerva ay purong Pilipino. Samantalang si Matias naman ay purong Pilipino na galing sa mga hindi basta bastang pamilya at mayayaman ang angkan nito. Naging mayaman ang pamilya ni Matias dahil ang lolo nito na si Don Marticio Bernabe ay kumampi noon sa mga Kastila at binigyan ng katungkulan sa pamahalaan at patuloy ng naisalang ito hanggang sa ama ni Matias at kasalukuyan ang katungkulan nila sa pamahalaan. Kahit paman batid ng angkang Bernabe na traydor ang tingin ng ibang indio sa kanila sa kadahilanang pag kampi at pagsapi nila sa Espanyol noong araw ay wala silang pakialam. Ang gusto lang ni Don Marticio ay maisa alang alang ang kaniyang sariling pamilya at magkaroon ng kapangyarihan na alam nyang mapapakinabangan rin ng kaniyang anak at apo at sa susunod na henerasyon. Inilunok nya umano lahat ng pangungutya na isa silang traydor dahil sa pagkampi sa Espanyol pero wala na syang maisip na paraan para maging ligtas ang kaniyang pamilya sa kalupitan ng pamahalaang Espanya sa Pilipinas.

Alas sais na at malapit ng mag dilim ang paligid. Agad namang pumanhik si Natalia at Abril para makabalik na sa plaza at mag uumpisa na ang salo salo.

Abril, bilisan mo na diyaan at malapit ng lamunin ng kadiliman ang haring araw,"sambit  naman ni Natalia.

Oo, patapos na ako,"tugon naman ni Abril.

Magkahawak kamay sila ngayong papalabas ng kanilang napakalaking bahay.

Abril, bakit ayos na ayos ka at ang ganda pa ng pagka pusod ng iyong buhok? Umiibig kana siguro noh?,"tukso ni Natalia sa kapatid.

Hindi noh, at isa pa ate wala pa namang lalaking nagpapatibok ng aking puso,"sagot naman ni Abril at sumimangot ito.

At bakit naman ang laki ng ngiti mo kanina ng makita sa Baste?,"dagdag pa ni Natalia.

Baste? At sino naman yan ate? Hindi ko siya kilala at isa pa labing anim na taong gulang pa lamang ako at bawal pa akong magkagusto. Ikaw talaga ate.," namumulang tawa naman ni Abril.

Hindi mo kilala si Baste? Siya lang naman si Sebastian Guerrero na kinahuhumalingan mo na anak ni Señor Gardo at Señora Angela na may ari ng napakalaking pabrika ng tabako sa Maynila,"pagdidiin pa ni Natalia.

Namula naman ang pisngi ni Abril na parang kamatis na ngayon dahil sa tukso ng kapatid nito.

Parang di ko naman nakita kanina ang pag titig mo sa isang ginoong espanyol kanina. Halos matunaw na nga yun sa kakatitig mo,"buwelta naman ni Abril kay Natalia.

Agad naman napa isip si Natalia, teka ? Siya ba yung— Oo siya nga.

Biglang naalala ni Natalia na napahiya pa siya kanina sa sayawan dahil sa lalaking nakatitig sa kanya kanina.

Hindi ko naman kilala iyon,"sagot naman ni Natalia.

Kinikilig ka naman diyan eh, nababasa ko sa mga mata mong may gusto ka doon,"tukso pabalik ni Abril.

Anong gusto? Hindi ko nga kilala at di ko masyado naaninag ang mukha ng lalaking iyon.

Naghahanap ka lang ng dahilan ate,"sagot pa ni Abril.






A/N : Hi guys pa sensiya na kung matagal tagal ako nakakapag update, busy kasi sa work eh. Hehe. ✌️ Sana magustuhan nyo ang Chapter na ito. Sa Enjoy reading. At pasensiya na rin kung may mga mali man ako. Feel free to comment nalang po. Ty lablab❤️

_____________________________
Sources :
www.flickr.com
tagalog.philippinestravel.com
www.wikipedia.com
www.slideshare.net

credits nga po pala -Pista ng Bangkero is originally a celebration from Pagsanjan

Dating Tagpuan (inspired by I love you since 1892)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon