Chapter 13

72 2 0

March 10, 1785

Ang araw na naitatag ang Real Compania de Filipinas (Royal Company of the Philippines) na batay sa isang royal decree ni Haring Charles III na hari ng Espanya. Naitatag ito sa kadahilanang maibahagi o maipromote ang direktang pakikipagkalakalan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas.

Ito ay may monopolyo sa industriya ng pakikipagkalakalan at ito ay nagbukas ng malaking access ng mga goods at merchandise mula sa orient na iniimport sa lokal ng Pilipinas.

Ang pinaka pangunahing rason ng pagtatag nito ay upang magtatag ng komersyal na relasyon sa pagitan ng iba't ibang mga kolonya at pati na rin sa pagitan ng mga kolonya at sa Espanya, at para mag bigay supply sa Maynila ng mga produktong nanggaling pa sa Europa at para maikalakal rin ang mga produkto di lang sa Espanya kundi ang mga produkto rin ng Pilipinas pabalik sa Europa.


~~
Fernando Abrego. Siya ay isang purong Espanyol na naging parte sa kampanya ng Espanya upang mangalakal dito sa Pilipinas. Isa syang negosyante mula pa sa Espanya at napagdesisyonan na rin nyang palawakin ang negosyo dito sa ating bansa.

Nakapag asawa naman sya ng isang napakagandang dilag na purong Espanyol din. Siya ay si Leonora Natividad. Isinama siya dito ng kanyang asawa na si Fernando at napagdesisyonan ng mag asawa na dito nalang manirahan sa Pilipinas dahil sa nagtataglay ang bansa ng pambihirang kagandahan at sagana sa likas na yaman na maari mong pagkakakitaan sa iba't ibang paraan. Pati na rin ang simple at payak na pamumuhay ng mga Pilipino at mga makukulay na kultura at kaugalian nito.

Nagdadalang tao si Leonora ng mga panahong iyon. At dito na nya naisilang ang kanilang napakalusog at napaka gwapong anak na lalaki na pinangalanan naman nilang Salve. Si Fernando at Leonora ay tinatawag na Peninsulares sapagkat sila ay mga Kastilang ipinanganak sa Espanya at di kalaonay nanirahan na dito sa kolonyang Pilipinas. Ang anak naman nilang si Salve ay maitatawag namang Insulares datapwat ito ay purong Kastila na dito ipinanganak sa Pilipinas at dito na rin lumaki.

Masagana ang pamumuhay nila Fernando at Leonora. Malaki ang naitayo nilang negosyo sa Maynila at sa ibang karatig bayan. Samo't sari ang paninda nila, ilan naman dito ay mga silk, asukal, cotton at higit sa lahat ay mga rekados o spices. Hindi naman nahirapan si Fernando na mapalago ito sapagkat sya ay isang matagumpay na negosyante na simula pa sa Espanya at bago pa manirahan dito sa Pilipinas ay kabisadong kabisado na nya ang mga istratehiya sa linya ng pangangalakal.

Lumipas ang sampung taon mula ng maipanganak si Salve ay lumipat sila ng tirahan. Mula Maynila ay napag sang ayonan ng mag asawa na mamalagi sa San Alfonso at magtayo doon ng kanilang sariling bahay at magtayo na rin ng negosyo doon.

Iilan pa lamang ang mga nakatira doon pero medyo maunlad na rin ang San Alfonso dahil sa may iilan ring mayayamang Kastila ang naninirahan sa bayan. Kabilang na doon ang pamilya Montecarlos na kilalang kilala sa ka Maynilaan ng dahil rin sa maayos at magandang hanapbuhay at malagong negosyo nilang palayan, pagpapastol at iba pa na nakapagbibigay pagkakakitaan narin sa ibang mahihirap na nakatira doon dahilan para mabigyan ng trabaho ang mga mahihirap lamang na mamamayan bayan ng San Alfonso. Mayayaman rin ang mga Flores na dito rin namamaligi sa San Alfonso.


Mamá, Panandito na po ako,"sambit ng batang si Salve sa kanyang mga magulang habang tumatakbo papunta sa kanilang kinaroroonan.

Dating Tagpuan (inspired by I love you since 1892)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon