Chapter 14

91 5 0
                                    

Lola, pareho din pala natin ang mga Espanyol, may mababait at may masasama din po,"ani Henna.

Oo apo, kaya hindi natin sila dapat husgahan lahat dahil may iba rin naman na pangangalakal lang at mapayapang buhay ang hanap. Marami din sa kanila ang inosente at hangad rin ang payapang buhay katulad rin nating mga Pilipino. Nagkataon lang talaga na mga mapansamantala at may masamang budhi ang mga pinuno nuon sa sandatahang Kastila na nanakop sa ating bansa.

Kawawa naman lola yung mga nabiktima sa mga kalupitan at pananamantala ng ibang Kastila,"ani naman ni Julian.

Oo, tama. At napakaswerte natin ngayon dahil malaya na tayo sa mga pananakop ng mga dayuhan ng dahil sa ating magigiting at matatapang na bayani," sambit naman ni lola.

Kaya ikaw Henna, pahalagahan mo kung paano tayo pinaglaban ng ating mga ninuno at ng ating mga kababayan," ani ko naman.

Oo naman ate, gustong gusto ko kaya ang history," sabi naman ni Henna sakin sabay belat pa.

Napatawa naman ako at pati na rin si Julian.

Tapos lola, ano na pong nangyari sa pamilya Abrego?


~
Lumipas ang dalawang taon...at labing dalwang taong gulang na si Salve, Pedro, Rita at Felipe.

Araw araw rin pumupunta si Salve sa ilalim ng punong narra para makipag laro sa kanyang mga kaibigan. Ibinahagi naman nya ang kanyang mga kaalaman, sa pagtuturo ni Maestro Felimon.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu. Bilang naman ni Salve sa mga daliri niya at parang isang batang guro na tinuturuan ang mga kaibigan nyang si Pedro na may kayumanggi ang balat, si Rita na ang tanging babae sa kanila at si Felipe na may singkit na mga mata.

Ang galing mo naman Salve, ayos!,"pagkamangha naman ni Rita kay Salve.

Sa Espanyol naman ay ganito kami magbilang sa aming lenggwahe. Uno, dos, tres, cuatro, sinco, seis, siete, otso, nueve, diez.

At napatigil naman si Salve sa pinakahuling daliri nya.

Nagpalakpakan naman ang tatlong batang naka nganga lang na nakikinig kay Salve.

Sabay sabay tayo mga kaibigan,"masiglang sambit ni Salve

At masayang nagbilang silang apat sa ilalim nang punong narra.

Punong puno ng kulitan at tawanan ng mga magkakaibigan ang maririnig sa paligid ng lawa ng luha araw araw kapag magkakasama ang mga batang si Salve, Pedro, Rita at Felipe.

Mga bata! Mag siuwian na kayo at malapit ng gumabi! Niños, laventarse! (Mga bata! Tumayo kayo!) at mag siuwian sa mga bahay nyo,"bulyaw naman ng isang guardia civil sa mga bata na nasa ilalim punong narra.

Agad naman tumayo ang apat na bata at tumango sa guardia na nasa harapan nila.

Por supuesto! (very good) Ahora! Empezar! (Now, go ahead)

Nagbulong bulongan naman sina Pedro, Rita at Felipe dahil di nila maintindihan ang Kastilang guardia. Tanging si Salve lamang ang nakakaintindi sa kanya.

Binulong naman ni Salve ang ibig sabihin ng guardia at nag uunahan na silang tumakbo at nagtatawanan sa iba't ibang direksyon at dahil uuwi na sila.

Hanggang sa muli mga kaibigan,"pahabol pa na sigaw ni Pedro sa tatlo.

Adiós amigos amiga! (Goodbye my friends),"sigaw naman ni Salve habang nakangiting tinatanaw ang mga kaibigang nagtatakbohan na papalayo.

Dating Tagpuan (inspired by I love you since 1892)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon