Chapter 16

62 1 0

Nakakabinging hiyawan, tawanan at palakpakan. Ang nangingibabaw sa maliwanag na kapaligiran ng bayan ng Sitio Maligaya, kasabay ng nakakaindak na tunog ng tambol, timpani, karakatak, klarinete, trombono at bandolin, na sabay sabayng pinatunog ng mga musikero at mga taong may talentong magpatugtog nito. Ang ilan sa mga instrumento ay nanggaling pa sa Europa na dala ng mga Kastilang nakikisaya rin sa Pista ng Bangkero na inaalalay umano sa patron ng bayan, Birheng Maria o Nuestra Señora de Guadalupe (Our Lady of Guadalupe). Ito ay inspirasyon sa pamamagitan ng nakatuon ng lahat sa mga bangkeros sa Sitio Maligaya at pati na rin sa karatig bayan na San Alfonso, dahil iisa lamang ang lawa na nilalayag ng mga bangkero, ang lawa ng luha. Sa Sitio Maligaya idinadaos ang kasiyahan at pista ng Nuestra Señora de Guadalupe kaya't madaming mga taga karatig bayan ang dumadalo dito.

Napakadami ng tao sa bayan na nakikisaya sa mga halo halong taong nandoon. Naroon ang mga principales ng San Alfonso at Sitio Maligaya, mga mayayamang pamilyang naninirahan sa dalawang bayan at iba pang mga impluwensiyang tao.

Napasigla ng bayan at nangingibabaw ang pagkamasiyahin ng mga indio na umalay pa ang iba ng mga awit at sayaw mapa indio man o mapa Espanyol.

Pero mga mayayamang Pilipino at mga Kastila lamang ang may kumpyansa at guts na makapag handog ng pagganap sa larangan ng sayaw at awit. Ang mga pilipinong nag alay ay mga anak ng mga matatagumpay na negosyante na maituturing ring may kaya at mga may katungkulan sa pamahalaan. Ang iba naman ay mga Pilipinong mestizo, mga Pilipinong may lahing Espanyol at ang mga ninuno ay Espanyol at kalahating Pilipino at ng magpasalin salin na ang lahi ay maitatawag na na purong Pilipino pero kitang kita parin ang mestizo/mestizang taglay nito.

Natalia, ayusin mo ang iyong pagsasayaw at nakatutok sa pagpapanuod sa atin si ama at ina,"suway ni Abril.

Sumasayaw na ngayon sa maliit na entablado ang grupo ng walong kababaihan na anak ng mayayamang Pilipino na mga kaanib ng pamahalaang Kastila kasama na roon ang dalawang anak ni Ginoong Matias Bernabe at Ginang Minerva Bernabe na sina Natalia at Abril.

Habang ang mga indio naman at mga kastila, guardia civil at iba pang mga dayo ay naka palibot sa maliit na entablado para masaksihan ang palabas. Nasa harap naman ng entablado nakahilera ang upuan ng mga principales, mayayamang negosyante at mga maimpluwensiya sa Sitio Maligaya at San Alfonso. Matatanaw rin doon ang presensiya ni Señor Fernando at Señora Leonora na dumalo rin sa pyesta.

Subalit, nasaan kaya ang binatang si Salve?


Ate, umayos ka diyan,"suway na naman ni Abril habang ini akto na ang ikalawang hakbang ng sayaw.

Tumawa lamang c Natalia sa kapatid dahil napaka seryoso nito sa sinasayaw.

Nakakaindak ang sayaw nila na tinatawag na Itik-itik.

Ang itik-itik ay isang sayaw na kung saan ginagaya ang mga itik (duck) na nilikha ni Cayetana na mas kilala bilang Kanang. Ang sayaw na ito ay nagmula sa Surigao del Norte na nalikha ni Kanang ng pasayawin sya ng mga panauhin matapos ang binyag na kanyang dinaluhan. Ang pinaka mahusay na paglalarawan ng sayaw na ito ay ang pag gaya ng galaw at hakbang ng mga pato o bebe. At di kalaunay nagawan ng liriko na musika g Dejado na nakakaindak at nakakahalina para sumayaw na rin ang iba.

Itik-itik, diin ka guikan? (Itik-itik, saan ka nagmula?)
Aliwaros, sa pandagitan. (Aliwaros, diyan sa ilog.)
Itik-itik kinsay uban mo? (Itik-itik, sinong kasama mo?)
Aliwaros, ako ra mismo. (Aliwaros, ako'y nag-iisa.)

Itik-itik, nag-unsa ka dinhe?( Itik-itik, bakit naririto ka?)
Aliwaros, nagsuli-suli (Aliwaros, nais kong malaman)
Aliwaros, nagsuli-suli ( Aliwaros, nais kong malaman)
Kon nia ba ikao dinhe. (Kung naririto ka nga.)

Karaniwan, ang mga mananayaw na babae ay nakasuot ng patadyong kapag sinasayaw ito. Barong tagalog o camisa de chino at puting pantalon naman ang suot ng kalalakihan.

Dating Tagpuan (inspired by I love you since 1892)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon