Chapter 17

69 1 0

Isa pa,"alok pa ni Armando kay Salve.

Ayaw ko na Armando haha. Nahihilo na ako,"tanggi naman ni Salve

Pare, nakita ko kanina yung lagkit
mong tingin sa isang mestizang sumasayaw kanina sa entablado ah,"tukso ni pa ni Armando sabay akbay kay Salve na nabubulol na dahil mukhang lasing na ito.

Anong ibig mong sabihin?,"nagtatakang tanong ni Salve.

Anong, "anong ibig mong sabihin". Kitang kita ko sa mga ngiti mo. Kahit kinakausap kita kanina, alam kung wala ka sa iyong isip. Halos dumikit na nga iyang mga mata mo sa magandang dilag na parang nabalian ng pakpak kung sumayaw eh, hahaha.

Napangiti naman si Salve at pilit binabalikan sa kanyang isip ang pagtama ng mga mata nila kanina ni Natalia.

Salve, inuman tayo pagkatapos ng sayaw ha?- Armando
Ah. O-o walang problema. - Salve
Ipingako mo muna-Armando

Hindi naman maka imik si Salve dahil sa hindi nya inaasahang magtama ang mata nila ng dalagang sumasayaw sa entablado.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Salve habang titig na titig sa dalaga, hindi nya maintindihan ang nararamdaman at parang nalito kung bakit tila kakaiba ang tibok ng puso nya.

Ang ganda nya,"biglang sambit ni Salve.

Ako? Maganda? Pare, ayos ka lang ba? Wag mong sabihing naging pusong mamon kana at nahuhumaling kana sa akin?," tanong naman ni Armando at napahalakhak pa ito ng napakalakas.

Bigla namang nagitla si Salve at nabaling ang atensiyon kay Armando na kanina pa nangungulit sa kanya tungkol sa inuman.

Anong pusong mamon ang sinasabi mo pare, hindi ikaw ang ibig kong sabihin," at napahagikhik nalang si Salve.

Kung gayon, sino naman iyang magandang sinasabi mo.

Napalingon naman si Armando sa direksiyon kung saan naka titig si Salve. Napatawa nalang ang binata at parang naging mang huhula ito at binasa ang ang mga mata ni Salve.

Hala, ikaw yata ay umiibig.,"tukso na naman ni Armando.

Hindi, hindi ako umiibig at isa pa masama ba manood sa mga nakakaaliw na sayawan ng mga dilag?,"pag tanggi naman ni Salve kay Armando na pangiti ngiti lang.

Ako'y naguguluhan sa iyo Señorito Salve. Bahala kana nga riyan,"natatawang sambit ni Armando at napakamot nalang sa ulo.

Bigla naman nagbalik tingin si Salve sa entablado ngunit natapos na pala ito.

Tumakbo naman si Salve at humabol sa kanyang kaibigan na si Armando.

Arman, hintay!


Naalimpungatan si Salve sa kanyang iniisip ng ilahad na naman ni Armando ang isang baso ng alak na mula pa sa Espanya na dinala ni Salve para ipatikim sa mga indio na nakikisaya rin sa pyesta. Kasama naman sa kanyang mga kainuman si Mang Pedring, Mang Gardo, Mang Roberto, Armando at iba pa nilang hardinero at tauhan sa kanilang negosyo.

Napakasimple talaga ng binatang si Salve, kaya halos lahat ng mga dalagang mapa indio man mestiza o purong espanyol ay humahanga sa kanya.

Di naman magkamayaw sa kilig ang ibang grupo ng mga dilag na Espanyol na naka upo sa isang malabilog na mesa na nasa tapat lang nila Salve at ilang dipang layo lamang ito.

Panay naman ang pag wawagayway ng isang dalagang Espanyol sa kanyang mamahaling pamaypay. Halatang anak ng mayaman dahil sa magarbong suot nito na baro't saya. Kulay itim at ginto ang suot nito na napakalobo ng saya, naka puson ang buhok at nakasuot ng mamahalin na mga alahas at kumikinang kinang pa. Perpektong perpekto ang mukha at napaka tangos ng ilong at may nakakapang akit na mga mata at kulay ginto naman ang buhok. Hindi naman maalis ng dalaga ang mata nya kay Salve na tinatanaw ito habang nakikipag inuman sa mga indio.

Dating Tagpuan (inspired by I love you since 1892)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon