Chapter 4

289 5 0

Isinantabi ko nalang muna yung weird feeling na nararamdaman ko kay Lola Carmela para di naman ako mailang at maka concentrate ako sa pakikinig ngayon para naman maunawaan kong lubos ang mga sinasabi ni Lola.

Na kuha naman ang atensyon kong bigla sa isang napakalaking painting na nakasabit sa dingding. Agad ko itong nilapitan at binasa ang nakasulat sa baba.

"Carmela Isabella"

At naipinta ito sa taong 1892 pa. Napatakip ako sa bibig ko dahil ilang dekada na pala ang lumipas ng maipinta ang painting nato. At mukhang kamukhang kamukha ni lola Carmela ang dalaga sa painting. Kahit matanda na sya ay maihahambing mo parin at mahahalata mo talaga na sya ang babae sa painting, at kapangalan pa nya.

Naisipan ko, na tatanungin ko nalang mamaya si Lola Carmela. Kinuha ko nalang yung cam ko at kinuhaan ng litrato ang painting. Bawal kasi hawakan ang kahit anong mga bagay-bagay dito sa museum kaya hanggang picture nalang kami.

Sumunod nako kina Lola Carmela
at papunta na sila ngayon sa isang napakalaking bookshelf. At tama nga ang hinala ko. Nakalagay don ang mga talaarawan. Binasa ko ang mga naka ukit sa ibabaw.

~ Ang talaarawan ni Juanito Alfonso~
1892-1963 🌿

Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakikita ko,kinusot kusot ko pa ang mata ko para mag balik tanaw sa nabasa ko. Hala taong 1892 nya sinimulan ang diary hanggang 1963. Bale, setentay unong libro ang naisulat nya 😱

Eto nga pala ang mga talaarawan ni Juanito na isinulat nya. At dahil sa araw-araw syang nagsusulat ay naging isang libro na ang talaarawan sa isang taon ani Lola Carmela.

Napanganga ako sa mga nalaman ko ngayon at napatanong kay lola Carmela.

Lola, bakit po hanggang taong 1963 nalang ang kahuli hulihang diary na naisulat nya po? Tanong ko kay lola.

Nakita ko naman sa mukha nya na bigla syang nalungkot at may namumuong luha sa gilid ng mga mata nya.

Oo apo, dahil binawian na sya ng buhay ng dahil sa katandaan.

At nakita kong tuluyan ng pumatak ang luha ni Lola at bigla naman syang tumalikod at pinunasan ito para di namin mahalata.

Biglang kumurot ang puso ko, pero pano? Sya kaya yung papa ni Lola? Ay mali, malabo, ano ba tong iniisip ko, Isabella nga yung apilyedo nila at Alfonso naman tong si napayapang Lolo Juanito.

Gulong gulo ang utak ko, resulta na siguro to sa pag ka chismosa ko at gustong gusto ko pang alamin ang istorya sa likod nito.

Napansin kong katabi ng mga talaarawan ni Juanito Alfonso ay ang mga talaarawan naman ni Carmela Isabella na si Lola pala na kaharap namin mgayon. Sinimulan nya naman ito noong taong 2016 at sa kasalukuyan. Taong 2058 na ngayon at madami dami narin ang talaarawan ni Lola nakapaloob sa bookshelf. Mga nasa kwarentay dos na libro pa ang naisulat nya.

Lola, may itatanong po ako ha sana po wag nyo masamain, ngiti kong intro kai Lola Carmela.

Oo sige apo, ano iyon? Nakangiting tugon ni lola.

Bakit nyo po naisipang mag sulat ng ganoon kadaming diary la? Bakit nyo po isinusulat ang bawat ngyari sa buhay nyo simula pa sa taong 2016 hanggang ngayon, at pato rin po si Lolo Juanito? Tanong ko kai lola na parang newscaster pa ang tono. Hahhaha

Dating Tagpuan (inspired by I love you since 1892)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon