Para namang bebe na nabalian ng pakpak kung sumayaw si Natalia. Habang si Abril naman ay napaka tutok sa bawat hakbang na gagawin. Natawa naman si Natalia at pulang pula na sa hiya dahil sa daming tao ang nanunuod sa kanila sa entablado.

Napasambit naman ng kay hina si Natalia sa kapatid. Abril.. sshht. Abril anong susunod? Napatingin na lamang si Abril sa kanyang ate at napa tsk tsk.

Gayahin mo nalang ate at tumahimik kana diyan, nakatingin parin si ama at ina sa atin.

Napalunok nalang ng laway si Natalia, at parang naghihingalong pato kung makasayaw dahil hindi nya kabisado ang mga hakbang sa sayaw.

Huminga nalang ng malalim si Natalia at tumingin sa mga tao na naka ngiti parin habang nang gagaya ng steps.

Sabi ni lola, kapag nasa entablado ka raw at di mo na mapigilan ang pagwawala ng puso mo sa kaba ay isipin mo na lang na wala naman talagang nanunuod sayo at puro damuhan lang lahat ang natatanaw mo.

Napapahid naman ng pawis si Natalia at kasabay nun ay ang pag sulyap nya sa isang lalaking matagal nang nakatitig sa kanya habang sumasayaw siya sa entablado. Isang lalaki na kasama sa kumpulan ng mga tao pero kitang kita nya parin at parang nag iisa lang ito sa kanyang natatanaw ngayon. Pero kahit ganun man ay hindi nya maaninag ng lubusan ang mukha nito. Bigla namang napatulala si Natalia at mukhang biglang tumigil ang mundo nya habang nakatingin sa lalaking pinagmamasdan sya habang kay tamis ng mga ngiti sa labi nito.

Naalimpungatan naman si Natalia ng tinawag sya ng kapatid.

Ate, ano ba. Bakit ka nakatingala diyan gumalaw ka malapit na tayong matapos.

Di namalayan ni Natalia na habang pinagtama ang mga mata nila ni Bathala ay naistatwa na pala sya sa kinatatayuan.

H-huh?

Nakita nalang ni Natalia na napa bow na ang mga kasamahan nya sa sayaw at agad naman syang tumakbo ng mahina para makisali sa linyada at napa bow ng pahabol.

Agad naman nag takbuhan pababa ng entablado ang walong babae matapos ang kanilang presentasyon. At naghari naman ang palakpakan at hiyawan ng mga tao.

Ate, anong nangyari sayo? Bakit di kana gumalaw kanina at humabol kapa sa pag yuko namin kahit alam mong huling huli ka na. Para ka tuloyng ewan. Napahawak naman ng noo si Abril habang kinakausap ang ate Natalia nya at tawang tawa sa pag ka tanga na naman ng kaniyang ate.

Kasi— di na natapos ni Natalia ang sasabihin ng tawagin na sila ng kanyang inang si Minerva.

Mga anak hali kayo dito,"tawag ni Ginang Minerva sa mga anak.

Tumakbo naman sila at napayuko ng mapadaan sa baba ng entablado.

Ang gagaling talaga ng mga anak ko, manang mana sa akin,"nagagalak namang pagmamalaki ni Minerva.

Naalala ko tuloy noong kasing edad nyo lang ako at sumayaw rin ako ng Cariñosa at ang ama nyo naman ang aking kapares,"dagdag naman ni Minerva sabay hawak sa braso ng asawang si Matias.

Kinikilig naman ang dalawang anak ni Minerva habang nakikinig. Ngumiti naman ng bahagya si Ginoong Matias at ginulo ang buhok ng mga anak.

Ang gagaling talaga ng mga anak ko. Lalong lalo kana Abril.

Tumawa naman si Abril at nagpasalamat sa ama. Habang si Natalia naman ay nakadama ng pagka inggit sa kapatid dahil alam nya na hindi pantay ang pag mamahal ng kanyang ama sa kanilang dalawa ni Abril. Isa kasing pasaway si Natalia kaya palagi nalang nya nasusuway ang gusto ng ama.

Magaling,"ulit pa ni Matias.

Oo naman magaling talaga at talentado ang atong mga anak,"tugon naman ni Minerva sa asawa.

Dating Tagpuan (inspired by I love you since 1892)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant