Confession 34: Could It Be?

Start from the beginning
                                    

***

 

“Bilis. 10AM na oh! Seatbelt na,” utos ng katabi ko. Hindi na ako umangal at sumunod na lang. Pinaandar na nito ang makina at agad na pinaharurot ang sasakyan. Alam kong tingin siya ng tingin sakin pero hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa cellphone. Halos mapudpod na nga ang daliri ko sa kapapaulit-ulit ng pagpindot sa parehong numero. “Wala pa rin ba?” tanong ni Oz. Umiling-iling naman ako. Kinakabahan na talaga ako sa hindi ko malamang dahilan lalo na at hindi sinasagot ni Aldous ang tawag at messages ko.

“Damn you, bishie guy. F*cking answer the phone,” I said in gritted teeth holding my phone tightly. I almost crashed it in my hand after the call ended. Kanina out of coverage tapos ngayong nagring na, pinapatay naman. Ano bang problema ng lalaking ‘to!?

“Stop cussing.”

 

“I can’t help it! Bakit ba naman kasi ayaw niya manlang sagutin? Nasaan na ba ang lalaking ‘yon at hindi pa rin umuuwi?” frustrated kong sagot. Napahilamos na lang ako ng mga kamay sa mukha at inis na isinandal ang sarili sa upuan.

“Baka dumiretso na sa school.”

 

“With those pair of uniforms again? I don’t think he’ll come to school without even changing his briefs.” Napaismid naman si Oz sa sinabi ko at halatang pinipigilan ang tawa. May nasabi ba akong nakakatawa? “Why? You’re making fun of me, aren’t you?”

 

“Ha? Hindi ah. Hindi. Baka mamaya pa siya uuwi.” Pag-iiba nito sa usapan.

I hissed, rolling my eyes on him. “He’d rather stop attending school than attending without brushing his teeth and he better f*cking answer the damn phone before I ruined his sh*tty bishie face! Ugh. Troublesome, kiddo.” Pero sa totoo lang, hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon just by thinking he’s missing in action for a day. Hindi ko maiwasang maisip ang mga nangyari noon kina Tyra, Clover at Coller na bigla na lang nawala. It’s either babalik sila ng buhay o sumakabilangbuhay. Nakakatakot mang isipin, hindi ko pwedeng alisin ang possibility na ‘yon. Collect questions, form hypothesis, eliminate unnecessary info’s and come up with the conclusion… possible or impossible, what’s left will always be the answer. Oh God! I’m even lecturing myself. Ganito rin siguro ang naramdaman noon ni Tao, Kris at Spade. Nakakabaliw.

“Ayaw mo pa bang lumabas?” Napapitlag ako sa pagpitik ni Oz sa noo ko. Nangunot ang noo ko saka ito ginantihan ng pitik sa noo higit na mas malakas kaysa sa ginawa niya.

“Masakit ha!” singhal nito.

I rolled my eyes. “Gantihan lang.” Sabay unlocked sa seatbelt at lumabas na ng sasakyan. Hindi pa rin natitigil ang daliri ko kapipindot sa number ni Aldous pero talagang hindi nito sinasagot ang tawag.

“Saan ka pupunta?” Rinig kong tanong ni Oz noong maabutan ako nito sa paglalakad.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now