The Beginning

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayoko! Sabihin mo busy ako!", ang sabi ko sabay kain ng popcorn.

Nagmomovie marathon kaya ako! Tapos baka mamaya, may mamiss akong isang scene dito!

"Mapapagalitan ka!"

"Ok lang. At isa pa Danny, bakit ka ba pumapasok sa kwarto ko ng basta-basta na lang? Hindi ka kumakatok!"

"Sorry po."

Bumaba na ako sa couch na kinauupuan ko.

Agad naman akong pumunta sa living room.

"Ano po Mommy?", umupo na ako sa sofa.

"Oh. You need to transfer to another school", Ang sabi sakin ni Daddy.

"Wahat? But Mommy! Daddy! Di ba ang Sharanteny High ang may pinakamataas na standards sa pagtuturo at itop rin ang best of bests sa buong France!",

Totoo naman eh.

Sikat ang Sharanteny High sa buong France dahil dito nanggagaling ang mga champions sa lahat ng larangan. Brainiac students, MVPs, Beauty Queens, basta! Lahat!

Kaya lang, talagang mahal ang tuition namin

So meaning, kaya ako ililipat ng school dahil naghihirap na kami? Oh noes!

"Ayoko po lumipat ng school! Pretty please!"

I breathe a sigh of relief.

Ayoko talaga ilipat dahil dito na ako sa Sharanteny High natuto ng lahat na dapat kong malaman.

"Pero nakapagdesisyon na kami ng Daddy mo, Amee."

Bigla na lang akong umiyak.

Siguro, kung may magic ako, kaya kong pigilan ang mga sinasabi at ang desisyon ng pamilya ko.

Kung may magic ako, siguro, nabasa ko na ang isip nila, para naman nakapaghanda ako.

Pero dahil wala akong magic, wala na akong magagawa.

"Amee, intindihin mo kami. Doon ka nabibilang sa school na yun", ang sabi naman ni Daddy.

"Ayoko po talaga. Bakit niyo po ba ako pinipilit? Wala namang mawawala saakin kung sa Sharanteny High ako di ba po? Ayoko talaga eh!",

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon