Chapter 5

91 6 0
                                    

Chapter 5

I parked my car a few establishments away from The Beech. Lagi kasing maraming tao ang nasa parking space ng The Beech, naghihintay makapasok o tumatambay lamang para mag-smoke, kaya mahirap na kung doon ako magpaparada.

Wynona has been whining for a good minute since we went out of my car, she's pissed because we have to walk farther than we should be if I parked at The Beech's parking space.

"Who decided to wear heels ba kasi kahit sinabi na 'wag?" She glared at me as I pin it on her.

"Who decided to park so far ba kasi kahit sinabi na sa The Beech na lang?" It's my turn to glare at her. What in 'baka mapag-trip-an ang sasakyan ko ng mga lasing' can't she understand?

"Okay na 'yan, girl. Tiis ganda, ginusto mo 'yan, eh."

Sa wakas ay tumahimik na ang kaibigan ko at naglakad na lamang. The Beech is within our sight and I thank heavens because I made the right choice. There are tons of people waiting at The Beech's parking space.

"See? Ang daming tao, oh. Tingin mo, mag-pa-park ako riyan?" It was a rhetorical question so she just rolled her eyes. "Nope. Ain't risking it," dagdag ko.

Umakyat kami ng hagdan patungo sa entrance ng The Beech. May mga nakapila sa right side ng valet kaya sa left side sana kami dadaan ni Wynona nang harangan kami ng isang babaeng staff. Hinayaan kong si Wynona ang makipag-usap dahil siya naman ang maalam dito.

"We're with someone inside," Wynona explained, slightly bitchy. Ate Staff shook her head.

"Ma'am, pasabi na lang sa kasama niyo na sunduin kayo rito," Ate also explained.

So that's their policy pala. It seems reasonable naman. Kailangan sunduin ka ng kasama mo sa loob na may stamp na sa arm to prove na may kakilala ka talagang pupuntahan sa loob. Iwas nga naman sa agawan sa table 'yon. Kung wala ka kasing kasama tapos ganito kahaba ang pila, mapipilitan kang ipalista na lamang ang pangalan mo kay Ate Staff at hintayin na tawagin ka niya. Buti na lamang talaga ay nauna na sila Chace.

Wynona turned her back on the staff without saying anything, may pairap si mayora! I smiled at Ate before going after Wynona who's being rude and bitchy. She was just adhering to the policy.

I saw Wynona calling someone with her phone, most likely Chace.

"Hello, Chace? I'm here na. Can you come pick me up?" Narinig kong sabi ni Wynona nang makalapit na 'ko sa kaniya. "Okay. Sa may entrance," aniya at binaba ang tawag.

"Kumakaway sungay mo tonight, ah?" pangaasar ko sa kaniya.

"'Di naman, ah?" Umiling-iling na lang ako sa denial kong friend. 'Di raw, eh, halatang-halata siya. I don't feel guilty, though. Kahit awayin niya ako ay hindi pa rin ako mag-pa-park dito.

After about a minute or two, nakita ko sa may entrance si Chace kasama si James Reid. Charot! He is with, I believe, Kyle. Isa sa mga kasama niya na ipinakilala sa'min ni Wynona nang nakita namin siya sa Rouvre last Friday.

Chace is wearing a simple black band shirt, jeans, and Nike kicks while Kyle's sporting a patterned polo shirt, khaki pants, and brown Top-Sider. Mukha silang tropang hypebeast na fuckboy, in a good way naman. 'Di kasi sila mukhang try-hards.

"Oh, ano? Laglag pantsu mo?" bulong ko kay Wynona at agad niya akong tinulak habang nakangisi. Tingnan mo 'to! Kanina lang ay sobrang bitch, ngayon kinikilig na parang ewan. 'Di manlang itago! Halatang-halata sa mukha niya 'yung mood swings niya, eh.

"Oo na. Can you blame me? Ang gwapo niya kaya, crushie ko pa," aniya na ikinatawa ko. This girl's in deep shit. Lakas ng tama kay Chace! 

Since busy pa kiligin itong si Wynona, ako na lamang ang kumaway at tinawag sila Chace. "Chace, here!" I called the two hunks. Agad na tumingin sa'min ang dalawa.

Burning UpWhere stories live. Discover now