09 | kent

28 1 1
                                    


Kent went to the University alone. Hindi niya muna pinapasok si Brian. Masyado pang fresh ang mga sugat nito, at sigurado siyang pagtitinginan ito ng mga estudyante dahil sa nasa mukha nito.

The latter didn't object. Gustong gusto pa nga. And the main reason? Second activity kasi nila sa PE. Hndi niya alam kung maiinsulto ba siya dahil siya ang prof nila roon o ayos lang at least, makakapag pahinga ang lalaki.

--

His class was cut short because of the meeting. Malapit na kasi ang school break, kaya pag-uusapan na kung anong gagawin at theme para sa semestrial break party.

"Masquerade theme, kaya?" suggest ni Ma'am Shirley.

"The senior high will enioy that, but I doubt  the college students. Baka makornihan," sagot naman ni Sir Campos.

"Kung naka-costume kaya sila?" sabi naman ni Ma'am Kyla. "Like—"

"Superheroes and disney princesses?" Sir Gino chimed in. "What are they, five?" he snort.

"Shut up," inis na sabi ni Ma'am Kyla.

"No, how about you and your lame theme shut up?"

"Sumusobra—" pagtayo ni Ma'am Kyla ay tumayo rin si Sir Jerwin para awatin siya.

Pasugod na, e. Di pa hinayaan. Para sana mabawasan yung sexual tension sa kanilang dalawa. Ramdam na ramdam kaya ng lahat.

"Kung hindi kayo titigil na dalawa, mabuti pang lumabas na kayo," ani Sir Marco, ang head ng faculty members. "Fix your se–problem outside. Bumalik na lang kayo pag okay na."

See? Ramdam ng lahat.

Padabog na dinampot ni Ma'am Kyla ang sling bag niya bago lumabas, habang si Sir Gino naman ay chill lang, nakalagay pa sa bulsa ng pantalon ang kamay habang nakasunod sa babae.

'Yan ang hirap kapag masyado pang bata ang mga prof.

"Okay, back to the topic, other suggestions?"

Kent wanted the meeting to end already. Kating kati na siyang umuwi.

Miss na niya si Soo.

"How about black and white theme?" suhestiyon niya, eyes are now on him. "Like, walang specific na kailangang suotin, aside from dapat black and white. Parang alam niyo 'yon, rock n' roll ang datingan? Hire a band, o kaya pagperformin natin ang mga estudyante."

Nakita niya naman ang pagtango-tango ng co-professors niya.

"Hmm, that's good." Sir Marco said with a s smile. "Isa pa, hindi siya korni para sa Senior High at College students."

Nagpalitan pa sila ng ideas saglit, and when Sir Marco dismissed the meeting, Kent was the first one to get out of the session hall.

--

Pagdating ni Kent sa bahay ay hindi niya agad nakita si Brian. Ine-expect kasi nito na nasa living room ang lalaki at nanonood. But he was obviously wrong.

May naamoy siyang kung ano, kaya alam na niya kung nasaan ang binata. Pagpunta niya sa kusina ay nandoon nga ito, wearing a baby blue apron.

Lumapit siya sa lalaki at doon lang siya napansin nito.

"Sir—este, Kent pala," medyo natawa ito. "Aga niyo?"

He shrugged. "Maaga na-cut ang mga klase, e."

"Ah."

"Ano 'yang niluluto mo?"

Kita naman niyang pasta ang nakasalang. Gusto niya lang talagang kausap si Brian.

"Spaghetti." tipid na sagot nito.

Tumango lang siya.

Ah, kailangan niya ng topic.

"Anong—" napatigil siya sa pagsasalita nang tumingin sa kaniya ang lalaki. Namumula ang pisngi nito, parang walang buhay ang nga mata. Napakunot ang noo niya.

"Are you. . ." Ipinatong niya ang kamay sa noo nito. ". . .sick."

"Ayos lang—"

"No." Pumunta siya sa pwesto nito. "Go to your room and rest, ako nang bahala rito."

"Eh, di ka naman marunong magluto diba?"

Kent rolled his eyes. "Luto naman na ang sauce, and as far as my commonsense knows, hihintayin ko lang lumambot ang pasta, right?"

"Right," sabi nito sabay tango.

"Now, lay down and rest then I'll eat you."

"Ano?"

"I said I'll feed you."

❝let's not fall in love❞ » kaisooWhere stories live. Discover now