Raindrop #8

1.7K 32 12
                                    


Through Storm and Drizzle

Gumaling ako nang todo dahil sa pag-bisita ni AR. Parang magic! Dinasal ko nga na sana huwag nang matapos ang araw na iyon kaso masyado na daw akong abuso.

Abot tainga ang ngiti ko nang tuluyang masara ang gate pag-katapos kong ihatid si AR sa labas. Napilit pa siya ni Mama na dito mag-hapunan kaya busog na busog talaga ang puso ko!

"Saan mo nakilala iyang si Ace, anak?" Tanong ni Mama pagpasok ko sa loob ng bahay.

Ang akala ko ay maglilitanya na siya ng sermon at nakikisama lang kanina kaya nagulat ako nang maganda pa din ang ngiti niya!

Aba-aba! Baka nag-gwapuhan ka din kay AR, Mama ah!? Aagawan pa yata ako!

"Secret, Ma! At wag ka po mag-alala hindi ko po boyfriend iyon!" Pinangunahan ko na siya.

Hindi ko 'pa' po boyfriend. Hehehehe!

"Syempre hindi! Wala naman akong sinabing boyfriend mo siya. Napakabait na binata. Natutuwa lang ako dahil may kaibigan ka na gaya niya." Tumango-tango si Mama at tuwang-tuwa.

Taas noo naman akong nag-lakad paakyat sa kwarto ko.

Yan ang taste Mama!

Hindi ko napigilang ngumisi sa naisip.

At nang makapasok ako sa kwarto ay humilata ako sa kama ko at tinakpan ng unan ang mukha! Para akong uod na binilad sa araw at hindi malaman kung anong galaw ang gagawin sa kama.

Waaaahhhhh!!

Can't believe what just happened!!!

Binisita ako ni AR!

Inalagaan niya ako!

At...binigyan ng bulaklak!!!

Pakiramdam ko, onting-onti nalang ay mapipigtas na ang iniingatan kong pagiging pakipot! Kaunting kilig pa, AR, KAUNTI PA TALAGA!

Kagat labi kong kinuha ang phone ko para itext siya.

Ako: Thanks for today, AR. Mag-iingat ka pauwi. :)

Napapikit ako nang madiin nang nag-vibrate agad ang cellphone ko.

Ace Rienzo ♥︎: no problem, Chyna. Don't forget to drink your meds.

Paimpit na tili ang nagawa ko!

Ako: okay! :)

Hindi natapos sa araw na iyon ang pagiging malapit ko kay AR. Halos sa buong sem na iyon ay lagi kaming nag-kakasabay sa jeep. Minsan ay sumasama ako sa pag-tuturo niya sa mga bata. At sa tuwing mahaba ang vacant ko o wala ang prof ay palagi siyang willing na samahan ako.

Halos bigyan ko ng trono ang pink ko na payong dahil sa pagiging swerte niya sa lovelife ko.

Teka.. Hindi pa kami ha?

Pero malapit-lapit na rin akong umamin.. Oo, ako ang aamin! Dahil sa tagal kong kasama si AR at sa pagkakakilala ko sa kanya ay talagang gentleman siya at tingin ko'y babalakin niya pang kumain ng sandamakmak na bigas bago umamin!

Payong (Short Story)Место, где живут истории. Откройте их для себя