Raindrop #5

2.2K 38 9
                                    


Stormy Day is a Lucky Day!

Ilang araw ang lumipas. Ilang umaga ang dumaan na labis ang aking ligaya!

Hay! Ganito ba talaga kapag naiinlove? Nagiging makata?

Pakiramdam ko ang swerte-swerte ko...dahil habang tumatagal ay mas nakilala ko si AR. Mas nakikita ko kung gaano siya kabait at ka-gentleman!

Ang swerte ko sa future boyfriend ko!

Pero ngayong umaga mukang malas ako.

"Breaking news! Signal number 2 na sa mga sumusunod na lalawigan: MANILA, QUEZON, CAVITE, LAGUNA, BUONG NCR!"

Imbis na sa banyo ay sa sala ako tumakbo para mapatay ko ang radyo.

"Oh, Chyna may signal number 2 na? Rinig ko sa radyo, nak!" Sigaw ni mama mula sa kusina.

"Ah, opo ma! Pero sa Mindanao po yun!" Palusot ko naman.

"Ha? E dito satin?"

"Walang signal ma! Malayo daw yung bagyo. Ligo nako ma ah!" Sagot ko bago kumaripas ng takbo papunta sa banyo!

Wala kaming pasok pero bahala na nga! Basta makita ko lang siya! Di ko na nga siya nakita kahapon dahil sunday at wala akong pasok eh! Ayoko siyang mamiss masyado noh!

Hihihihi

Hiningi ko na ang baon ko kay mama at isang tinapay lang din ang kinain ko para sa almusal.

(Nag-didiet na kasi ako. Hehehe. Shhh!)

Pagkatapak ko palang sa labas ay para nang liliparin ang payong ko sa sobrang lakas ng hangin! Pero...laban!!

Sumakay ako sa unang dyip at nagretouch dahil hinangin ng todo ang buhok ko! Ang dami ko tuloy tutchay! Kainis!

Inipit ko nalang ang buhok ko sa ponytail. Nag-paractice pa ako ng pagpapacute sa salamin at sa kamalas-malasan ko pa ay naabutan ko pang nakatitig at nakangisi sakin yung isang pasaherong lalaking payatot!

Sininghalan ko siya at inirapan! Hindi para sa'yo tong beauty ko noh!

At nang sa wakas ay nakababa na ako sa terminal ng dyip!

Hinanap ko kagad si AR pero wala pa siya!

Kinakabahan naman ako! Baka wala pala siyang pasok, sayang naman tong lip/cheek tint ko! Nabawasan lang nang hindi niya makikita.

Huhuhuhuhu

Walong minuto pa akong nag-antay. Mabuti nalang at tahimik ang langit at wala pang ulan...

Nawawalan na ako ng pag-asa...

Tatawid na sana ako sa kabilang kanto para sumakay ng dyip pauwi nang umaliwalas ang paningin ko!

Si AR...naka-jacket!

"AR!" Kumaway ako at humakbang na palapit sa kanya.

"Chyna, kanina ka pa?" Ngiti niyang lumilitaw ang dimple.

Natutunaw nanaman ako!

"Hindi..kakarating ko lang din. Buti may pasok ka pa rin ngayon?" Ngiti ko habang pumipila na kaming dalawa.

"Mm.. Walang holidays ang serbisyo ko." Sagot niya.

"Ikaw? Narinig ko sa news na walang pasok pati ang college level..may pasok ka pa rin?"

Napasinghap ako!

Ano ba yan, Chyna! Kung bat naman kasi yun pa ang tinanong mo!

"H-hindi ko kasi sigurado. Um..nag-brown out kasi samin kaya wala akong balita. Kaya heto...b-baka meron kasi eh." Hilaw akong tumawa.

"Tutuloy ka pa? Paano kung wala kayong pasok at mahirapan ka pauwi?" Nag-aalala niyang tanong.

Halos makarinig ako ng tunog ng kampana habang nakatitig sa kanya. Ganito siya ka-concern?

Mama...magkaka-manugang ka na!

Pigil na pigil ako sa kilig ko! Halos di ko na maramdamang umiikot ang mundo at higit sa lahat wala na akong pakialam kung maistranded mamaya makasabay lang kita ngayon!

"Oo, may long quiz kasi kami sa isang subject. Baka meron tapos mamiss ko kaya magbabasakali pa rin ako." Ngumuso ako.

Ikaw lang naman talaga ayaw kong mamiss. Hihih

Kinagat ni AR ang kanyang labi at tumingin siya sa langit. Kung yelo siya, tunaw na siya sa titig ko.

"Kung ganoon, sasamahan muna kita.."

Napakurap-kurap ako. Dahan-dahang umawang ang labi ko.

"T-t-t-talaga?" Nag-iinit ang pisngi kong sambit.

Humalakhak siya at ginulo ng bahagya ang buhok ko.

"Just wanna make sure you're safe." Ngiti niya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Mas malakas pa yata ang tunog nito kesa sa pag-kulog ng langit!

Abot ang tenga ang ngisi ko nang makasakay sa dyip kasama si AR. Walang minutong nasasayang sa tuwing kasama ko siya!

At ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school ko. At gaya ng inaasahan ko...walang pasok!!!

Ngumuso ako at umarteng nanlulumo.

"S-sorry.. Naabala pa kita AR. Wala palang pasok.." Malungkot kong sinabi.

"Don't worry, it's fine. Atleast sigurado tayo." Ngiti niya.

Ngumuso ako at hinigpitan ang hawak ko sa backpack.

"U-um.. W-wala ka bang gagawin ngayon?" Nahihiyang kong tanong.

"Mukang ikaw ang walang gagawin ngayon. Do you want to come with me?" Pumalakpak nanaman ang tainga ko!

Umubo ako at inayos ang pag-tayo dahil mabubuwal na talaga ako!

"H-ha? Saan naman?" Pabebe kong sinabi.

"To my work." Ngisi niya.

"Pwede?!" Umaliwalas ang mukha ko.

Hindi napigilan ngumiti ni AR.. Lumabas ang dimple niya kasabay ng pag-tango niya!

"Yes!" Sambit ko at humalakhak naman siya.

Sabay kaming lumakad na dalawa at mula ng oras na iyon...sorry sa iba...pero dinasal ko na sana...araw-araw nang bumagyo!

Hihihihihi :">

Payong (Short Story)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant