Raindrop #2

4.7K 56 26
                                    



Perfect Timing Mr. Rain

Ang sabi sa balita...there's 50% chance of raining.

50% lang?!

Ganon din ba ang chance ko kay AR?

Pero kahit pa 50% lang, atleast may chance!

Nag-suot ako ng headband na yellow at siniguradong maayos na maayos ang itsura ko. Lip tint and blush on, ayos na to!

"Ma! Payong ko po asan?" Sigaw ko habang nasa sala at naghahagilap ng payong.

"Bakit? Hindi naman umuulan." Sagot niya sakin pero hinahanap din naman ang payong ko. (Moms will be moms)

"Uulan yan! Dinasal ko eh." Humalakhak ako habang inaabot niya sakin ang armas ko.

Pag si mama talaga ang naghahanap, nakikita agad.

Binilisan ko ang lakad ko patungo sa sakayan ng unang dyip. At habang naroon ay para akong natataeng nagdadasal.

Umulan ka please. Umulan ka please. Kahit sandali lang, please umulan ka. Pleaseeeeee!

Hinanda ko na ang payong ko nang makitang palapit na kami sa terminal. Hinawi ko rin ang buhok at kinagat-kagat ang labi ko para mamula.

"Kuya! Para!!" Nagmamadali kong sigaw sa manong driver nang maaninag si AR na naglalakad.

At...

Boom!

Thanks Lord!!

Nagsimulang pumatak ang dasal ko!

Agad kong binuklat ang aking armas at naglakad takbo palapit kay crush...

"Crush- este- AR!!!" Nabatukan ko ang sarili ko!

Mabuti nalang at huli na nang lumingon siya.

"Payong oh.." Nahihiya kong ngiti.

Ganito pala pag kausap mo na yung gusto mo, nagiging mahinhin ka bigla?

"Salamat. Buti nalang nandiyan ka, Chyna." Ngumiti siya at lumitaw ang dimples niya.

A-ah..

A-ah..

Aaaaaahhhh!!!

Naalala niya ang pangalan ko!

"O-oo naman..kahit nga wag ka nang magdala ng payong kahit kailan eh!"

Hilaw akong tumawa nang tumawa rin siya!

"You're funny.. I like it.." Sambit niya pagkatapos tumawa.

H-ha..

H-ha..

Narinig mo yung sinabi niya?! LIKE niya AKO!!

Aaaaaaaahhh!!!

Okay, puso, kalma.

"I like you too."//*beeeeeeeeep*

Payong (Short Story)Where stories live. Discover now