"Shut up. Gawin mo na lang ang sinasabi ko." Malamig na sabi niya.

Pinaglandas ni Kenneth ang kamay nito sa kaniyang buhok at bumuntong-hininga. "Okay. Fine."

May kinuha si Kenneth sa bulsa ng kaniyang pantalon. His cellphone. Agad siyang nagtipa ron habang si AC naman ay naguguluhan na tiningnan niya ang kaibigan. Ano ang ginagawa niya?

"I told you to know her name. Right away—"

"Her name is Audrey Val Mercado." Putol nito kay AC while yawning. "Wow, never thought a name like these sounded sexy. Audrey Val." Dagdag pang komento nito nang may ngisi sa mga labi.

Nagtaas-kilay si AC like he's asking for something. Napansin 'yon ni Kenneth kaya humalakhak lang ito.

"I texted our dean's assistant. Sabi ko, alamin niya ang pangalan ng transferee sa section natin at sabi ko magde-date kami kapag ginawa niya iyon. Kaya, tadah!" Ngumisi si Kenneth, "Patay na patay talaga sa akin 'yang mga babae na 'yan. Ang gwapo ko naman kasi."

"Whatever, asshole." Napailing na lang si AC dahil sa inasta ng kaibigan nito. And he even had the number of the dean's assistant? Ibang klase talaga ito. Napaka-casanova. Bakit ba siya naging co-leader ng Exodus? Bakit ba siya nasali sa organization?

"You should thank me for that, you know. Dahil sa akin nalaman mo na pangalan ng love of your life mo." Cool na sabi ni Kenneth kay AC. Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Love of his life? Bullshit.

"Fuck you, Gonzaga." Mariing sabi nito. Galit na naman siya. Salubong ang mga kilay, umiigting ang kaniyang panga. Love of your life his ass.

Kenneth chuckled cooly. "I know I'm gorgeous as hell, bud, but I don't do men."

"Gago."

Kahit kailan hindi siya magkaka-gusto sa babaeng 'yon. Masyado siyang bilib sa sarili at ayaw na ayaw niya 'yon. Kaya naman ganon na lang ang inis nito sa mga pinagsasabi ni Kenneth sa kaniya. Wala talagang magandang nilalabas ng bibig ang kaibigan niyang 'yon kahit kailan.

Pagkatapos ng ilang minutong nagkaniya-kaniya sila ng mundo ay biglang tumunog ang cellphone ni AC.

Philip Vasquez calling...

The leader of the Mafia organization.

"Tito."

Tito ang tawag nito sa kaniya dahil malapit na malapit na sila sa isa't isa. They are not blood related pero parang ama na ang turing niya rito.

"AC, I heard napaaway ka raw kahapon?"

Napaaway? Wala naman siyang matandaang napaaway siya kahapon? Don niya naalala ang mga nangyari, 'yong babae, si Audrey.

"Tss."

"A woman, right?" Teka, paano naman niya iyon nalaman?

"How did you know, tito?" Naguguluhang tanong ni AC kay Philip.

"Kenneth told me about it." Mabilis siyang bumaling kay Kenneth at tiningnan niya ito ng masama pero ang loko nagkibit-balikat lang ito, he looks so innocent when he shrugged. Bwisit!

"Magaling ba siya?"

"She's... well, yes? She's well-trained base from her moves. Asar at mayabang nga lang." Anito habang inaalala ang mga ginawa nito. Mula sa pagbugbog niya sa apat na estudyante and all.

"I want to meet her as soon as possible, understand, AC? Bring her to me."

What? Is he even thinking right? No offense.

"Pero tito—"

"No buts." And then he ended the call. Napamura na lang siya dahil sa inis. Now what? He can't fucking fail him. Paano naman niya kukumbinsihin si Audrey na isama niya ito kung gayong magkaaway sila? Tss. Could he kidnap her or what? Fuck! Nakakainis naman kasi. Bakit pa niya kasi ito gustong makilala?

"What happened?" Tanong ni Kenneth.

Sinamaan ni AC ito ng tingin, "This is all your fault, prick." Sabi niya tsaka nagwalk-out.

"What the fuck did I do?!" Dinig niyang sigaw ni Kenneth pero hindi na niya ito pinansin pa. Patay-malisya pa siya. Nakakainis talaga! Ano nang gagawin niya? Saan naman siya pupunta ngayon? Ayaw niyang pumasok sa klase dahil mabo-bored lang siya don.

Nasa gitna siya ng paglalakad nang mamataan niya si Audrey na nakaupo at nakapan-dekwatrong panlalaki sa isang bench malapit sa kaniya. Yuck! Tomboy ba ang isang ito? Lalapitan ba niya nito? Hindi na lang.

"Hoy." Sabi hindi niya lalapitan e.

SUMAMA ANG MUKHA ni Audrey dahil pagka-tingala niya ay nakita na naman niya ang lalaking kinaiinisan niya.

"May pangalan ako, jerk. Anong ginagawa mo dito?!" Galit na tanong niya.

"May pangalan rin ako, freak. Sumama ka sa akin bukas ng umaga." What the fuck?! Ano ba ang sinasabi nito?

"Are you insane? Bakit naman ako sasama sa'yo?"

"Kasi utos ko 'yon at kailangan mong sumunod."

"Bakit naman ako susunod sa'yo?!"

"Kasi ako ang boss!"

"Stop boasting yourself up! Hindi bagay."

Uminit ang pisngi nito dahil sa galit at inis. Nababaliw na ba ang lalaking ito? Palagi na lang niyang sinasabi na siya ang boss. Ang kapal! Masama ang tingin ni Audrey sa lalaki at ganon rin ito sa kaniya.

"Whatever. Just come with me tomorrow!" He rolled his eyes.

"Kalabanin mo muna ako." Maya-maya pa'y biglang napalitan nang ngisi ang masama nitong tingin pero napangiwi lang si AC tsaka humagalpak ng tawa.

END OF CHAPTER.

The Lost Heiress (Completed) Where stories live. Discover now