Naexcite ako bigla sa narinig ko. Parang gusto kong hatakin yung araw para makauwi na kami agad.

"Woah ? Talaga ?" sagot ko. Nawala bigla yung antok ko dahil sa excitement.

"Opo... Matulog ka na at maaga pa tayo bukas. Good Night."

sabi sakin ni handler. Nang ipikit ko na ang aking mga mata, andaming pumasok sa isip ko ! Di tuloy ako makatulog -.-

Wala naman akong magawa kaya lumabas na lang ako at pumunta sa may garden sa labas ng hotel. Naupo ako dun habang umiinom ng mainit na kape.

Nang nasa kalagitnaan na ko ng aking tasa, naramdaman kong may tumabi sakin.

Paglingon ko, si Rayver.

"can't sleep ?" tanong niya sakin.

"sort of. Ikaw ?" tanong ko din sa kanya.

"same dude." matipid niyang sagot. Pagkatapos nun ay walang nagsalita samin.

Pareha kaming nakatingin sa kawalan. Nagulat na lang ako ng bigla siyang magsalita.

"dude."

"hmm ?"

"wag mo siyang sasaktan" sabi niya sakin. Tinitigan ko yung mukha niya pero diretso lang ang tingin niya. Ano bang sinasabi nito ?

"huh ?" nagtataka kong tanong.

"si Sarah. Wag mo siyang sasaktan." sabi niya. Bakit niya to sinasabi sakin ? At kahit di niya to sabihin, di ko talaga sasaktan si Sarah ! Sino ba saming dalawa ang nanakit kay Sarah ? Tss.

"Bakit mo b--" tanong ko pero di niya ako pinatapos.

"I just don't deserve a woman like her. Pero bro, believe it or not, minahal ko siya. She is precious to me as she is to you. Natakot lang talaga ako." sagot niya sakin.

Di ko alam anong problema nitong lalaking to. Nakamove on na lahat ng involve pero bakit siya ?

"Ray... Uh... Why are you saying all these to me?" tanong ko sa kanya.

"Because you're a hundred miles better than me. You deserve her more. Kaya sana wag mong gawin yung ginawa ko. Sarah is such a lovely lady. Believe me, you wouldn't want to see her cry, even a single tear." sagot niya sakin.

Tinignan niya muna ko, tapos ngumiti siya then tumayo na.

"Usapang magkaibigan Gerald.." then he pointed up at the hotel using his thumb.

"Mauna ka na. Mamaya pa ko." tapos nginitian ko siya. Pag-alis niya, nakaupo pa rin ako. Stiff and still.

I tried to recall what he said. And nakita kong napaka seryoso niya. Siguro minahal niya nga talaga si Sarah. And chances of him, still inlove with Sarah, are still huge. Pero may Christine na siya eh !

Haaay. Basta naramdaman ko yung sincerity ng boses niya. His eyes depict all his regrets. Kitang kita na nagsisisi siya sa ginawa niya.

"Believe me, you wouldn't want to see her cry, even a single tear"

"Believe me, you wouldn't want to see her cry, even a single tear"

"Believe me, you wouldn't want to see her cry, even a single tear"

Paulit ulit sa isip ko yung sinabi niya.

Ganyan ba niya kamahal si Sarah at kailangan niyang sabihin sakin lahat ng ito ? Hasn't he moved on yet ?

"She is precious to me as she is to you" Mahalaga pa rin para sakanya si Sarah. She IS daw eh ! Ibig sabihin, hanggang ngayon. Unless, di siya marunong mag english.

Y.O.U (Ashrald)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon