Chapter 37

2.3K 32 6
                                    

[Note: Hello there ! Salamat sa nagbabasa ;) Love you !]

Sarah's POV

From: Ge

Good Morning ! Breakfast na. Wag papalipas ok ? Mag-iingat palagi :)

Nakatanggap agad ako ng text from Gerald. Talagang nag-alala siya ng sobra sa nangyari sakin. Inalagaan niya ako. Di siya umalis sa tabi ko nung nasa ospital pa ako. Di niya ako iniwan.

Pinaramdam niya sakin na mahalaga ako. Napakasaya ko. Gusto ko siyang makasama ngayon. Gusto ko siyang makasama habang buhay.

Tumayo ako sa kama at pumunta sa may drawer ko. Kinuha ko dun yung maliit na box. Sa loob nun ay yung heart necklace na regalo sakin ni Gerald. Kinuha ko yung necklace at bumalik sa kama ko. Tinitigan ko lang siya hanggang sa matunaw. Joke lang.

Tinitigan ko lang siya ng tinitigan. Yung tipong bawat sulok nung pendant, tinignan ko. Bawat butas, bawat kanto. I try to familiarize myself with the necklace. I don't know why am I doing this. But i'm hoping to get to wear this soon !

Pero Para kasing may kulang. Kung ano ? Di ko alam.

Para sakin, damang dama ko na mahal talaga ako ni Gerald. Mahal ko din naman siya. Pinapahalagahan at nirerespeto niya ako. Alam ko na sincere siya. Pero para kasing may kulang, hindi sa mga efforts niya pero para kasing may empty space.

Tapos tinitigan ko ulit yung heart na pendant. HEART NA PENDANT. Then biglang may pumasok sa isip ko.

Kinuha ko sa bag ko yung Heart-shaped stone. Pinagtabi ko sila. Eto. Ito ang kulang. I am not fully over with that kid yet. There's still a space in my heart who desires to meet that boy again. Siguro matatahimik lang tong puso ko kapag nalaman ko na masaya na siya ngayon.. Sana masaya siya, kasi ako masayang masaya. Asus ! Kinikilig po ako. :">

Patuloy ang pagtitig ko sa heart pendant at heart stone nang biglang may kumatok. Sira ! Ang moment.

"Pasok po"

"Nak, si Gerald, nasa baba" nakangiting sabi ni Mommy.

"Sige po. Susunod po ako" sagot ko kay Mommy.

Inayos ko muna yung kama ko, binalik ko sa lagayan yung necklace but this time, kasama na niya yung bato.

Inayos ko din muna yung sarili ko tsaka ko bumaba.

"Good Morning baby girl." salubong sakin ni Gerald.

"Ayos na ba pakiramdam mo ? Nagbreakfast ka na ba ?" tanong niya sakin.

Kinagat ko na lang yung labi ko. Di pa kasi ako nag.almusal.

"dok, kakagising ko lang po kasi, di pa po ako nagbreakfast. Ikaw ? Nagbreakfast ka na ba ?" sabi ko sa kanya. Yumuko lang siya.

"See ? Pumunta ka dito ng di ka kumain. Tsk tsk. Magkasakit ka niyan." asar ko sa kanya.

"Teka. You're the one who's sick here. Wag mo kong pagalitan." pabiro niyang sabi.

"How about.... uhmm... Sabay tayo magbreakfast ? Tara dali !" excited kong suggestion. Di siya nagreact. Instead, tinignan niya lang si Mommy. Tumango naman si Mommy.

"Ah eh .. S-sige ba. Game ako dyan. Yeah, g-game ako." sagot niya.

Halatang halata na nahihiya siya. First time kasi na kakain siya with my family sa bahay namin.

Tahimik lang siya habang kumakain. Ngumingiti, tumatawa pero hindi nagsasalita.

Pagkatapos naming kumain, umupo kami sa sofa sa may sala.

"Ahh, may sasabihin sa na ako sayo."

Ok. Kinakabahan ako. Mukha kasing seryoso yung sasabihin niya.

"Matagal tagal din akong nanliligaw. Di na ata ako makakapag-intay sa'yo. Sorry. Ititigil ko na ang panliligaw ko sayo. May iba na kong mahal. Let's separate ways na lang. Bye"

No ! Hindi pwede ! Sige na. OO na ! Yes ! Sinasagot na kita ! I Love You tooooo !

"Ah, baby girl ? Huy ! Sarah ?" sabi niya sakin. Tapos nagsnap siya ng kamay sa mukha ko.

"Ayy ! Ano ngang sabi mo ?" tanong ko sa kanya. Nakakahiyaaa ! Naimagine ko lang pala yun. Weeew.

"Sabi ko may sasabihin ako sayo" ulit niya.

"Ano nga yun ? Pasuspense ka pa kasi." sabi ko sa kanya.

"Ah eh. Matagal tagal din akong --" hala ! Yan din yung sinabi niya sa imagination ko ah ? Hindi kaya totoo yun ? Huhuhu. Natigil siya ng biglang tumulo ang mga luha ko.

"Teka bakit ka umiiyak ?" tanong niya sabay hawak sa balikat ko.

"Naiintindihan naman kita eh. Sabi ko na iiwan mo din ako. Dapat simula pa lang alam ko na na aalis ka rin." sabi ko sa kanya habang patuloy pa ring umiiyak.

Inangat niya yung ulo ko. Hinawakan niya ako sa baba at pinunasan niya yung mga luha ko.

"Sarah naman eh. You're making this hard for me. Ang hirap na nga eh." sabi niya sakin.

Edi tama nga ako ! Iiwan na niya ako. May iba na siyang mahal. Nilingon ko yung ulo ko. Inalis ko yung kamay niya.

"Maiintindihan ko nga diba ? Kahit hindi ok sakin iintindihin kong may mahal ka ng iba. Na ititigil mo na panliligaw mo sakin! Na hindi mo na kayang maghintay *sob* Kasalanan ko to eh *sob*" sigaw ko sa kanya pero hinarap niya ulit yung ulo ko sa kanya at hinawakan niya ulit ako sa baba.

"baby girl, ano ba kasing sinasabi mo ? Mahal na mahal kita. Wala akong iba. Di ko ititigil ! Kaya tumahan ka na dyan please. " sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

"Eh ? A-ano bang sasabihin mo ?" tanong ko sa kanya.

"sasabihin ko sana na, matagal tagal din akong mawawala. Start na kasi ng Star Magic Tour next week." sabi niya sakin. Shocks. Napahiya ako dun ah. Tapos lalong tumulo ang luha ko.

"Oh ? Bakit ka lalong umiiyak ? Di kit iiwan promise. Babalik din ako." sabi niya sakin.

"Nakakainis ka. Pinakaba mo ko !" tapos hinampas ko siya.

"Saan mo ba kasi nakuha yun ? Alam mo naman yung feelings ko sayo diba ? Hindi ako titigil. Tumahan ka na. Ikaw kasi, nagrereact ka agad." sabi niya sakin.

"w-wala. Akala ko kasi --" di niya ko pinatapos. Niyakap niya ko.

"Ang cute mo ! Kaya mahal na mahal kita eh" sabi niya sakin. Ako naman, syempre nagblush ! Hihihi.

Tapos inalis ko yung yakap niya.

"Teka, kelan ka aalis ? Sinu kasama mo ? Saan kayo pupunta ? Titira ? Kelan kayo --" tanong ko sa kanya pero di niya ko pinatapos.

"isa isa lang ok ? Sa isang araw ang flight ko. Kasama ko mga teleserye princes with pokwang and christine. Around US ang tour namin. Sa titirhan, di ko pa alam. 2nd week of May ang balik namin." sagot niya sakin. Pero di ako sumagot.

"Babe, gagamitin ko naman yung Ipad na binigay mo sakin. Pwede rin naman sa cellphone, tatawagan kita lagi Promise ! Gusto mo padadalhan pa kita ng sulat eh." sabi niya sakin. Gosh. Kinikilig ako.

"Kasama mo si ..." sagot ko nang nakayuko.

"Babe, just trust me ok ? I love you so much !"

*Nakakahiyaaaaaaa*

Y.O.U (Ashrald)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon