cHAPTER 28 "Gusto"

1.9K 17 0
                                    

[note: Sorry ulit ! Uhh. Comment naman kayo oh ! Pretty please ? Thanks ! Pavote na din, Thank you !!!]

Gerald's POV

"Sorry po Ms. Beautiful. Ito na po yung juice niyo." sabi ko sa kanya.

Pagpasok ko kasi sa dressing room, nakita kong parang may hinahanap siya sa ilalim ng table. Siguro nagtataka siya bakit walang juice. Well, that's part of my plan. Balak ko kasing ipaalala sa kanya yung times na nagshoshooting pa lang kami. The mango juice i used to give her and the Tapsilog i cooked for her.

"ayy mango juice !" napasigaw siya, nagulat siguro.

"hahaha. Nagulat ka ba Ms. Beautiful. Sorry, ito na po yung juice niyo" sabi ko sa kanya.

Tapos, hinampas niya ko sa balikat.

"Aray ! Bakit ? Ayaw mo ba ng surprise ko ?" tanong ko sa kanya.

Maya maya, medyo nagtutubig na yung mata niya. Umiiyak ba siya ?

"teka, bakit ka umiiyak Ms. Beautiful ?"

Tapos lumapit ako at pinunasan ng daliri ko yung mukha niya at niyakap siya.

"Ikaw kasi eh. Puro ka surprises" tapos humarap ako sa kanya para tignan yung mukha niya.

"Ayaw mo ?" I said with cute eyes.

"ah eh, gusto" tapos tumawa siya ng malakas with matching hampas sakin.

Tapos ako naman ang niyakap niya.

"Thank you."

***

"ehem ehem"

Di namin namalayan na pumasok na pala si Mommy Divine na kanina lang ay kausap ko para ipaalam tong surprise na ito.

"Ma, si Gerald po." sabi ni Sarah.

"Kilala ko siya anak." Sagot naman ni Mommy D. na nangingiti pa.

"hehehe. Ibig ko pong sabihin, si Gerald po may pakana nito. Yung pong mga mango juice kanina." sagot ni Sarah.

"Alam ko din yun anak." sagot ni Mommy D. Kitang kita naman sa mukha ni Sarah na nagulat siya.

"A-alam niyo po ?" she asked. Di pa nakakasagot si Mommy D, pumasok si Teacher G na hanggang ngayon ay umiinom pa rin ng juice.

"a-alam niyo rin po ?" tanong ni Sarah. Di naman sinagot ni teacher G ang tanong, instead, ngumiti lang siya at sinabing

"Magready na kayong dalawa at magsisimula na tayo." Ha ? Bakit kaming dalawa ?

"Kaming dalawa ?" sabay naming tanong ni Sarah.

"Opo, kayong dalawa." Teacher G answered then she walked out of the room.

"Excuse me lang po, may kakausapin lang po ako sa labas." nagpaalam ako kila Sarah at Tita Divine tapos lumabas na rin ako.Tinawagan ko si Ms. Nhila.

***

Ms. Nhila: Oh Ge ?

Ako: bakit di niyo po sinabi saking may rehearsal ako ngayon ?

Ms. Nhila: aa yun ba ? Eh nandyan ka na naman diba ?

Ako: Oo nga po. Eh bakit di niyo po sinabi ?

Ms. Nhila: Ah eh. Nasurprise ka ba ?

Ako: Sabi na nga ba !

Ms. Nhila: Haha. Gusto mo naman eh. Di ko na sinabi sayo kasi pupunta ka naman dyan. Naisip ko lang na isurprise ka. Oh pano, Enjoy !

***

Pagbalik ko sa room,

"An--" pinutol ko na yung sasabihin ni Sarah.

"Nagulat din ako. Sinurprise din ako ni handler." i said.

"So magkasama tayo sa prod ?" she asked.

"ayaw mo ba ?" i asked.

"wag mo kong sagutin ng isa pang tanong" she said.

"Ayaw mo nga ?" sabi ko habang papalapit sa kanya.

"ha ? Ah eh"

"Ayaw mo ?" papalapit pa rin ako ng papalapit.

"ah eh" sabi niya.

"Ayaw mo ?" hawak ko na yung kamay niya at magkalapit lang ang mga mukha namin habang nakatitig kami sa isa't isa.

"Gusto".

Y.O.U (Ashrald)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon