CNW 32: Underwater (III)

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng inis. Siguro dahil sa kanya kaya ako iyong pinagbubuntungan ng sama ng loob ni Dustine? Siguro dahil sa kanya kaya't badmood si Dustine? O siguro dahil sa kanya kaya't nakakaramdam ng iba si Dustine?

I mean, I know him. He's the type of guy who doesn't care about others outside his circle. Hindi ko rin alam kung bakit ako nainis. Siguro… dahil kahit pilit ko iyong isawalang bahala, ay nababahala ako dahil… baka mapunta sa kanya ang atensyon ni Dustine.

Call me selfish, pero ayokong may kahati ako ng atensyon dito sa mga lalako namin. Gusto ko kami lang ni Yvonne!

Maybe Red saw my annoyed face that's why he messed my hair. “Don't worry, hindi nya kinukuha si Dustine mula sa'yo dahil sya mismo ang umaayaw dito.” Rinig ko ang tuwa— sa pang asar na paraan mula sa boses ni Red. Para bang natutuwa ito at may nakakapagpatino sa Dustine namin. Pwes, ako hindi!

“Pero kalabanin nya muna ko! I'll set a duel!” Desidido kong sabi na ikinatawa nya.

“Princess, no offense pero level pa lang, talo ka na.”  Tumingin ako sa kanya at sinamaan  ito ng tingin. Mas lalo itong napahalakhak. Sa sobrang inis ay inunahan ko na ito at iniwan itong tawa ng tawa.

“Ewan ko sayo, kuya!”

***

“Tahimik ka yata?” Nakakunot-noo kong binalingan ng tingin si Stanley. Napalangoy naman ito palayo at napataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko. “Oh, 'wag mo sa'kin ibuntong ang galit mo.” Natatawa nitong sabi. Inirapan ko na lang sya.

Hanggang ngayon kaso ay gumugulo pa rin sa'kin yung sinabi ni Red. Si Dustine? Ang pinakamasungit na kilala ko, ay may natitipuhang babae dito? Wow ha! Hindi ako papayag! Sa'kin lang sya!

“Ano ba yung iniisip mo?” Tanong ni Stanley at umupo sa tabi ko. It's a bench which looks like a mushroom. Kulay violet ito at malambot na parang couch. Well, right now, I'm sulking.

Ngumuso ako at niyakap ang buntot kong sirena. “Dustine likes a girl daw. Kilala mo ba kung sino?” Humarap ako sa kanya at nakita ko ang pagngisi nya.

“Oh, Demon? Well, natatawa nga ako sa kanila.” Tumawa ito ng mahina. “Dustine wants her attention but the latter is pushing him. What do you expect? Cold plus colder is equal hell freezing.” Sabi nito habang nakatanaw sa malayo.

Tinagilid ko ang aking mukha at isinandal ang aking pisngi sa aking buntot, nakatingin sa kanya. “Who's Demon ba? At paano iyon nangyari?” Curious ako, ha. Sobra. Walang wala na talaga akong alam sa kanya.

“Demon from Hellfire.” Simple syang sagot at napasimangot nang banggitin ang guild nila. “Well, it started when we had a quest together. Actually nagkita lang talaga at hindi namin ineexpect na makakasama namin sila. You were in your room back then, sulking. Mabuti nga at hindi ka sumama.” Binulong nya lamang ang huling salita na sobrang hina kaya't hindi ko naintindihan. Pero ang focus ko ay nakay Dustine at Demon daw ang username kaya't pinagsawalang-bahala ko nalang iyon.

“I really don't know what happened, pero ang alam ko'y si Demon lang ang tumatanggi kay Dustine. Baka nachallenge, ayon.” Dagdag nya. Napatango-tango ako.

“Ano ba 'yung tinatanggihan?”

“Couple request.” Natatawa nitong sabi. Nanlaki ang mata ko at halos mapanganga.

“What?!” Biglaan kong sabi sa gulat. What! No!

“You heard it right.” Muli ay tumawa si Stanley habang ako ay hindi makatawa. Couple request? Bwisit na Dustine!

Bigla akong tumayo. Napatigil naman si Stanley. “Oh, saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong nya at ang mapaglaro nyang ekspresyon kanina ay napalitan ng pagtataka. Saglit ko lamang syang binalingan.

Conquerors of the New World ✓Where stories live. Discover now