CNW 31: Underwater (II)

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi naman nagtagal at ang akala ko'y walang katapusang kadiliman sa ilalim ng tubig ay unti-unting nagliwanag. Para bang nasa loob kami ng madilim na kweba at biglaang nakakita ng maliit na liwanag. We swim and swim to that source of light until I was left with mouth agape.

“Oh my god…” Sabay naming wika ni Yvonne nang makita ang kapaligiran dito.

Down there, are city with different color and kinds of sea animals— fishes, jellyfish, name it! Ang nakakatuwa ay grupo-grupo itong lumalangoy sa paligid at ang iba'y may kulay pa!

The city was also wonderful! Mushroom-like houses with blue color that is shining are everywhere! Para itong mga mushroom na magkakadikit na may mga pinto at ang mas nakakatuwa ay ang mga sirena na lumalangoy-langoy! Hindi ko maexplain ng maayos kung anong aking nakikita ngunit para ba itong paraiso sa ilalim ng tubig!

Sea plants are also moving with rhythm along the fishes. If I'm not mistaken, I saw dolphins with light blue scales which is also shining! Sa pinakagitna ay ang pinakahighlight mismo.

It was a palace. Kulay blue rin ito ngunit mapapansin ang kakaibang asul na liwanag na nanggagaling sa taas at para bang falls na nahuhulog sa ibaba kung saan may… lawa? What? Isang lawa sa ilalim ng tubig? But the thing is, the water inside of that was different. Ang kulay na nandon ay ang kulay na galing rin mismo sa pinakataas na palasyo at nagulat ako dahil sa fountain na nasa harap nito, kaparehong-kapareho sa fountain na biglaang lumabas sa aming paaralan nang magsimula ang lahat ng ito.

“Wait.” Pagpigil ni Stanley sa pagbabalak kong mas bilisang lumangoy dahil sa kuryusidad. Doon ko lamang napansin ang dalawang shokoy… errr… ano bang dapat kong itawag sa kanila? Basta, may dalawang shokoy warriors na papunta sa aming gawi at may hawak silang lancer.

“Are you from Anonymoųs?” Biglang tanong ng isa. Tumango ako. Nagharap ang dalawa at may binigkas na kakaibang lengguahe na naintindihan ko kahit hindi ko alam kung paano.

“How can we confirm if they're really from Anonymoųs?”

“Maybe it's just some kind of deception again to get the scroll which is already stolen from our queen.” Tumaas ang kilay ko sa aking naintindihan.

“The scroll was stolen?”

Sabay na napatingin sa akin ang lahat nang marinig ang aking sinabi. I don't know if it's a good thing or bad because I saw my friends' curious stares, but the two shokoy warrior became alerted because of what I did.

“How come you understand our language?” Nakita ko ang mas lalong pag alerto ng isang shokoy warrior dahil sa aking ginawa. Napanganga ako at mabilis na nataranta. Oh my…

“Are you a—”

“I'm not a spy from another kingdom!” Mabilis kong sabi sa kanila. Which. I think. Is. A. Very. Wrong. Move.

Nagmukha akong defensive na dahilan upang mas maging alerto ang mukha ng mga ito. “Only those who live in this dungeon knows how to understand our language.” Oh god.

“I—I really don't know how I understood what you were talking even with your own language.” Pang aamin ko dahil iyon naman ang totoo.

Nanliit ang mata ng dalawa kaya't mabilis kong inangat ang kaliwa kong kamay at pumormang nanunumpa. “Promise!” Mabilis kong sabi, na dahilan upang mahinang matawa si Yvonne mula sa likod.

I felt Stanley gripped my right hand before I heard him whispered. “Right hand ang ginagamit natin kapag tayo'y nanunumpa.” Ngunit bumulong rin ako pabalik.

“Kung sana binitawan mo ang kamay ko, baka naitaas ko pa.” Totoo naman kasi, hawak hawak pa nya, eh!

“What are you both whispering?” Mabilis kaming napaayos ng tayo… kahit hindi kami nakalapag sa lupa, nang marinig ang sinabi ng isang shokoy warrior. I bit my lowerlip as I gave them my super sweet smile.

“We're here to help and get the scroll that we need, not to harm your kingdom. And promise, we're from Anonymoųs guild. You can call the captain, ShadowHunter, to fetch us.” Kahit matapos magsalita ay nakangiti ako ng sweet, kahit namgangalay na ang gilid ng bibig ko, sa totoo lang.

Nakita kong nagkatinginan ang dalawa bago nag usap sa kanilang lengguahe. I heard that the other shokoy is asking the other one to fetch Dustine. Napahinga naman ako ng malalim kahit nandito sa tubig nang makita kong umalis palayo ang isa habang ang isa ay muling bumaling sa amin at binabantayan kami. Kuya shokoy, please lang, pagod na po akong ngumiti.

Hindi nagtagal ay bumalik na ang isang shokoy warrior na kasama si Dustine. Nakita ko ang gulat sa mukha nito nang makita ang aking ayos, bago nito kinausap ang dalawang shokoy warrior at sinabing kasama nga nila kami. Nang maniwala ay pinayagan na kaming lumangoy paibaba, ngunit bilang shokoy warriors, nakabuntot sila sa amin.

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Stanley at mabilis na lumangoy kay Dustine. Nakita ko pa ang pagsimangot ng isa ngunit hindi ko nalang pinagbigyan ng pansin. Bumulong ako kay Dust. “Nanakaw daw ang scroll, ano pang ginagawa natin dito?” But he just look at me.

“I heard you did a trouble again.” Naniningkit ang matang sabi nito. Ngumuso ako sa kanya at humalukipkip.

“Trouble na 'yon? Naintindihan ko lang naman yung lengguahe nila.”

“And why was that?”

“Aba malay ko!” Humarap ako sa kanya at sya naman ang pinaningkitan ng mata. “Lagi mo nalang akong binubully, Kuya Dust. Dunagdag kapa sa dalawang shokoy warrior na 'yon. Hmp!” Parang bata kong sabi na ikinatawa nito.

“Shokoy warrior? Pffft—” At napatakip pa ito ng bibig. I heard the others laughed from our back while Weston started coughing like he choked with his own saliva.

Grabe, grabe!

“But I wasn't informed that you have that skin.” Dustine suddenly said. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng malaki.

“Really? Ako rin.” And with that, inunahan ko na sila sa paglangoy.

***

“Yes, it's true that the scroll was stolen.” The Queen, Ariel, confirmed those two shokoy warriors were talking earlier. Nagkatinginan kaming magkakaguild. What to—

“But that's your quest. Give me back my scroll before I give it to you with rewards. It's like hitting two birds in one stone, right?” Ariel sweetly said with a smile. Hindi ko alam ngunit parang may mali. Muli ay nagkatinginan kami. Wala kaming ibang choice kung hindi ang gawin ang gusto nito, 'di ba?

“Who stole it?” Red asked. Nabaling ang atensyon ng reyna dito bago huminga ng malalim.

“The king of another kingdom, Eric.” Tumaas ang kilay ko sa aking narinig. I thought it was only coincidence that her name is Ariel, but was it coincidence that the other kingdom's king's name is Eric? Ano 'to, little mermaid lang?

“We accept your quest.” Lahat kami ay nagtinginan kay Dustine sa biglaan nyang sinabi. Nakita ko ang paglaki ng ngiti ni Ariel bago nya sinabing maaari na kaming makaalis.

Nang makalabas kami ay lumangoy ako palapit kay Dustine. “Why did you accepted it? Pwede namang humanap tayo ng panibagong lugar—” Naputol ang aking sinasabi ng seryosong humarap sa akin si Dustine.

“Don't ask. Do what I said.” Sabi nito at lumangoy palayo sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay kahit na alam nyang hindi ko nakikita. Wow ha. Fine, then!

“Don't mind him. Seryoso lang 'yan at para makaattend tayong lahat 'don. Isa pa'y hindi kailangang paalis-alis tayo. We'll do it because we're here ar first. Nauna tayo sa iba kaya't dapat ay mapasaatin ang scroll.” Red stared explaining on my side. Tumingin ako sa kanya at ngumuso.

“I know… pero—” I was about to say it when he put his forefinger in front of his mouth, saying that I should keep quiet. I sighed even at underwater. Fine! Tatahimik na nga ako.

Huwag ko lang malamang totoo ang haka-hakang iyon dahil papasabugin ko ang napakagandang paraisong ito. Psh.

---
Guysssss! Need some help! Huhuhu.
Kung sino man po magbabackread (or rereading) sainyo, pwede po bang tulungan nyo kong hanapin yung mga salitang COAT dahil ang totoo po'y CLOAK pala dapat (ang tanga ko buset huhuhu) sorry po, cloak po talaga yung naiimagine ko at kanina lang talaga ako nagsearch about dyan (kanina ko lang din nalaman yung name :<) sorryyyy :( and please help me (mag inline comment nalang po kayo kung saan merong COAT na nakalagay para malaman ko kung nasaan at mabago ko po. Huhuhu. Thank you sa mga tutulong!! 😭💞

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon