Nang makarating kmi sa 3rd floor ay lumabas na kami at kinaladkad nanaman niya ako ulit. Tumigil kami sa pinakadulong kwarto. Binuksan niya ito. At tumambad sakin ang lalaking pula ang buhok at ang dalawa pa nilang kasamahan. Half naked si Red haired boy. Tumutulo pa ang pawis nito na dumadaloy sa mababato nitong dibdib at sa abs niya. Napalunok ako ng bahagya.



"Knight. Magaling. Nakita mo siya." ngumiti siya. Lumabas nanaman ang dimples niya. Lumapit siya samin. at tumingin saakin pero dahil matangkad siya ay yumuko siya ng kaunti para magpantay kami.


"We meet again shortie."



Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Akmang tatapakan ko siya ulit pero agad niya akong tinulak. Tumawa siya.


"Akala mo ha." tumingin siya sa mga kasama niya. Tumango siya s mga ito. At nagsitayuan ang mga ito at lumabas ng kwarto. Nang makalabas ang mga ito ay unti unti siyang nilapitan ng binata.


"Selene Villareal. Walang bahay. Sa lansangan natutulog. Kailangan ng trabaho. Scholar sa Trinity. Walang nagsusuporta. Walang pamilya. Kailangan mo ng pera at trabaho diba?" mas lumapit pa siya. Papalapit ng papalapit. "Ako kaya kitang bigyan ng trabaho..napakadaling trabaho." hinaplos niya ang buhok ko pari ang pisngi ko. Bahagya akong kinilabutan. Ma lumapit pa siya. Umatras lang ako ng umatras hanggang sa napaupo ako sa sofa. Lumapit siya sakin. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa gilid ko at mas lumapit pa lalo sa mukha ko. "Madali lang to,mabilis lang Selene." bulong niya sa tenga ko. Halos malaglag na ang puso ko sa kaba. Nanginginig na ang kamay kong nkapatong sa mga hita ko. Nanlalamig nadin ako.


Bigla siyang tumawa ng napakalakas.



"Hahahaha! Nakakatawa ang itsura mo! Tense na tense ka a. Sana nakunan ko ng litrato." lumayo siya sakin at tumawa ng tumawa.



Tumayo ako. Nakakainis. Tinakot niya ako. Kumuha ako ng unan at binato ko sakanya.


"Lintek ka. Humanda ka sakin!" binato ko ang lahat ng unan sakanya. Tumakbo siya kaya hinabol ko siya. Naghabulan kami sa buong kwarto.


"Tama na. Tama na. Hahahaha" pasalampak siyang umupo sa sofa. Maging ako ay ganun din. Hinihingal kami sa sobrang habulan.




"Pero seryoso nga Selene. Bibigyan kita ng trabaho." nawala ang mapangasar na itsura nito. Sumeryoso ang mukha niya.



"Bakit mo ako bibigyan ng trabaho?" naguguluhan kong tanong.


"Bakit ba ang dami mo pang tanong? Gusto mo ba o ayaw mo? Wag kana mag-inarte pa. Kailangan mo to. Kesa naman magpakalat kalat ka sa lansangan. 30k a month ang sweldo. Stay in ka. Personal alalay kita. Take it or leave it?" nanlaki ang mata ko. 30k a month. Stay in? wow! Instant pera yun a. Pero kung kagaya niya ang amo mo. Parang ayoko ata.


"Simula palang yan. Pag nakatagal ka ng 1 week, gagawin kong 40k yan. Ano? Mag-iinarte kpa ba? Sasamahan mo lang naman ako sa mga gig ko. Tutor kita. Tapos wala na. My 40k kana agad. Hindi kna mamomblema ng kakainin at tutulugan mo. Binibgyan kita ng tulong. Kaya kung ako sayo tatanggapin ko na." marahil ay tama nga siya. Pero bakit namn niya ako tutulungan. Ganun naba ako kaawa awa para kahabagan. Mukhang wala akong choice para ayawan. Huminga ako ng malalim.


"Sige tinatanggap ko."



At ngumiti ulit siya.






**

Nakasakay ako sa kotse niya.Sabay kaming papasok. Personal alalay nga daw niya ako kay dapat lagi akong nasa tabi niya.


Sakay kami sa Nissan Skyline niya. Nkakasano ang itsura ng kotse sa loob. Paano ba naman kasi jeep pedicab o tricycle lang nasasakyan ko.




Kaya buong byahe. Nganga lang ako.  Tumigil kami sa harap ng school para ipa-valley yung kotse.


Hinawakan niya ang kamay ko. Habang sa kabila ay hawak ko naman ang bag niya. Halos nkatingin ang lahat samin. My mga naguusap sa gilid. Nagbubulungan. Sinalubong kami ng tatlo pa niyang kasama.

Isa isa silang nagpakilala.

"Ako si Knight Arevalo." sabi nung lalaki na dumampot sakin kahapon.


"Nyx Uytingco. " sabi nung lalaking medyo payat. Singkit at maputi. Medyo seryoso siya.

"Hades Yuchengco." Para siyang bata pa. Medyo maliit din siya. Nakangiti siyang nakatingin sakin. Ang cute niya.



"Sila ang mga kabanda ko. at ako si Chaos Del Martin."

Until You Are MineWhere stories live. Discover now