Chapter 23

1.1K 26 0
                                    

Stacey's POV

Hindi na ako makapaghintay na ibalita ang good news.Kanina habang naglalakad ako sa mall may isang napakapormal na lalaki ang humahabol sakin,akala ko nga nung una makulit na agent kaya hindi ko pinansin,pero talagang sinundan ako palabas ng mall,medyo creepy na kaya hinarap ko na siya.

"Kanina po pa ako sinusundan Mr!Para sa kaalaman mo,wala akong pera para pangpundar sa kung ano mang insurance or credit card na aalukin mo"prangka kong sabi.

Natawa siya sa sinabi ko,namewang ako at tinaasan ko siya ng kilay.

"Ms.Stacey right?Iam a talent manager from Cuddles,isang sleepwear company"Sabay abot ng calling card niya.

Sinuri ko ng maigi ang card,mukhang legit naman.

"If it is okay with you,let's go to the coffee shop so you can consider my offer"sabay ngiti niya.

Hmm..Public place naman kaya

I gave it a chance.Wag lang sana networking to talagang uusok ang ilong ko.

Sa coffee shop...

"Hindi naman ako sikat na model,bakit ako ang kinuha niyo?"something fishy,hindi din naman ako nagpopost ng portfolio sa social media.

"One of your previous clients referred you,and just like they said,you look very beautiful.NapakaAngelic ng aura mo"hahaha.parang lumaki yata ang ulo ko don ah.

"HAHAAHA!kaw naman!ang lakas mong mambola!Hmm..teka magkano ba ang kikitain ko dito?"seryoso kong tanong.

"Fifty thousand per shoot,may kasama pang condo at company car"Proud niyang sagot.Napanganga ako sa offer.

"Wow!Seryoso ba ito??"halos mahulog ang panga ko sa gulat

"Yes,you can read this contract para malaman mo na we are a legit company"inabot niya sa akin ang kopya ng contrata,agad ko naman itong binasa.Legal naman.total wala naman akong sideline ngayon..Ang laki ng offer..

"All it need is your signature and we're done"He smiled at inabot ang ballpen sa akin..

"Hmm.pwede bang pagisipan ko muna??"Dapat hindi ako padalos dalos..Mahirap na..

"Pero Ms.sayang naman,marami kasi ang willing at naghihintay sa offer na iyan.If you will not take it now,ibibigay namin to sa next in line sayo ba sikat na instagram personality"Pag sasaad niya.

Hay..sige na nga.I will give it a chance baka pera na maging bato pa.

Agad kong pinirmahan ang kontrata.

"Oh,ayan walang bawian ah!Kelan ba ako magsismula?"Abot tenga kong ngiti pagkatapos iabot sakanya ang pirmadong kontrata.

"Next week,aayusin ko muna ang condo,compant car at aayusin din namin ang image mo bago ka isabak sa photoshoots,You need to look perfect in evert inch"sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.

"Grabe naman,pero sige sige papayag ako basta walang plastic surgery hah"

"Of course Ms.Stacey you dont need it naman eh,just with the styling"He smiled.

"Oh sige sige,I need to go back to the office na may iba pa akong meeting with a model,this is my calling card,andiyan din ang company address,tatawagan kita kung kelan ka magrereport sa office okay?"paalam niya.

*end of flashback

Bat ginabi yata si Ethan ng uwi ngayon,saan kaya siya nagpunta?Napapanis na ang excitement ko.

The Wife KillerOnde histórias criam vida. Descubra agora