"Naiba na ba ang tingin mo sa kanya ngayon dahil lang dun? Akala ko ba sinabihan mo ako dati na pag bumibisita dito sa'yo ay iwasan ko siyang makausap at makasalubong?"

"Ah oo, pero hindi lang naman para lang sa'yo yun, para yun sa lahat ng mga kaanak or kakilala naming , mga katulong dito sa mansyon ng gobernador. Pero mukhang mabait naman pala si Samantha, hijo."

"Well...we'll see." Tumayo siya at tiningnan ang kanyang Nokia 5110. Kanina pa niya hinihintay kung may textback na ang kanyang boss sa bankong pinagtatrabahuan ng part time. "Nay, wala na namang signal ang cellphone ko dito sa kwarto mo..."

"Naku oo, alam mo namang mahirap ang signal pag andito ka na sa loob. Lumabas ka nalang doon at sumagap ng signal."

"Ikasiyam ka ng naghahanap ng librong yan. Sorry but everything's used now."

"Ho? Wala na ang Advance Philosophy Fundamentals book? But Mrs Fructouso, I badly need it. Bigla pong nachange ang deadline ng research namin hanggang bukas!"

Hindi man lang si Say tinapunan ng tingin ng kanilang matandang librarian. Busy pa rin ito sa pagsusulat sa kung anong nasa harap nito.

Nang magtinginan ang iilang estudyante sa loob ng library ay napayuko ng konti si Say. Napalakas pala ang boses niya nang tawagin ang pangalan ng librarian.

She seldom goes to the library. Hindi dahil sa hindi naman siya nag-aaral kundi dahil may sariling library ang mansyon ng mga De Plaza at kalimitan doon na rin siya nagreresearch, besides the use of the internet. The problem was that talagang hindi na makakaya kung pagpapaliban pa niya ang pagreresearch dahil mamayang gabi ay may practice pa sila ng squad niya kaya mauubusan na siya ng oras. She may be the Governor's daughter pero ayaw pa rin niyang mapahiya kung masabihang nabagsak sa Philosophy class.

"Mrs. Fructouso, please...please can you do something about this?"

"Yes. Tell you to wait until everyone's done using it, Miss De Plaza."

"Maam naman...Sege na please, kahit ipo-photocopy ko nalang."

"Hindi ko alam kung nasan na yung naghiram na iba pero ang huling nanghiram ay ang lalaking iyon, iyong nakaupo sa dulo...ang nakatalikod."

"Lalaki? " Sinundan niya ng tingin ang itinuro ng matanda at nakita ang lalaking nakaupo, nakatalikod tatlong dipa mula sa kung saan siya nakatayo. Pang-isahan ang mesang inuupuan nito, ang mesang nasa bahagi ng wall ng library. "Ah okay sege, lalapitan ko nalang siya at for sure ipapahiram yun sa akin. "

Oh sure that boy will definitely lend that book to me...

She puts her sweetest smile as she strut her legs walking near the guy's table. Nang makarating ay mabilis niyang ipinatong ang Louis Vuitton handbag sa mesa nito saka nagsalita.

"Hi! I need that book. If you would be so sweet and understanding, may I have it?"

Say prepared to see someone who'd look at her delightfully, pero nang iangat ng lalaki ang ulo nito, she saw a less than happy face. And then she recognized, it was the nameless janitor guy last night in the gym.

He just glared at her beautiful face na para bang naghihintay na may tutubong plants sa ulo niya.

"Oh, it's you from last night. Pwede pa lang pumasok ang isang -- forget it, pwede bang ako muna ang gumamit sa libro? I badly need it. Like right now."

"I am still using it." Muli nitong binalik ang mata sa binabasa at tila gusto siyang paalisin.

"But i told you...I NEED IT." Nilapit niya pa ang mukha sa mukha ng lalaking ni hindi man lang yata natatablan sa kanyang kagandahan o kasikatan. Kagabi pa ito ganito sa kanya, hindi siya kinausap o pinansin. Bagong janitor ba ang lalaki at hindi alam na 40% ng university ay pag-aari ng pamilya niya?

"Kung hindi mo naintindihan ang sinabi ko, ang sabi ko - ginagamit ko pa, Miss."

"Hindi mo ba ako kilala? I am –

"...Samantha Yvette De Plaza. That's your name. It doesn't say in the book that you own it - so back off."

Narinig ni Say na may nagtatawanan na sa likod niya at ang ilan ay pumapalakpak ng patago. Umagaw ng atensyon ang sinabi ng lalaking ito sa iba pang nasa loob ng library. She normally doesn't need to use any of her authoritative power dahil alam nyang konting smile nya lang ay hinahayaan na siya ng lahat na gawin ang gusto niya. But the guy must've lived somewhere out of Planet Samantha that he doesn't even care kahit napapahiya na siya ngayon. Mabilis niyang hinablot ang katabing upuan sa gilid at umupo ng sobrang lapit sa lalaki. Dahil ayaw magsalita ng malakas ay inilapit nalang ng mabuti ni Say ang mukha at nagsalita dito.

"Whoever you are, for sure you knew about 'ladies first philosphy'. Kaya magpakagentleman ka dahil In the Medieval European rule in Philosophy, it defines who had the right to precede others and –"

"...higher rank before lower rank, clergy before laity, old before young, male before female?"

Napatigil saglit si Say nang marinig ang saktong idinugtong nito sa research niya.

Alam niya? He seems to be smart for a janitor...Estudyante ba siya dati na may konting nalalaman tungkol sa –

Hindi na natapos ni Say ang iniisip nang makitang ang lalaki naman ngayon ay inilalapit ang mukha sa kanya at nagsalita.

"Kung nag-aaral ka talaga ng medieval philosophy, you should know that by heart those men only gave up their right to precedence only because they wanted to be nice. It has become a courtesy rather than nicety. But this isn't medieval period, my queen, this is 2008. At kung nakikita mo ay busy ako nang dumating ka. Kung kailangan mo ito ay kailangan ko rin. If I waited for an hour before this book was available, you should wait too. Now if you still can't understand what I meant by that - it means be patient. Dahil hindi lang ikaw ang importante. You get it?" Tiniklop nito ang libro at iniwanan siya.

Nagpupuyos ang kalooban na gustong sundan ni Say ang lalaki pero nag-iisa siya ngayon. Ang mga kaibigan niya ay nasa kani-kanilang mga classes.

Nakakainis ka na janitor! Why is he so mad? Dahil pa rin ba ito sa nangyari kagabi sa gym?

The Governor's Daughter (Complete)Where stories live. Discover now