Chapter 1

166 23 3
                                    

Lucas' PoV

❝Happy 3rd anniversary, my fiancé. I love you. 3 days nalang bago ang kasal natin, excited kana ba?❞ Hinalikan ko siya at binigay ang regalong inihanda ko para sa kanya. Tatlong taon na kami, at tatlong araw nalang ay kasal na namin. Hindi na ako makapaghintay sa kasal namin ni Phoemela.

❝Thank you, Lucas! I love you too! Oo, excited na excited na! Hihi.❞ niyakap niya ako at binigay niya rin ang kanyang inihandang regalo para sa'kin.

Nasa condo kami at magkasamang kumakain sa isang table nang may biglang may nag-ring na phone, chineck niya ang cellphone niya at nagpaalam na sasagutin niya lang iyon.

Pagkabalik niya, ❝Ahm.. Lucas? Pwede bang umalis muna ako? May kailangan kasi akong puntahan.❞ saad niya.

❝Mas importante ba 'yan kaysa sa 3rd anniversary natin?❞ walang gana kong sagot habang nakatingin lamang sa pagkain.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod, ❝No, this is one of the most important date for me, Lucas.❞

❝Pero bakit aalis ka?❞

❝May emergency lang, pleaseeee.❞ pagmamakaawa niya habang halik nang halik sa pisngi ko.

❝Fine.❞ kumalas ako sa pagkakayakap niya at tumayo at humarap sa kanya, ❝Anong oras na?❞ tanong ko.

❝10:30 PM❞ sagot niya.

❝Bago mag-12 dapat nakabalik kana dito, okay?❞

❝Yeyyy! Salamat, I love you!❞ Niyakap niya ako at hinalikan. ❝Magi-ingat ka ah? I love you too.❞

❝Opo!❞ kinuha niya ang bag niya at nagmadaling lumabas.

Wala akong gagawin dito, kaya susundan 'ko nalang siya.

Ilang segundo, lumabas ako at pumuntang parking lot. Kaaalis palang nang kotse niya, sumakay agad ako sa kotse 'ko at sinundan siya.

11:09 PM.

Halos kalahating oras din bago huminto ang kotse niya sa harap ng isang malaking bahay.
Hindi sa kalayuan ay huminto ako at tinignan siyang lumalakad papunta sa may pinto, kumatok siya at may nagbukas nito. Pagbukas ng pinto, agad siyang niyakap ng lalaki at naghalikan sila. W-who the hell is that!?

Pumasok sila at dali-dali akong pumunta sa may bahay na 'yon. Hindi na ako nag alinlangan kumatok at binuksan agad iyon, pumasok sila sa isang kwarto dito sa baba. Agad akong pumunta do'n at dahan-dahang binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin ang dalawang taong gumagawa ng milagro.

❝P-phoemela?❞

Nagulat sila nang magsalita ako... ❝Lucas... I can explain.❞ saad niya habang tumatayo at sinusuot ang damit.

❝Babe? Sino 'yang tukmol na 'yan?❞ singit ng lalaking kasama niya.

❝Elijah, shut up!❞ sigaw niya sa kasama niya.

Lumabas ako ng bahay... Tumakbo ako... Tumakbo ako nang tumakbo... Tumatakbo ako habang may mga lukhang pumapatak mula sa aking mata. Napahinto ako at napatingin sa may ilaw na papasalubong sa akin.

11:11 PM.

Biglang lumabas sa isip ko ang mga masasayang ala-ala na kasama ko si Phoemela. Bakit? Bakit niya nagawang maghanap ng iba? Hindi pa ba ako sapat? Hindi na ba siya nasisiyahan sa akin? Bakit?

Sana hindi nalang nangyari ito. Sana hindi ko nalang siya sinundan. Sana naghintay nalang ako sa condo, edi sana nagkita pa kami mamayang 12 at nagsasaya.

Hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

Sorry kung hindi ako naging sapat. Mahal na mahal kita. Paalam na, Phoemela.

Unti-unting nagdilim ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.

11:11Donde viven las historias. Descúbrelo ahora