[3] Sorry

5.1K 142 25
                                    

Ysalline's POV

"Lespugue" huling tawag ko ngunit di na siya lumingon at binato na lamang ang envelope na hawak niya.

Nakaramdam ako ng hapdi sa puso ko tila ay pinupunit ito. Galit siya sakin for sure. I never thought na mas papaniwalaan niya ang nakita niya kesa sa ipaliliwanag ko.

Unti-unti siyang nawala sa paningin ko at kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko. Isang kababata para sa akin si Lespugue. Importante sakin na nagtitiwala siya sakin, dahil importante siyang kaibigan.

Halos nagusot na ang pantalon ko sa pagpigil ko sa hikbi ko. May mga estudyanteng nagdadaanan at pinaguusapan ako. Oo nga, isa akong malakas sa harapan nila pero nandito ako sa sahig, humihikbi at umiiyak...

Masyado yata akong nakampante dahil akala ko malakas ako pero nagkamali ako, mahina ako sa mga kaibigan at pamilya ko.

Isang anino ang natanaw ko sa malayo, ito ay papalapit sa akin, bagama't nanlalabo na ang paningin ko, makikita ko na ang bwiset na playboy na yun ang papalapit sa akin. Inis kong tinanggal ang bahid ng luha sa mga mata ko at agarang tumayo bago pa siya makalapit.

Hindi ko inantala ang may galos kong paa. Mahapdi siya pero nakaya ko pang maglakad hanggang kung saan itinapon ni Lespugue ang folder na hinagis niya kanina.

"I guess, hindi mo ata kaya" may malamig na tugon ang bumalot sa atmosphere ko. Tiningnan ko siya at hindi na siya nakatwalya, nakabihis na talaga siya

Hindi ko siya pinansin at binuksan ang folder na hawak ko. Profile ito ng mga frats sa dati kong school. Inilagay ko ito sa bag upang pagaralan mamaya.

Nakaramdam ako na umalis na ang cold na playboy na yun sa tabi ko at nakahinga naman ako ng maluwag.

Naghanap ako ng taxi sa labas at agad na sumakay rito. Pupunta na lang ako ng bahay para magpagaling. Ang sakit ng paa ko.

Sa pagkarating ko ng bahay ay sinalubong agad ako ni mama. Alalang alala dahil iika ika ako sa paglalakad. Damn! Hindi ko expected na sa simpleng pagkadapa at pagkatalisod lang ay mahapdi shit!

Abala ako sa pagtanggal ng sintas ko nang may marinig akong kilalang tinig.

"Tita, handa na po ang---" napahinto ang nagsasalita sa kanyang sasabihin ngunit batid ko na si Lespugue ito. Naparito at tinutulungan si mama. Napatingin ako sa mata niya pero agaran siyang umiwas ng tingin. Wala nang hahapdi sa pagiwan niya sa akin doon na mukhang tanga.

"Oh lespugue, tulungan mo naman si Yssay na lagyan ng yelo ang kanyang paa, mukang napilayan. Habang ako naman ay maghahanda ng meryenda" bilin ni mama kay lespugue. Napatingin uli ako kay lespugue na nakatingin sa aking paa, kinuha niya ang yelo at idinampi ito sa paa ko.

Shit! Ang sakit! Pinipigilan ko lang ang sarili ko na humiyaw sa sakit, napakaawkward na hinahawakan niya ang paa ko.

Shit! Damn! Argh! Bwiset talaga!

"Napano ito?" Walang buhay niyang tugon na hindi man lang tumingin sa akin. Diniinan niya ang paglagay ng yelo at napaaray na talaga ako.

"Aray!" Hiyaw ko.

"Ano nga" banggit niya muli

"Natalisod ako sa kahahabol sayo! Napasama ang bagsak ko! " hinigit ko ang yelo sa kanya at inilagay iyon sa paa ko.

"Nasarapan ka ba?" Mapangasar niyang tanong ang bumungad sa akin. Naiinsulto ako na hindi pa niya ako pinapakinggan. Alam ko na ang tinutukoy niya ay ang nangyari sa school kanina. Isang sampal lang ang isinukli ko sa kanya. Mahapding sampal. Pero napagtanto ko na magsosorry din dapat ako. Lumunok ako at binuhay ang matapang na ako

"Paano mo nasasabi yan nang hindi mo ako pinapakinggan? Bakit mas paniniwalaan mo ang nakita mo na kakarimpot lang? Nakita mo ba ang totoong nangyari para humusga?" Mga tanong ang isinukli ko sa kanyang tanong. Masakit isipin na kinukwestiyon ko siya sa lahat ng ito. "Ni hindi mo man lang ako pinakinggan at hinayaan lang doon. Sa tingin mo, maniniwala ako na may tiwala ka sakin?" Isang luha ang bumagsak sa pisngi ko. Damn!

"Thank you for that explanation, you are forgiven" galit niyang sagot na mas kinainis ko. Pinunasan ko ang luha ko para buong loob na magpaliwanag sa kanya. Napahalakhak ako ng kaunti bago magsimula.

"Well, First, yes tama ang nakita mo... " nakangiti kong tugon ngunit may luha na namumuo sa mata ko. "Tama ang nakita mo pero mali ang rason. I was there para magCr but then nakawitness akong karumaldumal na sex ng gagung yun sa isang slut na babae." Banggit ko.

"Correction: di ako yun" pagpapatuloy ko. "Pinaalis ko silang dalawa pero ang tanging umalis lang ay ang babae at naiwan siya doon. He said na may utang ako sa kanya at di niya ako papatalsikin and then he left... And that is when you came out to the scene" natatawang pahayag ko. "Sinundan kita pero di ka lumingon" pagpapatuloy ko.

"Sorry" nakayuko niyang sabi. "Sorry kasi hindi muna kita pinagpaliwanag, sorry kasi kinain ako ng selos ko. Sorry kasimas pinili kong paniwalaan ang nakita ko kesa sayo. Sorry kasi di ko napigilan ang emosyon ko. Sorry kasi masaya sana ako namakita ka pero iba ang nakita ko. Sorry kasi... " napatingin ako sa kanya ng buong lakas "Sorry kasi Mahal kita noon pa man" huling pahayag niya pero halos nabingi ako at gusto ko na iba nalang ang sinabi niya. "Sorry kasi ang tanga ko. Sorry kasi di ko na mapigilan" at umalis siya.

Nakatunganga ako nung umalis siya. Naroon si mama at narinig niya lahat. Lahat lahat! Anong gagawin ko? Isang pagkakaibigan lang ang turing ko sa kanya.

Napakagat ako sa labi ko at bumulong.

"I am also sorry Lespugue, Sorry kasi ang manhid ko at pinaasa kita" niyakap ko ang unan sa sofa at nakaramdam rin ng yakap mula sa aking ina.

The Playboy's Baby (Published under HiNovel)Where stories live. Discover now