[1] The Encounter

7.8K 171 80
                                    

"Yssalline De villa" nagising ang diwa ko nang marinig ang pangalan ko. Nagchecheck ng attendance ang teacher namin.

"Present" tanging tugon ko at nakalingon sa bintana.

Hanggang sa natapos magcheck ng attendance at nagsimula magpakilala ang iilan sa harapan. I hated it, ayoko magpakilala. Inis akong umalis sa desk ko at nagpaalam na magCcr. Pumayag ang teacher at dumiretso ako sa labas.

Nasa second floor ang class ko at sa lobby naganap yung pagsipa ko run sa gagong yun. Argh! Nakakainis!

Imbes na sa banyo ako nagtungo ay pumunta ako sa lobby upang icheck kung hindi ba yun napuruhan, mamaya sagutin ko pa ang pampaospital nun...

Laking pasasalamat ko na wala na roon ang binatang lalaki. Nakahinga naman ako ng maluwag. Siguro ay isususpend na rin naman ako. Bahala na, ang tanging gusto ko lang naman ay mabuhay ng payapa kasama si mama.

Nagpalakad lakad ako sa lugar na yun, may maliit na garden, may mga bench kaya naupo ako roon. Wala akong dalang gamit dahil naiwan sa room. Ang tanging dala ko lang ay ang aking Cellphone.

Naramdaman ko na may nagvivibrate sa cellphone ko. Nakita ko ang caller's ID at si Lespugue ito (Lespugue- "Lespag")

"Hello." A statement.

"Wala man lang bang kamusta ka naman Lespugue? Kahit yun lang Yssay" napairap ako. Masyadong madrama.

"Kung gusto mo ng ganyan, marami naman sa bar. Maraming babae dun na pwede mong mabilog" tikhim ko.

"Ayts. Oo na! Yung pinapaligpit mo sakin, eto na---" pinutol ko ang sasabihin niya

"WALA AKONG PINALIGPIT LESPUGUE!" galit na sabi ko. At natawa na lang siya sa kabilang linya.

"Hehehehe, yung pinaparesearch mo eto na..." Palusot niya. Kababata ko si Lespugue, as in... Alam niya lahat sakin at dakilang alalay ko na rin yun tuwing nasa gang ako. May mga pumupinterya kasi saking mga frats dahil nakabangga ko ang mga tauhan nila. Kaya ako lumipat ng school ay sa takot ni mama na baka maospital ako after.

"Lespugue, ibigay mo sa kin mamaya sa cafe. Alas sinko. Intindi?" Napatingin ako sa relo ko at binibilang ang natitirang oras.

"Yup boss. I can fetch you by 12 for lunch." Nalolokong sabi niya.

"Hindi na, may trouble agad" simpleng tugon ko.

"ANO?! AGAD AGAD? PATAY KA SA MOMMY MO!" sigaw niya at iniwas ko ang tenga ko sa cellphone.

"Heh! Ako ang inuna niya, nagpakilala lang ako." Nakapikit kong sagot. I take naps minsan kahit gising ako. I have my Victory Nap, I have my Confused Nap and shiz. Ganun ang tawag namin ni Lespugue sa mini sakit ko.

"Anong ginawa niya sayo? Binastos ka ba? Ha" seryosong tanong niya. Napadilat ako at agarang sumagot.

"Sort of. Playboy e, pero mainit ang dugo sakin dahil transferee ako. Pinatid ako sa harap ng maraming tao" napapikit uli ako ng marahan at hinihintay ang mga sasabihin niya

"Anong ginawa mo?" Takang tanong niya. Nakapikit pa rin akong nagpapaliwanag.

"Dapat nasa hospital siya ngayon kaso nadepensahan niya ang mga galaw ko. Halatang may alam sa martial arts" paliwanag ko. "Tsaka nakaisa naman ako ng sipa sa kanya." Pahayag ko

"Are you hurt?" Tanong niya

"Hindi." Walang emosyong tugon ko.

"Well, bakit naman na hindi kita pwede dalawin ng lunch?" Takang tanong niya na naman.

"I have a feeling na ipapaguidance ako since anak siya ng may-ari ng school" napatayo ako ng bench at nagpagpag ng pants ko.

"What?!" Kakastart ko palang pero grabe na ang trouble ko. Lagot ako kay mama nito.

"Yeah Sure. Bye" nagmamaangmaangan kong tugon at ibinaba ang telepono at inoff ito.

Bumalik ako ng room pero mukang tapos na ang lahat, nagpalusot ako na pumunta ako ng clinic at kumagat naman ang teacher ko.

Dumiretso ako sa canteen pagkatapos ng klase. May vacant naman sa araw na iyon.

I ordered sa vending machine ng coffee in canned. At nagpasok ng pera doon. Bumili rin ako ng sandwich and salad kasi di ako kumakain ng rice. Workout na rin yun.

Ganun lang ang takbo buong araw. Madali rin akong nakilala ng mga tao roon. Na ako ang babaeng nangahas na patulan ang playboy na yun.

May bumunggo na naman sa akin ng sadya. Ayoko ng away, ayoko na dagdagan ang kasalanan ko sa school na to.

"Akala ko ba, kikilalanin ka dapat para banggain? Eh mukhang lalaki lang ang kaya mo ah?" Parinig ng isang babae doon. Mataray siya at mukang uod.

Inirapan ko siya at inosenteng ngumiti. "Hindi ka ba nainform? Hindi ako pumapatol sa mga mas mababang lebel sa akin, okay lang naman na mapunta ka sa ospital bukas basta sa labas ng school na tin gagawin ah?" Pahayag ko. Tatalikod na sana ako ng bigla akong makaalala. "Ayoko kasi na nanghihiram ng tapang sa mga alipores niyang mukang palaka e" duro ko sa tatlong babae na nasa tabi niya. Namula siya sa galit pero binalaan ko siya.

"Cross the line dear missy, and you'll regret it." Inosente kong pahayag at tinuro ko ang linya ng tiles na nasa sahig.

"BWISET KA!" She cursed and crossed the line. Dapat ay hihigitin niya ang buhok ko pero nailagan ko iyon.

Inis kong tinanggal ang nakakadiring braso niya sa kamay ko.

"Argh! Gusto kitang sabunutan! Paano mo nagagawa iyon sa prince namin! Damn! Akala mo kung sino kang maganda porke nakacurl lang ang buhok mo!" Sigaw niya at napapalakpak ako.

"Exactly. Naiinsecure ka kasi nacurls ako? Edi magpakulot ka din. Damn! Kung ako hindi maganda, okay. Pero paano pa kaya ang mukha mo? Haist. Ang prince niyo? Wala naman akong pake at hindi ko gustong makiagaw sa inyo, siya ang nauna, binawian ko lang" simpleng diin ko sa mga salita ko at nakapagpatigil sa lahat.

"Hindi ako takot na masuspend. Hindi ako takot mamatay. Hindi ako matatakot ng kung sino man. Ang pinakaayoko lang sa lahat ay mangingialam sa pananahimik ko! Gusto ko lang naman manahimik pero ginambala niyo ako pero ano, kayo pa magrereklamo?!" Umalingawngaw ang boses ko sa buong cafeteria. Tila ay napahinto ang lahat sa ginawa ko. Hinampas ko ang mesa at gulat na gulat ang lahat.

"Just don't make a mess with me. That's my rule. My only rule." Tikhim ko at nakapagpatahimik ng lahat. Hanggang sa may umenter ng canteen at lahat ay nagsilingon doon. Naroon na ang playboy, naroon na siya. Walang galos, walang bandage. Damn! Di ko siya napuruhan!

The Playboy's Baby (Published under HiNovel)Where stories live. Discover now