Chapter 13: I found you

Start from the beginning
                                    

Dumilim ang paligid ko.

"CARL!!!!"

***
I woke up and staring at the white ceiling. It's still blurry. Where am I?

Naririnig ko ang mga boses ng isang lalake at babae.

"Thank you doc." the voice is familiar.

"OMG!! ATE JESSY, gising na siya!!" parang nabingi naman ako. Nakaharap siya saken. At sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Agad ko naman tinulak palayo ang mukha niya.

"ARAY!! sira kaba? Bakit ka nanunulak ng mukha?" sabay pout niya. Naiirita ako sa maingay na payatot na to.

"Carl! Gising kana. Nahimatay ka kanina. Gutom kaba? Pagod kaba?" hindi ako sumagot. Agad ako tumayo.

"Saan ka pupunta? Humiga ka muna! Magpalakas ka muna. " pigil niya naman.

"babayaran ko lang ang hospital bill. Aalis na ako." malamig na sabi ko sa kanila.

"Carl..." tiningnan ko si Jessy. Ibang iba na talaga siya. Hindi na siya katulad ng dati. At kasalanan ko to.

"Please lang Jessy, hayaan mo lang ako. Iwan mo nalang ako." pakiusap ko naman sa kanya. Gusto ko maiyak sa sobrang guilty. Pero wala na ako maiyak, dahil sa sobrang sakit ng naramdaman ko dati. Pero shet, hanggang ngayon ang sakit sakit parin pala.

"Carl... Tama na please. Tama na yung tatlong taon. Nahanap kana namin, sa tingin mo hahayaan kitang malayo ulit?"

Tiningnan niya ako. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Ang dating over confident na Carl Maven, parang isang basura ngayon. Pasimple kong inayos ang magulo kong buhok.

"bakit ka naman nagpahaba ng buhok? Bet mo pala ang may balbas? At yung sense of fashion mo, palaus na rin." wala na akong budget bumili ng mamahaling damit. At pinili ko rin ipahaba ang buhok at magpabalbas para hindi masyadong lamigin dahil maninipis lang ang damit ko.

"Bumalik kana Carl. Sabay tayong uuwi." hinawakan niya naman ang kamay ko.

Wala akong masagot. Tatlong taon ko hinahanap hanap ang ganito. Yung pahalagahan ako. Yung may mag aalala saken.

"I want to. But... I can't." naluluha kong sabi sa kanya. "please Jessy, please.. Hayaan mo muna ako.  Babalik naman ako, kapag handa na ako."

"Carl naman.."

"Please Jessy. Please." dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa pulso ko. Nag lakad ako palayo sa kanila.

****

Nakarating na ako sa magulong apartment ko. Puno ito ng bote ng alak. Tatlong taon, binalewala ko ang buhay ko. Ang baho na pala ng kwarto ko. Pinagpagan ko ang kama ko,it's dusty. Humarap ako sa salamin.

"What have you done, Carl?" hinawakan ko ang mukha ko. Parang tumanda ako at di nababagay sa edad ko. Sobrang payat ko narin.

Wala naman akong sakit pero mukhang meron. Damn it. Parang di ako anak ng mayaman. Where's the Only Son of Mr. Carlo Maven?

Ngayon isang utos lang sinusunod ko nalang para may panglaman tiyan. Nagliligpit ng basura ng iba. Nagpapasalamat sa nagmamagandang loob na tulungan ako. Shit. Dati rati ang taas taas ng tingin ko sa sarili ko. Pero eto ako ngayon, sobrang diin na diin na sa putik.

Tumigil sa pag aaral, hinayaan ang buhay, binalewala ang yaman, at piniling magmukmok sa banyagang lugar.

"this is your punishment. Why? Because, you're glad your mom is alive so fvcking happy that she made it but you can't face your friends because of what your dad did. Ano ba talaga ang dapat Carl? Kapalan ang mukha ko at harapin sila? O habang buhay ka mamuhay ng ganito?"

TIG2: Intertwined FatesWhere stories live. Discover now