Raindrop #1

7.8K 75 57
                                    


First Rain

Isang maulan na umaga.

Nakakatamad pumasok!

Ang sarap mahiga sa kama.

Alam mo 'yon?

Matulog habang napapaligiran ng malalambot na unan at kumot.

Ngunit ang boses ni mama ay kumakatok na sa aking tainga.

"Chyna! Ala sais na! Diba alas otso ang pasok mo?! Ang byahe mo dalawang oras pa!" Araw-araw niyang paalala kahit na 4:30 palang ng umaga.

Tamad akong bumangon at umupo sa dulo ng kama. Nagmuni-muni ng mga 10 minutes bago nag-asikaso para sa pagpasok sa escuela.

Nga pala, I'm Chyna but I'm 100% Filipina! Third year college na and I'm taking up BS Nursing.

Hmm..

Sa totoo lang hindi rin naman ako tatamaring pumasok.

Alam mo kung bakit?

Dahil sa terminal ng dyip...

Doon nakapila...

Ang pogi kong Crush!

Doon ko lang siya nasisilayan kaya hinding hindi ako nalalate sa...pagpunta sa terminal ng dyip. (Sa school...Oo, late pa din minsan, traffic eh. Hehehe)

Isang sakay pa muna isang dyip bago makarating sa terminal ng dyip patungong Manila.

At kahit ilang metro pa ang layo ko sa bababaan ay nagagawa ko pang magpaganda. (Retouch kahit umaga!)

Paimpit na tili ang nagawa ko nang pagkababa ko ay makita siyang naglalakad palapit sa pila.

Binilisan ko ang lakad ko upang gaya ng nakasanayan ay nasa likod niya ako banda.

He's tall. He's hot. He's pogi. At eto pa, mukang nagtatrabaho na siya dahil sa outfit niya araw-araw!

In short...he's perfect!

Ngunit ilang sandali lang ay nagsimula nanamang bumuhos ang ulan na tumila kanina.

Nilabas ko ang payong ko at syempre binuklat ito.

Pero ang takbo ng puso ko ay dumoble nang makitang wala siyang nilabas na armas!

Wala siyang payong!

At dahil nag-aaral akong maging nurse....

Dapat maalagain ako. *smirks*

Humugot ako ng malalim na hininga at dahan-dahang inilapit sa kanya ang aking payong.

Dalawa na kaming nasa iisang payong ngayon!

See?! We're not just under the same sky, the same sun, but under the same payong na rin! Haha! Ang saya!

Hindi ko napigilan ang hagikhik ko dahil sa kilig!

Ngunit natameme ako nang mapatingin siya sakin!

O m g!

Tiningnan niya ang mukha ko...kasunod ay ang payong ko!

Sana naman hindi niya isipin na kamukha ko ang payong ko!

Bukod kasi sa baboy na print ng pink kong payong ay...

Chubby rin ako! (Huhuh sadlife! Oink!)

"Uh.. Thank you."

Ahhg! Lalo akong nahuhulog sa kanya! Ang ganda ng boses niya!

"O-okay lang.. Kasya naman tayo sa payong ko." Nahihiya akong ngumiti.

"Ako na.."

Hala! Hinawakan niya ang kamay ko!

Joke.

Nadampian niya lang ng hawak dahil kinuha niya sakin ang payong.

Pero dyusko! Ang puso ko, dagundong nang dagundong dahil magkatabi na kami ngayon!

Parang nawala yata lahat ng pinag-aralan ko at pati ang pagsasalita ay nalimutan ko!

"Malapit lang ba rito ang bahay mo? Lagi kasi kitang nakikita na sumasakay dito." Aniya at ngumiti.

At oh my siomai! May dimples ang crush ko?!

Inhale.

Exhale.

"A-ah...Oo eh. Malapit lang.. Sa block 4 lot 4 Zambales Street, liko ka sa kaliwa, dilaw yung gate namin." Hilaw akong humalakhak dahil sa kamangmangan!

Chyna naman, paano nalang kung magnanakaw si Crush?! Pero sige na nga, papanakaw nalang ako kung sakali!

"Ano?" Nangingiti niyang tanong. "Ang bilis mong magsalita." Tumawa siya.

At ang pagkainlove ko sa kanya ay lumalim ng 10x!

"Wala! Wala yun!" Hilaw akong tumawa uli.

"I'm Ace Rienzo by the way. You can call me AR if you want."

Triple times na ang tibok ng puso ko. Masisisi mo ba ako? Yung lips niya kissable. Yung nose niya matangos. Yung eyes niya nakakafall. At yung kabuuan niya, nakakainlove!

"Chyna.." Ngiti ko sa kanya.

Sinabit ko ang takas na buhok sa aking tainga ngunit magpapacute palang sana ako ay bigla nang umandar ang pila!

Nagsidatingan ang mga dyip at wala na akong nagawa kundi ang maglakad palapit sa sakayan.

Huhuhuhuhu

"See you around, Chyna.." Ngiti ni AR nang makasakay ako sa dyip.

Pinauna niya ako dahil saktong isa nalang ang kulang.

Huhuhuhuhu

Hindi pa ako magkasya sa upuan!

Isang pisngi lang yata ng pwet ko ang humahalik sa upuan!

Hay.

Sana araw-araw nalang umulan.

Tag-ulan please!

(Pero atleast..alam ko na ang pangalan niya!)

;)


。・°°・・°°・。。・°°・・°°・。。・°°・・°°・。

A/N: Another short story! Hahaha! Masyadong gumagana ang utak ko ngayern. If you kinda feel something for my story, please feel free to vote and leave some comments!

It mean so much to me!

Thank you!!!

MAHAL KO KAYO! :*

@chagocx 🌻

Payong (Short Story)Where stories live. Discover now