Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 5 (part 1)

123K 4.2K 4.3K
                                    

Part 1 of Chapter 5

< Razille Traijin Zapusumo >

LAST WEEK of January 2016, pumayag si Bea sa suggestion kong sumama siya sa apartment nina Magnet ay Angelita (o). Hindi naman sa hinihiling, pero may posibilidad na maulit ang nangyari sa tinutuluyan niya. Mas maigi 'yong nag-iingat. Mas safe kung may kasama siya. At hindi na ako mahihirapang i-monitor ang kalagayan niya.

Second week of February, ginanap 'yong event sa school nila na niyaya niya akong maging partner. Akala ko nung una para sa isang Valentine event, pero Cosplay event ang nangyari.

Maayos naman ang party. Kaso nakakabadtrip. Hindi lang ako ang isinayaw niya. Marami kami. Tatlo lang pala silang babae sa klase. 'Yong isa, tibo pa. Ang isa naman... hindi pumunta.

Ang totoo? Hindi naman talaga 'yon event na p'wedeng mag-invite ng outsiders. Inilusot niya lang ako para makapasok sa school nila. Para magawa 'yon, pinagsuot niya ako ng maskara.

Si Kaneki Ken daw ako nung gabing 'yon.

Siya naman si Yuno Gasai. Nagwig siya ng pink.

Hindi naman pala magkapareha 'yong Yuno at Kaneki. Tapos magkaiba rin ng genre na anime.

Pakiramdam ko, wala siyang balak na imbitahan ako. Siguro napasubo lang siya nung nag-usap kami sa school.

Hindi talaga 'yon ang gusto niyang sabihan.

Malakas ang kutob ko na gusto na niya akong maging boyfriend.

Suskopo!

Oo lang naman ako nang oo sa mga gusto niyang mangyari.

Wala pa nga, sobrang under mo na RT.

May 2016, umuwi siya sa Romblon dahil bakasyon. At kasal ni Ate Shane. Gusto kong sumama kaso ayaw niya. Saglit lang naman daw siya at may summer classes ako.

Ang hindi niya alam, umuwi pa rin ako. May bahay naman kami sa Odiongan.

Umattend siya ng binyag ng anak ni Cole. Doon ko lang nalaman kung bakit hindi sila nagkatuluyan.

Hindi ako nagpakita. Sumilip lang. Siguradong maiinis lang siya dahil hindi ako pumapasok ng klase. Kaya bumalik din agad ako sa Manila.

Mukhang nakapag-move on na nga si Bea. Tuwang-tuwa pa nga siya sa bata.

Kung gusto niya ng bata, p'wede naman kami gumawa.

Pero syempre, dapat magpakasal muna kami.

2016, 'yon na siguro ang pinaka-eventful sa buhay ko. Ang pinakamalapit sa gusto kong maging lugar sa buhay ni Bea.

Madalas ako sa apartment nila nina Angelita. Nakatira na rin doon ang dalawang lalaking nakababatang pinsan ni Magnet. Sina Jack at Stone. The jackstone brothers ang tawag namin. Mga high school students. Kaya medyo kampante ako na hindi sila mapapansin ni Bea. O kung mabibigyan man ng atensiyon. Parang kapatid lang.

Minsan nga natatawa na lang ako kapag nirereto nila ako nina Angelito kay MM.

Gano'n ba sila kamanhid para hindi mahalatang si Bea ang gusto ko?

Targets of Destiny (Pereseo Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon