“Three message received” basa ko sa screen ng phone bago pa man yun mailapag muli sa mesa.

Chineck ko kung kanino galing ‘yon at ganun na lamang ang pagkakunot ng noo ko nang malaman kung kanino galing yung text. My first kiss. At ngayon ko lang muling naisip na kailangan ko na palang palitan ang naka-phonebook na number ni Zach.

‘Good night, Zale. ;)’ Unang text na nabasa ko. Tiningnan niya ang oras ng pagsend nito at ganun na lamang ang paglaki ng mga mata niya ng mabasang ‘1:18AM.’ My gosh, what is he doing late that night?

‘Why are you so difficult? ;(’ yun naman ang laman ng isang text nito.

Nag-goodnight na nga may pahabol pa. Napapailing na sabi ni Zale sa sarili ng makitang ‘1:20A.M’ ang date received na nakaregister sa message. Anong pinagsasabi niya? Kung ganun gusto na pala niya talaga akong edespatsya? An evil smile form in my lips. Sabi ko na nga ba eh, mawawalan na rin siya ng interes sa akin. Week lang pala ang kailangan kong hintayin..haha… Napapatawa pa siya na parang sira.

‘Meet me at the basement by ten. It’s important.’ – ‘yun naman ang laman ng pangatlong message na nabasa niya which makes her snort.

What’s so important this time? Nagtatakang tanong niya sa sarili tsaka nilapag na yung phone sa table at pumunta sa banyo para maligo.

-----***-----

“Hi, best.” Bati ni Jamaica sa akin nang makarating ako sa Ridenfield. Papunta kami ngayon sa locker para kunin ang libro namin for our first subject.

“Good morning, best.” Bati ko naman dito.

“Best, di ka ba pwedeng lumipat dun sa dati mong silya?” tanong pa niya sa akin.

“Hay, best! Hindi na pwede noh? Katabi ko kaya si Ryder.” Pagbibiro ko pa dito inirapan niya ako bago magsalita.

“Selfish mo talaga. Dati kay Zach ngayon naman kay Ryder.”

“Di ko choice yun noh? Tsaka sa tingin mo ba masaya akong katabi si Zach? Hindi noh? Kala mo lang okay na makipagtabi sa kanya.” Totoo yun kasi palagi siya nitong ginugulo tuwing nag-uumpisa ng magdiscuss ang guro nila.

[Flashback]*-*

 “Zach, akin ng libro ko.” Naiiritang sabi ni Azalea sa lalaki nang hablutin nito ang libro mula sa kanya. Pinipilit niya yung abutin ngunit pilit din namang nilalayo ng lalaki buti nga lang nakatalikod yung guro nila kung hindi sa detention ang bagsak nila.

“Let me borrow it. I didn’t bring my book.” Nakangisi pang wika nito.

“Hindi ko na problema ‘yun… kaya please lang ibigay mo na sa’kin ‘yan.”

“Noooo…”

“Zach!”

“What’s that noise?” napatakip ako sa bibig nang napalakas ang sigaw ko sa pangalan niya.

“Sorry po, sir.” Napaayos ng upo na sabi ko sa guro namin dahil wala talagang balak si Zach na ibigay iyong libro ko. Nilingon ko si Zach na pagkalaki-laki ng ngisi nito. “Halimaw!” nakairap na sabi ko dito bago iniwas ang tingin sa kanya at nag-cross arm.

Kung hindi siya nito inaagawan ng libro ay kinukuha naman nito ang notebook niya kaya ang nangyayari hindi siya nakakapag take notes.

Inilayo ko na ang libro ko the next day, mahirap na at baka agawin na naman niya. Tahimik akong nagtatake –note sa mga dinidiscuss ni sir habang iyong libro ko naman ay nasa lap ko. Siguro naman hindi na iyon aabutin ni Zach kasi nakayuko rin ako habang nagsusulat dahilan upang matakpan nito ang librong nakapatong sa binti ko.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Where stories live. Discover now