54-Tragic Love

37.8K 828 46
                                    

"When you love someone, you'll do anything you can to keep them with you. Unfortunately, there is also a point when you have to step back and say that it's time to let go..”

-Judi Piccoult, "my sister's keeper"

54- Tragic Love

Azalea:

(21 hours later)

“Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid?” pag-uulit pa ni Thea sa tanong niya sa akin after naming makapag-usap na dalawa sa harapan ng park malapit sa nakaparadang kotse niya.

Nakangiting iniling-ilingan ko ito. “Okay lang ako, Thea. Kaya ko na ang sarili ko kaya umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Wika ko pa dito habang nakahawak sa kamay nito.

“Mommy natin, Zale.”

Dahan-dahan kong binitiwan ang kamay niya at napabuntong-hininga. “Sige na, Thea. Sumakay ka na sa kotse at naiinip na iyong driver mo.” Sa halip ay saad ko sa kanya. Bigla niya akong niyakap at parang naiiyak na nagsalita.

“Zale, sana dumating din agad ang panahon na magkakasama tayo.” Saad pa niya sa akin na tinapik ko lang sa likod nito at kumalas din naman siya. “Just take care, okay?” huling wika pa niya na tinanguan ko naman bago siya pumasok sa kotse niya.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago ako nag-aksyong maglakad. Ngunit ganun na lamang ang pagkaramdam ko ng kaba nang may tumakip sa bibig ko ng panyo at nawalan din naman agad ako ng malay.

Nagising ako ng makaramdam ng pananakit ng ulo ko at pangangawit ng mga kamay ko. Ganun na lamang ang pagtataka ko nang hindi ko maigalaw ang katawan at naramdaman ko ang malagkit na bagay na nakadikit sa bibig ko.

‘Nasaan ako? Bakit ako nakatali?’ kinakabahang tanong ko pa sa sarili at inilibot ang mga mata sa paligid.

Nakatali ako sa silya at may mumunti ring pasa sa mga braso ko dala siguro nang pagpupumilit ko kanina habang itinatali nila ako at nagpumiglas ako. Naramdaman ko ang sakit na ginawa nilang pagtampal sa mukha ko dahilan para mapatumba ako kanina. Nagpilit pa rin akong lumaban kaya naman ay sinuntok ako ng isa sa tiyan dahilan para nawalan ulit ako ng malay.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit ng tiyan ko at ang pagkahilo ko dahil sa pinasinghot nila kanina sa akin.

Nakita ko ang isang lalaking nakilala ko naman agad na nakaupo sa katapat kong silya habang nakapalibot ang iba pang walong mga barako. Siya iyong nakasuntokan ni Zach nitong mga huling araw.

Pilit kong nagsalita kahit alam kong hindi rin naman nila ako maiintindihan dala na rin ng pagkakatakip ng tape sa bibig ko. Kaya naman ay sinenyasan ng lalaki ang iba niyang kasamang tanggalin iyon.

“Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?” galit na tanong ko sa kanya na ikinangiti lang niya na parang loko.

“Oh, how sad… you don’t even recognize me?” wika pa niya habang pinupunas-punasan ang hawak nitong kumikinang na kutsilyo gamit ang daliri niya. “Gusto ko lang naman sanang magpasalamat sayo sa pag-aawat mo sa laban namin ni Zach.” Dagdag na wika pa niya at tiningnan ang hawak-hawak nitong kutsilyo.

“Anong problema mo’t bakit kailangan mo pa akong kaladkarin dito? Hindi ka ba natatakot sa mga pinaggagawa mo?” pasigaw na wika pa niya sa akin na sinagot lang naman ako ng malakas na…

“Shhh….shhh… Ayoko sa mga maiingay na tao…” wika niya sabay lagay sa gitna ng bibig niya ang hintuturo nito. “Buti na lang at dahil sayo ay makakaganti na rin ako kay Zach…” Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya at tiningnan ito ng masama. “Kung siguro alam mo lang sana kung ano ang dahilan ng pag-aaway namin ni Zach ay malamang hindi mo kami aawatin sa mga oras na iyon.” Pagpapatuloy pa niya’t dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon