1-Wrecking first kiss

136K 2.6K 116
                                    

1 - Wrecking First Kiss

Azalea:

It's the first day of senior year. Isang taon na lang at makakaalis na rin ako sa sosyal at pangmayaman na paaralang ito.

Look, I mean, even myself had never thought that I would be admitted to this prestigious school, the Ridenfield Academy, thanks for the brain that God gave me, huh?(insert sarcasm here)

Isang bagay na ipinagpapasalamat ko ay ang hindi makasalamuha ang pinaka aroganteng, self-proclaimed egoistic, playboy at ultimate heartthrob kamo ng school, Zachary Ridenfield.

Bakit?

Dahil walang sinumang gustong pumigil dito everytime na may gagawin itong kagaguhan.

Kung hindi naman ay kung may gusto itong paglaruan.

And the worst part ay ang ipahiya ka sa harap ng karamihan.

That's how cruel he is that nobody dares to mess with him.

Hindi ako mayaman kaya walang sinuman ang naglalakas loob na kumausap sa akin.

Mahirap talaga pag nasa ganito kang kalagayan kasi di mo alam kung saan ka lulugar.

Isa lang naman ang ipinagmamalaki kong bagay ang maging Top 1 palagi sa klase.

At least, napatunahayan ko na hindi basehan ang estado ng buhay ang pagiging matalino, di ba? Kung di nga lang dahil sa scholarship hindi ko pagtitiisang makihalubilo sa kanila noh?

Zachary Ridenfield? Edi mas lalong hindi iyon makikipag-usap sa boring na katulad ko.

Kung nagtataka kayo kung bakit dito ako napadpad sa dinami-daming paaralan sa lugar namin, pwes, hindi ko rin alam kasi ang bossing ng tatay ko ang namili sa paaralang ito... dahil nga siya din ang nagbigay ng scholarship ko.

Napanatili kong hindi maging sentro ng atensyon sa loob ng tatlong taon ngunit hindi ko lubos akalaing isang insidente lang ang makapagpabago ng lahat.

Nakahiga ang ulo ko sa table nang may biglang tumadyak sa isa sa mga paa ng silyang inuupuan ko.

"Hoy!"

Patuloy pa rin ito sa pagtadyak nang hindi pa rin ako kumikibo.

Saka ko lang naalala na sa 4th row pala ako dapat umupo at ang pwestong ito ay kay......

"Zachary Ridenfield?"

Agad akong napatingin sa lalaki at lumaki ang mga mata nang malamang napalakas pala ang pagkakasabi ko sa pangalan niya.

Napansin ko ang tutok na tutok na mga mata ng lahat ng mga kaklase ko sa amin, lalo na sa akin.

Last time kasi na may umupo sa silya niya ay pinaghubad niya ito ng uniform at boxer lang ang suot na pinaikot-ikot sa oval.

Harsh diba?

Kaya walang sinuman ang nag-a-attempt na mangloko o kaya naman ay bumangga sa kanya kahit sa pinakasimple at pinakamaliit na bagay lamang.

Napakunot ang noo niya nang makita niya ang mukha ko.

May mota ba ako? May something ba sa mukha ko? Baka naman may kulangot ako.

Napapailing na napaisip ako nang bigla akong kinabahan sa posible niyang gawin sa akin.

"Ah... eh.. hehe..." hindi ko mahugot sa dila ang salitang dapat na sasabihin ko sa halip ay dali-dali kong kinuha ang bag at tatayo na sana nang muli naman siyang magsalita.

"You can sit there." Napalis ang ngiting takot ko kanina at nagtatakang sinundan siya ng tingin habang umuupo sa tabi ko.

Dahil sa pagtataka ay hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Where stories live. Discover now