4- Is it Jealousy?

94.7K 2K 82
                                    

4 – Is it Jealousy?

Azalea:

Gulat na napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagpatong ng ulo ni Zach sa balikat ko. Pilit ko siyang nilingon at nakita kong nakapikit ito.

Lubdub… lubdub… lubdub

Iyan ang tunog ng dibdib ko habang nakatitig sa kanya kaya kung hindi ko pipigilan baka lumala pa ang abnormal na pag beat ng puso ko.

Kaya naman tumayo ako at biglang nakaramdam ng pagsisisi nang makita ko kung paano bumagsak ang ulo ni Zach sa bench.

"Shit!" Napapikit ako sandali sa lakas ng boses niya. Galit na napatingin siya sa'kin. "What do you think you're doing?" paasik na tanong niya sa akin.

"Ah…kasi… ano…" saglit akong nag-isip bago nagsalitang muli "Balik na tayo sa school mag tu-twelve na kasi..." sabi ko saka nagmamadaling naglakad papunta sa sasakyan niya.

Kunot ang noong napasunod ng tingin si Zach sa kanya.

Tumahan ka na puso at baka atakihin pa ako sayo… Naiinis na sambit ko sa sarili ko.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin siya sa sasakyan at kasunod na rin naman niya ang lalaki. May pinindot ang binata na kung ano sa kamay nito at nawala ang pagkakalock ng pinto ng sasakyan. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako at nagpatiuna ng sumakay sa loob.

"Alam mo ang weird mo." Narinig kong sabi ni Zach nang makapasok siya sa loob ng sasakyan.

Hindi na ako nag-atubiling lingunin pa at sagutin dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ko. Hanggang ngayon kasi ay nagsisipag-unahan pa rin sa pagtibok ang puso ko.

"Seat belt mo." pero dahil mas malakas pa ata ang tunog ng heart beat ko kesa sa pagkakasabi niya ay hindi ko narinig ang katagang iyun.

Hanggang sa naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

"Anong gagawin mo?" kinakabahang napalakas kong tanong sa kanya sa pag-aakalang yayakapin niya ako ngunit kinabit lang pala niya ang seatbelt ko.

"Huwag ka ngang assuming. Hindi ko pag-iinteresan yang payatot mong katawan." natatawa niyang sabi bago uli umayos sa pagkakaupo niya. Napakunot-noong napatingin ako sa kanya at unti-unti namang bumalik sa pagiging normal ang heart beat ko.

"Sino'ng payatot? Alam kong payat ako pero over naman ata'ng tawagin mo akong payatot. Hindi ako malnourished no?"Naningkit ang mga mata'ng sabi ko dito.

"Hindi ko nga alam kung saan mo nilalagay ang pagkain mo eh hindi ka naman tumataba samantalang ang lakas-lakas mo namang kumain" Natatawa pa rin nitong wika habang minamaniobra ang sasakyan niya.

"Ang yabang mo, eh sa mahilig ako sa pagkain eh." naiinis kung sagot sa kanya.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon