(How this world turns cold and it breaks through my soul

And I know I'll find deep inside me I can be the one)

Ngunit ganun na lamang ang pagtataka ko sa sarili dahil ramdam ko ang pamamasa ng pisngi ko. Ibig sabihin napaiyak din ako ng totoo habang tumutulo ang mga luha ko sa panaginip ko?

 

(I will never let you fall (let you fall)

I'll stand up with you forever)

 

At bakit parang ang bigat-bigat ng dibdib ko? Bakit parang dalang-dala ako sa panaginip na iyon?

(I'll be there for you through it all (through it all)

Even if saving you sends me to heaven)

 

Pero kung may isa man akong pinagtatakhan at ikinakagulat ng malaki iyon ay ang pagtawag niya sa akin ng Thea. Ano kaya ang ibig sabihin nun?

 

(It's okay. It's okay. It's okay.

Seasons are changing

And waves are crashing

And stars are falling all for us)

 

Bigla rin ay tumaas ang kuryosidad ko kung bakit sa dinami-daming taong pwedeng magligtas sa akin ay siya pa ang dumating? Bakit parang ramdam kong hindi iyon ang unang beses na nagkakilala kami?

(Days grow longer and nights grow shorter

I can show you I'll be the one)

Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Hindi kaya isa iyong implikasyon na kailangan ko na talaga lumayo sa kanya?

 

(Co’z you're my, my true love, my whole heart

Please don't throw that away

Cuz I'm here for you

Please don't walk away and

Please tell me you'll stay woah, stay woah)

 

Nilingon ko ang cell phone na ginawa kong alarm clock nang naririnig ko pa rin ang tunog nito. Muntik ng mawala sa isipan ko ang bagay na iyon dahil okupado na ang utak ko sa naging panaginip ko. Bigla nama’y sumilay ang ngiti ko nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kanta. Coincidence lang ba o sadyang may kahulugan ang lyrics na iyon tungkol sa isiping layuan na ang binata.

What are you doing, Zale? Siyempre naman kailangan mo na siyang layuan kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon.

Agad ko din namang pinalis ang ngiting iyon at tinampal-tampal ng mahina ang pisngi ko.

 Ano bang iniisip ko ngayon? Ba’t naman biglang ayaw mo ng lumayo ha? Magtigil ka, Zale ha?

(Use me as you will

Pull my strings just for a thrill

And I know I'll be okay

Though my skies are turning gray)

 

Tinampal ko pa ang aking noo bago kinuha ang aparato para e-off ang alarm.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Where stories live. Discover now