Chapter 20: Changes

95 4 0
                                    

Kentaro's POV

Gabi na ng makauwi kami sa bahay, at syempre magaan na ang loob ko kasi alam na ni Wifey ang lahat, maybe 90%? Hindi nya pa kasi alam ang dahilan ng pag alis ko at ang nangyari sa walong taon na nasa Korea ako.

"Bakit ngayon lang kayo? Saan kayo nanggaling?" Pagkapasok namin sa bahay yan agad ang narinig namin, at kanino pa ba manggaling? No other than my kapatid na nakabusangot na ngayon, at kay Jimmy na salubong ang kilay. Nagseselos ba to?

"Nag date kayo no? Yiehh! Walang forever" Ngumiti nalang ako sa sinabi ni Loraine na halatang masaya na nakita kaming magkasama, date ba ang tawag dun? Umiyak lang at natulog ang ginawa ko. Hmm

"Tss" nakasimangot naman si Jimmy habang masamang nakatingin sa akin, selos nga naman talaga.

Lumingon din ako kay Yuna na nakangiti, bitter smile kumbaga, alam ko ang nararamdaman nya para sa akin pero I feel sorry for her dahil hindi ko kayang maramdaman yun para sa kanya.

"Guys kain na!" Napalingon ako kay JB na kalalabas galing sa kitchen naka apron sya sabay may hawak na mangkok. Mukha syang housewife! Pfft.

"Nagluto ka JB? Uyy pers time may pinopormahan ka no?" Natatawang sabi ni Ella tumawa naman sya, nahalata ko ang pamumula ng mukha nya, napansin ko din na sinulyapan nya si Yuna at ngumiti, hmm love is in the air.

Bakit ang bilis kong mabasa ang mga taong to? I studied psychology while studying business management? Kaya naman alam ko ang mga ibig sabihin ng mga galaw nila. I smile bitterly, Buti pa sila kaya nilang ilabas ang lahat ng emosyon nila.

"Ken Ken kain!" Umiling nalang ako, ang gusto ko lang ngayon ay magkapagpahinga, parang sobra ata ang mga nilabas kong emosyon kanina kaya pagod na pagod ako. Medyo blur na rin yung paningin ko sa kanila kaya mabuti na rin siguro na itulog ko nalang.

Sumaludo nalang ako sa kanilang anim pero naramdaman kong umiikot yung paningin ko sa bawat paghakbang ko, hays ang sama ng pakiramdam ko

Wag ngayon

Kenjie's POV

Lumingon ako kay Kuya na parang wala sa mood, diko maiwasang magtaka, bakit kaya? May nangyari ba?

"Ken Ken kumain ka ah" masiglang sambit ni Noona pero umiling lang si Kuya,  ano kayang problema nya? Pagod lang siguro,

Kilala ko si Kuya kaya alam kong may mali, saan kaya sya pumunta kanina?

Sumaludo sya sa amin at derederetsong humakbang papunta sa kwarto namin ng biglang huminto sya, lalapit na sana ako para tanungin kung okay lang sya pero bigla nalang syang tumumba shit!

"Kuya!" Sigaw ko at lumapit sa kanya, nagsilapitan naman silang lahat, halata ang pag aalala sa mukha nila,

Kinapa ko ang noo nya, napamura nalang ako dahil sobrang init nito

"Dalhin natin sya sa Ospital!" Hysterical na sigaw ni Noona pero umiling ako, di nya kailangan yun, I know how he hates hospitals

"May personal doctor ang family namin sya nalang ang tatawagin ko" nagtulungan naman silang binuhat si Kuya hanggang sa kwarto habang ako kinokontak ang PD namin

JB's POV

Pinagpapawisan yung palad ko dahil sa kaba, nasa labas kami ng kwarto ni boss Ken dahil tanging personal doctor lang ang pwedeng pumasok sa loob

Malapit na ang loob ko kay Boss, lahat kami, para na namin syang Kuya kahit pa magkasing taon lang kami

"Umamin ka nga Kenjie, may sakit ba si Boss Ken?" Napalingon kaming lahat kay Kenjie hinihintay ang isasagot nya, magsasalita na sana sya ng biglang lumabas ang doctor mula sa kwarto, mabuti naman

"Doc, kamusta po sya?" Agad na tanong ni Ella sa doctor, naghihintay kami ng isasagot, poker face lang ang doctor, kaya diko maiwasang kabahan

Lumingon muna sya kay Kenjie bago nagsalita

"He's okay, conscious na sya pero he just has to rest, dehydrated sya at sobrang napagod kaya di kinaya ng katawan nya, kailangan nya lang magpahinga at inumin tong mga irereseta ko" sambit nya at binigay ang papel kay Kenjie, nakahinga naman kami ng maluwag, akala ko naman iba na

"Ihatid ko lang si Doctor Perez sa labas tapos bibilhin ko lang tong mga gamot, kayo na muna bahala kay Kuya" paalam ni Kenjie, kaya tumango naman kami at pumasok sa kwarto

Conscious na nga talaga si Boss Ken, nakangiti sya sa amin, kaya napangiti na rin kami

Naka dextrose sya kaya medyo hirap nyang igalaw ang mga kamay nya kaya lumapit kami sa kanya

"You're really good at making people worry, tsss" nagulat ako sa sinabi ni Jimmy, nag alala sya kay Boss Ken huwaw, amazing

"Wag kang mag alala buhay pa naman ako eh, kita nyong nakikita nyo pa ako" eto nanaman ang pagiging masayahin ni Boss

"Ano bang ginawa nyo Ella na masyadong napagod tong boss namin" nakahalukipkip na sabi Loraine, nag iwas naman ng tingin si Ella. Iba na to

"Don't tell us na-"

"Walang nangyari, seryoso, wag kayong magisip ng kung ano ano, cross my heart" pag dedepensa ni Ella sa sarili nya

"Pfft wahahahha! Tama ang iniisip nyo, wahaha" napalingon kaming lahat kay Boss Ken na tumatawa

"Ewww talaga Gross!" Halata ang pandidiri sa Boses ni Loraine habang nakanganga naman si Jimmy at Yuna

"Wahaha! Look how epic your faces are! I'm just kidding pfft" lumapit naman si Loraine sa kanya at nagulat kami ng batukan nya si Boss

"Hey he's sick for goodness sake!"

"Wahaha magsialis na nga kayo sa kwarto ko, baka mag faint ulit ako sa kakatawa sa inyo shu shuu " napakamot nalang ako ng ulo at tumango, it's a relief he's okay

The Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon