Chapter 02: Hot Ramen

307 9 3
                                    

Chris' POV

"They're rude!" rinig kong sabi ni Ella sa kaibigan niyang si Loraine.

Di pa pala ako nagpapakilala. Ako si Christian Ramos, kapatid ni Chrizella.

"Just let them be." sagot naman ni Loraine sa kanya, nakikikain na nga lang, maingay pa. Tss.

"But they're too much, nakakapikon!" sigaw niya sabay dabog nung upuan.

"Makasira ka naman dyan!" singit ko sakanila sabay lapag ng bowl of ramen sa table. (Ramen: Korean noodles with amny spices)

"Wow! Thanks Oppa!" (Oppa: korean of older brother for girls) magiliw na sigaw ni Ella sa'kin. Ngumiti nalang ako sakanya. As usual inamoy muna nila yun bago sila kumain.

Tanong ko lang, madadagdagan ba ang lasa pag-inamoy pa? Tss.

"Kuya, namimiss ko yung luto ni Dad. It was the best Ramen ever." tinignan ko lang si Chrizella at tumango.

Bigla namang sumabat si Loraine. "It was best with Kimchi!" sigaw niya habang nakataas pa yung kamay niya.

Ano ito recitation? Napafacepalm nalang ako sa ginawa niya. Childish.

"Yeah, its spirit filling with its hot soup! Yay! Buti nalang namana ni Kuya." Ella shouted, sa totoo lang mamimiss ko itong ingay na ito.

Chrizella's POV

Yay! Iba na talaga ang Ramen, nakakagood mood.

Maya maya napatingin ako kay Kuya na tahimik lang na kumakain din kasabay namin.

"Oppa, huwag mo akong iiwan ha? Don't ever leave me. Ikaw nalang ang meron ako eh." nakapout kong sabi. Ngumiti siya sakin at tinignan lang ako.

Magsasalita na sana si kuya nang tumikhim naman si Loraine kaya napatingin kami sakanya.

She glared at us. "So, anong role ko den dito? Hangin?"

"Hmm, pwede namang moving stick. Ang payat mo eh." loko naman ni Kuya sakanya.

Nagmake face nalang si Loraine at pinagpatuloy na kainin yung Ramen.

Bumuntong hininga naman si kuya at tinigil ang pagsubo ng pagkain. "If someone is gone, a better one is coming." makahulugan niyang sabi sabay tingala at ngumiti.

"Makahugot ka kuya ah!" saad ko.

Ngumiti nanaman siya kaso tipid lang at tumayo na. "Halika na kayo." yaya niya samin ni Loraine. Nagtinginan lang kami ni Loraine na nagtataka.

"Where?" sabay naming tanong kay kuya.

"I'm gonna teach you on how to cook Ramen." sagot naman niya.

Napansin kong kinuha ni Loraine yung phone niya at may binasa.

"Oops. Sowy kayo nalang. Hinahanap na'ko ng parents ko." pebebe na excuse ni Loraine

"Ok lang sige na. Ako nalang turuan mo kuya!" excited na baling ko sakanya.

Nakaagaw ng pansin ko yung matunog na paghigop ng sabaw ng Ramen ni Loraine.

"Loraine, nasaan na yung table etiquette mo?" napabusangot akong sabi sakanya.

Natawa naman siya at nagpeace sign. "Hindi na po mauulit." pacute niya pang sabi sabay tayo at inayos yung gamit niya.

"Chiao!" paalam niya. Nagpabebe wave rin siya bago lumabas.

Napairap naman si kuya sa tinuran ni Loraine. Tss. Bakla ba 'to?

"Ok, Ella ganito yun." panimula niya nang makarating na kami sa kusina.

Inexplain niya sakin ng mabuti ang paggawa, sa totoo lang natatakam na ako.

"And most importantly, cook this ramen with this." sabi ni kuya sabay turo sa dibdib ko.

"Yes sir!" pasaludo kong sabi. Kinurot niya nalang yung pisngi ko at bigla nalang akong niyakap. Nakuu, ang drama naman niya.

---- A/N

Short update na po muna Thanks for supporting my story please read, vote and comment!!

By: TGBP

The Promise (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz