"Kailangan mo pa pala no'n?" pabalang na sagot ko sa kaniya. Hindi mawala ang ngiti sa mukha niya. Bahagya siyang yumuko, nagulat ako ng kuhanin niya ang kanang kamay ko at itinapat iyon sa labi niya.

"Just a kiss at a back of your hand, beautiful lady!" masuyong wika nito habang nakangiting nakatingin sa mata ko. Wala na 'kong nagawa kung hindi hayaan siya sa gagawin niya. Isang kiss lang naman sa likod ng kamay eh, wala namang malisya roon.

Hahalikan na sana niya ang kamay ko pero nagulat ako ng may tumamang bote ng mineral water sa ulo niya kaya hindi natuloy ang balak niyang paghalik sa kamay ko. Tinignan ko kung saan nanggaling 'yon, nakita ko si Kera na sobrang lapad ng ngiti na para bang tuwang-tuwa siya sa ginawa niyang pagbato ng bote ng mineral water kay Fritz. Nakadekwatro at chill na chill pa itong nakaupo sa upuan niya.

Ano na naman problema ng lalaking 'to?

Narinig ko ang pagdaing ni Fritz habang hawak-hawak ang parte ng ulo niya kung saan tumama yung bote.

"Ang sakit nun ah!" sigaw niya. Tinignan niya si Kera ng masama, akala ko susugurin niya ito pero tinaas niya lang ang middle finger niya rito. Nginitian at kinindatan lang siya ni Kera habang binibigkas ang salitang 'bulls eye' sabay taas ng middle finger.  "Kapag ako nabobo, gagawin din kitang bobo! Bobo sa pag-ibig!" sigaw niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi at humahalak na patakbong lumapit sa stage. Hindi ako nakapagreact dahil sa ginawa niya, napahawak ako sa pisnge ko ng maramdaman kong basa iyon.

Bwiset na lalaking 'yon, lakas makanakaw ng halik sa pisngi. Basa pa! Kadiri!

Hahabulin ko sana siya para batukan ng marinig ko ang malakas ng sigaw ni Kera sa likod ko.

"FRITZ RHAINNE MESCA!" sigaw niya sa buong pangalan nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Fritz na nasa loob na ng stage habang nakangiting tagumpay. Buti na lamang ay maingay ang mga estudyante at walang masiyadong nakarinig sa kaniya kahit sobrang lakas ng pagkakasigaw niya.

Pupuntahan niya sana si Fritz sa stage pero agad siyang pinigilan ni Zhian kaya wala siyang nagawa. Nakayukom ang kamao niyang napaupo sa upuan niya habang sobrang sama ng tingin niya kay Fritz.

Ano na naman nangyayari sa lalaking 'to?

Hindi ko na silang pinansin dalawa sa likod ko at pinanood ko na lamang ang laban ni Fritz.

Lagot talaga sa akin 'tong mokong na 'to kapag natapos siya sa laban niya!

Mabilis na natapos ang laban ni Fritz kay Raymond, wala man lang siyang natamong saksak tanging daplis at ilang galos lang. Habang si Raymond naman ay halos malumpo dahil sa dami ng saksak at galos na natamo niya. Dinala rin agad sila sa Clinic.

Si Zhian na ang susunod na lalaban, gusto ko sana siyang igoodluck pero hindi ko magawa dahil hindi naman kami close at warlalu kaming dalawa. Dumiretso siya agad sa stage, gano'n din ang kalaban niya na si Jayson. Kung titignan mabuti ay mas malaki ang katawan ni Jayson kay Zhian, ang lalaki ng mga muscle at katawan nito halatang alagang training at gym. Habang si Zhian naman ay mapayat lang at hindi ganoong kalakihan ang katawan at muscle. Swak na swak at average lang ang katawan niya kaysa kay Jason na macho. Mas matangkad rin ito sa kaniya.

Kung sa katawan ang pagbabasehan mas malaki ang chance ni Jayson na manalo ewan ko na lang sa pakikipaglaban. Let see.

"Fight!" anunsiyo ni Rhaul.

Agad akong napatingin kay Zhian kung ano ang pipiliin niya sa mga weapons na nasa lamesa, pero nagulat ako ng dumiretso siya agad sa harap ni Jayson at walang pinili na kahit ano mang armas. Rinig ko ang bulungan ng mga lalaking natitira dito dahil sa ginawa ni Zhian.

KERES ACADEMYWhere stories live. Discover now