Chapter 30

74 1 0
                                    

~Time Skip~

~Kira's POV~

"Umayos ka nga Kira. Parang ikaw ang magau-audition eh. Dinaig mo pa ako." Sabi ni Toll sakin habang natatawa sa itsura ko.

Nandito kami ngayong lahat na magkakaibigan sa Social Hall dahil ngayon na kasi ang audition para sa POPUsolo. Katabi ko si Toll na kasalukuyang inaayos ang buhok at damit niya.

"Eh ikaw? Bakit hindi ka kinakabahan? Eh ikaw nga itong magpe-perform eh." Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang pawis ko.

"Pwede ba kumalma ka lang. Stop overreacting will you?" Sabi naman ni Toll at napatingin siya sa may harapan niya.

Napaharap din ako at nakita ko ang moderator ng POPUsolo na kasalukuyang papalapit samin.

"Toll? Halika na sa backstage ikaw na ang susunod na magpe-perform." Sabi ni Sir at inayos niya ang salamin niya na nakakiling kanina.

Tumingin ako kay Toll at tumango ito kay Sir. Tumayo na siya at inayos niya ang kulay gray niya na damit at denim pants. Kinuha niya rin ang silver-colored guitar niya at tumingin samin pagkatapos ay ngumiti.

"Go Toll!" Sabi namin lahat ng sabay-sabay.

Maya-maya lang ay natapos na ang nagpe-perform at nagpalakpakan na kami.

"Next stop is.. Toll Garcia from Grade 10, Aquamarine." Let's give him a round of applause!" Sabi ni Sir at agad naman nagpalakpakan ang mga tao.

Nakita ko sa kabilang gilid si Angela at Anne na sumisigaw at may dala pa na banner. Napansin ko rin ang mga die hard fans nang best friend ko.

"Go Kuya Toll! Kaya mo yan!

"Kuya Toll papicture!"

"Kuya Toll pakiss kahit sa abs lang!"

Nakakaloka sila ha. Dinaig pa nila ang girlfriend at ang bestfriend. Natatawa na lang ako sa mga sinisigaw nung mga girls.

Napatingin ako kay kala Angela at nakita ko na matalim niyang tinitigan yung mga babaeng sumisigaw kanina.

Tinuro ko na lang siya kala Ia at nagtawanan kami.

"Ang gwapo kasi ni Toll eh." Sabi ni Mirei na tinitingnan pa rin si Angela na umuusok na ang ulo dahil sa galit.

"He's still a jerk. Making Angela mad like that." Sabi naman ni Ia.

"Kasalanan ba niyang maging gwapo?" Sabi naman ni Armiece.

"I think beauty is a curse. Like me. Mahirap kaya kapag lagi ka'ng napapansin." Sabi ni Mirei.

Napatingin kami sa kanya at tiningnan namin siya with a weirded expression.

"What?" Sabi ni Mirei na may inosenteng tono.

Umiling lang kaming lahat at nagtawanan. Tumingin naman kami agad sa stage kung nasaan nakaupo na si Toll sa stool at nireready na ang gitara.

"Go Toll!" Sigaw ko at ako lang ang sumigaw kaya napatigin ang lahat sakin.

Napansin ko rin na tumingin si JC sa may leader's table at ngumiti siya sa ginawa ko. Dahilan naman kaya tumingin na lang ako sa floor at uminit ang pisngi ko.

"Ayan na magsisimula na!" Sabi ni Eya at nagpalakpakan ang mga tao na nanunuod.

Napatingin kami at pagtingin ko kay Toll ay ini-strum na niya ang guitar.

"Take it slow, but it's not typical"

Unang bigkas pa lang ng salita sa kanta ni Toll ay agad na naghiyawan ang mga tao. Goodness. Toll's voice is very dreamy.

Maparaan pati siya. Pati upbeat na kanta parang nagawa pa niyang gawin itong medyo maging slow rock.

"She already knows that my love is fine.

She's heart was a stone but then its hand roam

I turn him to go, then talking fine."

Napansin ko na yung mga crowd ay tinataas na ang kamay nila sa ere at mga nakatayo na.

Ganoon ba talaga ka-rock ang kanta at boses ni Toll kaya lahat sila napatayo at napa-party ng wala sa oras?

Throughout the song, napatayo kami lahat at napasayaw. Lumapit din kami malapit sa stage at naghiyawan lalo na nung tinanggal ni Toll ang gitara at ang microphone sa may stand at tumayo.

Lumapit siya samin at naglean sa crowd.

"Woooooooh!" Sigaw naming lahat sa kanya.

Nung natapos na ang kanta ay agad na nagpalakpakan ang mga tao pati na rin kami syempre with matching scream pa. Pati yung mga ka-classmate naming boys at girls.

"Thank you po." Sabi ni Toll at agad na pinulot ang gitara at nagbow samin.

Pagkababa niya ng stage ay agad siyang dumiretso samin. Merong mga boys na nakipag-high five sa kanya at pinuri pa siya. Nginingitian lang naman sila ni Toll.

"Ang galing mo naman kanina!" Sabi ni Kirei habang pumapalakpak pa.

Nagkamot naman ng ulo si Toll at pinatong ang gitara sa akin.

"Tama lang." Sabi naman ni Toll at umiwas pa ng tingin samin.

"Toll!"

Pagkarinig namin sa sumigaw ay napatingin kami kung sa may saan yung sumigaw at napagtanto namin na si Angela pala.

Pagkalapit niya kay Toll ay agad niya itong niyakap. Niyakap naman siya pabalik ni Toll.

Nang medyo tumatagal na ang yakapan nilang dalawa ay agad kaming lahat nagfake cough kaya napabitaw sila sa isa't-isa.

"Ang galing mo naman." Sabi sa kanya ni Angela at tiningnan niya si Toll.

"Salamat babe. Glad you liked it." Sabi naman ni Toll.

Nagtawanan pa kami hanggang sa nag-announce na yung moderator ng POPUGroups na maghintay na lang dun sa result kung tanggap sila or hindi.

"Well, well, well. What an astounding performance you got there."

Napatingin kami sa nagsalita at nakita  namin si Louise kasama sila Mikoh at Mae. Tiningnan nila kami ng sobrang talim na kulang na lang ay mamatay na kami dahil sa mga titig na yun. Pero it so annoying.

"Goodluck na lang. Pero I give you the lowest score earlier, Toll. I'm sorry." Sabi ni Louise sabay flip ng hair, "Come on guys." Sabi ni Louise at umuna na.

Nakita ko na tumingin si Mikoh kay Angela at si Mae na tinitingnan si Mikoh. After noon ay tumingin siya kay Toll sabay bumuntong-hininga pagkatapos ay sumunod kay kala Louise.

Napatingin ako kay Kirei na nakatingin din kay Mae. Tumingin siya sakin at nagkibit-balikat lang siya.

What's that all about? I don't understand.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

ANO KAYA ANG LAMAN NANG NASA SOBRE...MAY MADATING KAYANG BAGONG EXTRA...HMMM.ABANGAN

~EBND OF CHAPTER 30

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon