Chapter 23

91 1 0
                                    

(Time Skip)

(Eya's POV)

Nang matapos na ang simba, lumabas na kaagad kami ng simbahan at sa may gate kami nag-stay.

''Guys, gusto nyo ba nang slurpee?'' Tanong ko sa kanilang lahat.

Napatingin silang lahat sa'kin at parang nagtataka. Pati na rin si Ia.

"Bakit? Anong meron?" Tanong naman sa'kin ni Kirei.

"Wala naman. Bakit? Hindi ba pwedeng manlibre dahil I just feel treating you guys something? Kailangan pa may occasion or event para ilibre ko kayo?" Sabi ko sa kanila na ikinagulat din nila.

''Oo naman. Pwede na yun.'' Sumagot silang lahat pwera lang kay Toll na hawak pa rin ang picture.

"Ahhh Toll? Ayos lang ba sayo yun?" Sabi ko naman kay Toll na tulala pa rin hanggang ngayon.

Bigla naman'g siyang nawala sa pagkatulala at hinarap ako. Ngumito siya pagharap sa'kin at itinago na sa pocket niya ang picture na hawak niya kanina pa.

"Sure. Come on!" Yaya niya kaya dumiretso na kami sa 7eleven.

Hindi ko na muna yun pinansin at nagsimula na kami'ng maglakas papuntang 7eleven.

Malapit lang naman sa church yung store yun kaya nilakad na lang namin.

Nang makarating na kami sa store ay agad na naghanap sila Kira ng upuan sa labas at pumunta naman kami ni Toll sa loob ng store.

Nang makapasok na kami ay agad na hinanap namin ang slurpee station at agad na kumuha ng mga cups at quickly finill-up isa-isa.

"Ahh Toll. I'm not intruding or anything, pero may problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang naman siya sa cup na finifill niya at ng mapuno na yun ay pinatong niya sa free counter at tumingin sa'kin nang nakangiti.

"I'm okay Eya. I'm trying to be. So don't worry. Nothing serious." Sabi niya sakin at nilagay na niya ang mga slurpees sa tray at diniretso sa counter.

"Oh no." Narinig ko'ng sigaw ni Toll.

Napaharap ako sa direksiyon niya at agad nakita ko na binibilang niya yung slurpees.

"Eya, kulang nang isa. Kuha ka na lang." Sabi naman ni Toll.

"Sige. Wait lang." Sabi ko.

Pagkasabi ko nun ay bumalik ulit ako sa slurpee counter para kumuha ng isa pa'ng slurpee.

Nang kukunin ko na yung cup ay biglang may kumuha nun ng sobrang bilis at agad na finill ang cup niya.

Nang tiningnan ko kung sino yun ay hindi mo maintindihan kung gang, jeje or emo siya. Nakawhite shirt underneath a vest and he was wearing a black pants and rubber shoes. He also wear a shade, black hat rotated a hundred and eighty degrees and wearing a necklace with a cross.

"Hey! That's mine!" Sabi ko sa kanya habang nilalagyan niya ng slurpee yung cup.

Napatingin siya sakin at tinanggal ang shades niya. In fairness ha, ang gwapo niya.

"What did you just said?" Sabi nung guy na halata mo sa mukha na nang-iirita.

"I said! That cup is mine!" Sabi ko ulit pero may emphasis na dun sa 'mine'.

In-examine niya ako from head to toe pero later on, tiningnan niya ako sa mukha na parang kinikilala.

"Excuse me?" Sabi ko sa kanya at tuluyan ako'ng ninerbyos sa lalaking to.

Malay mo kidnapper siya? Rapist? Holdaper? Killer? O kahit anong kriminal na pwede siya. Nakakatakot ang aura niya.

"Are you somewhat related to Ia?" Sabi niya.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon